Chapter 17: Fight (Part 1) “IKAW na lang ang sumama sa amin, Miss,” tunog ng nakangising sambit ng lalaking nasa unahan namin. Siya marahil ang leader ng mga masasamang nilalang na ito. Kahit nagtatapang-tapangan si Ma’am Irish ay halata pa rin sa kanya ang takot. Halos manginig na nga rin siya. “Why naman ako sasama sa ’yo? I told you na handa kaming magbigay ng money! Name your price!” “Maaari naming pag-usapan ’yan kung sasama na kayong tatlo. Nagbago na ang isip ko. Kayong tatlo mismo ang isasama namin.” Pinagkiskis ko ang magkabilang palad ko sa suot kong pantalon dahil nangangati na itong manuntok sa kanya. Tsk. “Don’t you dare touch my sister!” sigaw ni Gladysse at kikilos na sana siya nang may isang lalaki ang tumutok ng baril sa sentido ng nakatatandang kapatid niya. Doon na

