Chapter 9: Her lawyer MAINGAY sa loob ng presinto. Naririnig ko ang pag-aaway at ang mga reklamo ng mga tao. Ngunit mainit sa loob ng selda at nakaiilang ang mga tingin na ibinibigay sa akin ng mga preso. Babae naman sila at karamihan pa ay nasa edad 40’s at ang iba ay halos kaedad ko lamang. Basag ang mukha, dahil sa dami ng pasa at putok sa mga labi. Magulo rin ang kanilang buhok na halatang nagsabunutan. Walang emosyon ko lang silang tinapunan nang tingin. Ano ba ang pakialam ko sa kanila? Huwag lang nila ako pakialaman kung ayaw nilang dagdagan ang sakit ng kanilang katawan. Nakasalampak lang ako sa malamig na sahig at nasa likuran ko ang malamig na selda. Nang inaresto ako ng dalawang pulis ay hindi man lang nila ako hinayaan na makapagsuot ng sapin sa paa. Basta na lamang nila ako

