Kabanata 11-BRIGITTE: "Ang kapangyarihan ni Rich"

1042 คำ
Maraming halimaw na tumambang sa amin. Maging sina Jisho at Lyra ay nakikipagsagupa pa rin sa himpapawid. Hindi pa ako nakabawi sa buong lakas ko kaya madali rin akong nanghina. Hindi magkamayaw ang mga guardians sa paglikas ng mga mamamayan. Subalit parang hindi ang panggugulo ang layunin ng mga halimaw. Sa wari ko ay iisa lang ang kanilang pakay at ito ang mas nagpakaba sa akin dahil ang ipo-ipo ay sakto sa mismong lokasyon ng bahay nina Rich. Masyado kaming naantala. Naratnan na lang namin si Ada na hawak-hawak sa leeg ang mama ni Rich. “Ada..,” Isang buwan na ang lumipas ng una kong mamataan si Ada na nagmamasid sa lugar na `to. Alam kong hindi pangkaraniwan ang kanyang kapangyarihan. Isa siyang assassin pero hindi namin malaman kung sino ang nagbibigay ng utos sa kanya kaya hindi kami umaaksyon. Hindi ko inakalang matatagpuan nila ang mismong tahanan ni Rich. Sa lagay ko ngayon ay hindi ko siya mapo-protektahan. Kasalanan ito ng Black Wolf! Tangina! Anong kwenta kong gabay kung hindi ko magagawa ang aking tungkulin? Mula pagkabata ay naging gabay na ako ni Rich. Kailangan kong itago ang aking tunay na pagkatao sa kanya para na rin sa kanyang kaligtasan. Isa akong Light Fire Element. Palatandaan `yong nakita ni Rich kanina. Incognito Guardian din ako pero matagal kong hindi ginamit ang tunay kong lakas kaya siguro masyado akong naexcite kanina sa canteen. Hayon muntik ko na ring ipahamak ang sarili ko. “Mama!” Mangiyak-ngiyak na sigaw ni Rich. Sa isang iglap ay kinitil niya ang buhay ni tita. Sinaksak niya ito nang makailang beses. Mula sa loob ng bahay ay tumilapon si Tito kasunod ang isa pang kasamahan ni Ada. Ang mga buhok nito ay muling dinampot si Tito at itinaas. Walang emosyon ang kanyang mga mata tulad ni Ada. Nabaling ang pansin niya sa amin. Ngumisi ito pero nanatiling nakapulupot ang buhok niya kay Tito. Pinalakas ko ang barrier namin ni Rich. Hanggang dito lang ang kaya kong gawin sa ngayon dahil hindi ko na kayang makipaglaban. Sapat lang ang tibay ng barrier hanggang makalapit na rin sa kinaroroonan namin si Jisho. “Bitiwan mo ang Papa ko!” Sigaw ni Rich. Hinawakan ko siya nang nagtangka itong sugurin ang babae. Ngumisi lang ito. “Azaria doesn’t take orders from anyone.” Walang emosyon niyang pagkakasabi. Mas humihigpit ang pagkakasakal niya kay Tito. Wala na siyang malay. Tuloy-tuloy ang pag-iyak ni Rich. Nagpupuyos naman ako sa galit sa akin sarili dahil wala akong magawa. Ada keeps on striking us. Sa bawat bigwas niya ng kanyang espada ay may mga blade na tumatarak sa barrier. Matindi ang kanyang kapangyarihan na kahit hindi siya umaalis sa kinatatayuan niya ay malaki ang damage na nagagawa ng bawat atake niya. Bilisan niyo Jisho, Parang hindi ko kakayanin! Initsa ni Azaira si Tito sa himpapawid at ang kanyang buhok ay nagmistulang mga patalim na kumitil sa buhay ni nito. Nanlaki ang aking mga mata. Hindi nararapat kay Tito ang ganoong kamatayan. Napaupo si Rich sa kanyang nasaksihan. Hindi na bago kay Rich ang makasaksi ng ganitong mga eksena pero ang patayin sa harap niya ang kanyang mga magulang ay hindi katanggap-tanggap. “Huwag kang mag-alala. Susunod ka rin sa kanila.” Ngisi ni Azaria. “Itinakda ka nga ba? O isa ka lang sa mga mapanlinlang?” Parang may sariling buhay ang kanyang mga buhok na umaalon sa ere. Nababalot sila ni Ada sa maitim na Aura. Patuloy sila sa pag-atake sa amin. Niyakap ko siya Rich. Pinaliit ko ang aming barrier upang mas mapatagal ang aking enerhiya. Ibubuwis ko ang buhay ko para sa kanya. `Yan ang nakaguhit sa kapalaran ko. Humihikbi si Rich pero pigil. Nakakaramdam ako ng galit. Galit na hindi hindi maikukumpra sa kahit anong nasaksihan ko noon. Galit na kahit anong oras ay maaring kumawala. Narinig ko ang unti-unti kong naririnig ang pagkabasag ng barrier. Ang aking lakas ay nauubos na rin. Anglakas ng hangin! Kasabay ng kidlat at kulog. Anong nangyayari? Hinigpitan ko ang yakap kay Rich. Tuloy-tuloy ang pag-atake nila sa amin. Malapit na malapit nang mabasag ang barrier. Ako na ba ang pinakamahina at hindi ko siya magawang protektahan? “Urrgh!” s**t lang. Angsakit ng likod ko. para akong nilatigo ng ilang daang beses. Hindi ko binitawasan si Rich. Naulit-ulit pa ito. Isang beses pa hindi ko na kakayanin. “Lee….” I mentally shout her name. Mas lumalakas ang kapangyarihan ni Rich. Nararamdaman ko ang galit. Ang pagnanais na gumanti. “Keep calm, Rich..” Bulong ko dito. Pero sa isang iglap ay tumilapon ako sa tindi ng kapangyarihang kumawala sa kanya. Tumama ako sa poste at tuluyang ng nanghina. Halos nakapikit na ang aking mga mata pero kitang-kita ko kung paanong pumaikot kay rich ang kanyang natatagong kapanyarihan. Para siyang na-possess! Ito ang epekto ng ginawa ni Lee. Ang maagang paggising sa kapangyarihan ni Rich. Ganito pala kalakas ang itinakda. Ang aurang pumapaikot sa kanya ay unti-unting nagiging nyebe. Dumidilim din ang paligid. Lumalakas ang hangin at dumadalas ang pagkulog at pagkidlat. Nagyeyelo ang kanyang kinatatayuan. Lumalawak ito sinusubukan kong kumilos pero nagmanhid ang mga binti ko Kung maabutan ako ng hindi niya makontrol na kapangyarihan ay siguradong katapusan ko na. Patuloy sa paghagupit sina Ada at Azaria kay Rich subalit hindi man lang ito naaapektuhan. Ni wala itong reaksyon sa ginagawa nila. Itinaas niya ang dalawang kamay niya at lumutang ang walang buhay nang katawan nina Tito at Tita. Binalot niya ito sa yelo at isinantabi. Sinubukang atakehin ulit ni Azaria ang mga bloke gamit ang kanyang buhok subalit pinaulanan ito ni Rich ng mga blade na yelo. Pinalibutan niya ng icicles ang mga labi nina Tito at Tita. Papalapit na sa akin ang nagyeyelong lupa! Pinilit kong gumalaw ngunit nahihirapan na ako. Nanlalabo na rin ang paningin ko sa dami ng enerhiyang Nawala sa akin. Malalaks na pagaspas ang narinig ko at sa isang iglap ay nasa himpapawid na ako. “You okay?” Naaninag ko ang mukha ni Jisho. “Lagot ka kay Lee.” Pagbabanta pa niya. “Si Rich..” “Sina Master Xeron at At master Xenon na ang bahala sa kanya. Sa ngayon kailangan ka naming dalhin sa XerXen bago pa tayo mapahamak lahat.”
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม