DANIEL SUMAPIT na ang takdang oras ng pagkikita ng mga kidnapper ni Hera at ng daddy nito. Gaya nang napag-usapan ay bawal magdala ng kasama ang daddy niya pero hindi naman pumayag ang mga pulis at ganoon din ako. Nakuntento na kami sa pananatili sa di-kalayuang puwesto upang may kung may gawin mang wala sa usapan ang mga kidnapper ay makatutulong agad kami. Halos trenta minutos ring nag-antay ang daddy nila bago dumating ang isang van na may lulang mga lalaki na sa tantiya ko ay wala pa naman sa sampu. Natanaw kong hawak ng dalawang lalaki sa braso si Hera na may takip ang mata at bibig. Magulo rin ang kaniyang buhok at damit dahilan upang magngitngit ako sa sobrang galit. Binalak ko ring lumapit sa kinaroroonan nila upang pagsusuntukin ang mga lalaking kumidnap sa kaniya pero mabilis r

