DANIEL 'I pronounce you as husband and wife. You may now kiss the bride.' Nakangiting sabi ni father. Walang pagsidlan ang labis-labis kong kasiyahan habang tinititigan ang babaeng ni sa panaginip ko ay hindi ko inakalang magiging akin. Isang napakatamis na halik ang pinagsaluhan namin sa harap ng mga taong naging saksi sa sumpaan namin sa harap ng altar at sa pagsisimula ng panibagong yugto sa buhay namin bilang ganap na mag-asawa. Bagama't kaunti lamang ang bisita gaya ng gusto niya ay hindi iyon nakaapekto sa pagiging memorable ng aming kasal. Nakadagdag ng saya ang totoong saya na mababakas sa mukha ng mga dumalo na may malinis na intensyon para sa pagsasama naming dalawa bilang mag-asawa na sa kalaunan ay magiging isang ganap ng pamilya kapag naisilang na ang aming munting anghe

