HERA "Hija, tatawagan ko muna si Daniel. Tutal naka-ready na ang lahat ng kailangan para sa surprise natin sa kaniya. Mas maganda siguro ay magtago ka muna kapag nasa labas na siya para mas surprise." "I like your idea, tita. Sige po. Tawagan niyo na po." Mabilis namang kinuha ni tita ang cellphone niya at tinawagan si Daniel. Hindi naman ganoon katagal ang hinintay namin sa pagdating niya. Nang marinig namin na may nagbukas ng gate ay dali-dali akong nagtago sa kwarto niya. Magmula doon ay maririnig ko naman kung ano ang sasabihin niya. "Ma, ano pong mayroon? Parang madami ang nakahain sa lamesa? Hindi ko naman po birthday ngayon at sa pagkakatanda ko ay hindi mo rin po birthday ngayon." tanong ni Daniel pagkakita ng mga nakahain sa lamesa. "Kailangan ba may birthday muna bago

