"Anong tinutunga-tunganga niyo ha? s**t!" malakas na bulyaw ni Axel sa mga tauhan niya na hindi magkandaugaga sa paghahanap ng masisilungan dahil sa mga nagsisitaliman na mga panang bumabagsak mula sa asul na kalangitan. Napailing-iling na lamang ako. Ang ilan ay tumba na at malubhang nasugatan. Sinulyapan ko ang kung saan nanggagaling ang mga palaso. Kumindat naman sa akin ang mga engot at nagthumbs-up pa sa akin habang nakadungaw mula sa helicopter na papalapit na sa amin. Kaya naman lumakas kaagad ang hangin sa paligid. Nawala sa isip ko na may mga kalaban pa nga pala subalit pagkatingin ko ay wala na siya. Hmph, ayos lang. May tamang oras para pagbayarin ang lalaking 'yun. Kailangan ko makausap si kuya about sa spy na iyon. It's kind of unusual for my brother to choose the wrong one

