"Thank you, that was a nice experience."
Nakangiti kong tinanggap ang pakikipagkamay ni Blase matapos ang dalawang kanta. Sa dalawang kanta na 'yon bumabagay ang boses namin sa isa't-isa. Kahit si Peter at Ian napansin ang magandang chemistry ng boses namin.
"Nice voice, pwedeng pang vocal," Peter commented as he descend from the stage. "Isasali ko siya kung gusto niya, magaling naman siyang kumanta at kunting practice lang ang kulang."
"You think so?" Tanong ko. "Gusto mo alukin ko na?"
"H'wag muna, masyado pang maaga. Saka nandiyan ka naman, e."
"Tingin ko kasi mas papatok tayo kung may ka-duet ako."
"Sige, titignan natin. Tara muna ro'n sa table natin."
Ngumuso ako at umiling, tinuro ko si Tristan na nakaupo sa 'di kalayuan at nakanunot ang nuo. Nakakrus pa ang binti at braso, agad namang nakuha ni Peter ang ibig kong sabihin.
"Boyfriend mo ba 'yan? Sana naman magawa ka naming makasama after ng performance natin kahit minsan."
"Kapatid ko siya," ngiwi ko.
Bumakas ang gulat sa mukha niya na tinawanan ko na lang. Nakasimangot akong lumapit kina Trist at naupo sa katabi nitong upuan. Agad niyang nilapag ang milk tea sa harapan ko at muling sinilip sina Peter.
"What's wrong with you? Stop peeking on my friends," I said, pouting.
"What did that boy say? He stared at me."
"He's just wondering why you're always looking so grumpy after we perform," I barked as I sipped on the straw. "He mistaken you as my boyfriend as well, see? You should reign that over protective side of yours."
"Why would I? I'm just making sure you won't fall into a wrong guy," bwelta niya at tinignan si Ali. "Am I right, Ali? Believe me, if you have a little sister, you will do the same."
"Hmm?" When I glanced at Aliston, he was only sipping on his shake, hands crossed and eyebrows shot. "Maybe? Of course, if another Monte Grande woman exist except mom, I would surely be protective of her. But not as overly protective as you."
I nodded as I agreed at him, not that protective, I see.
"Tama, tama. Hindi sa lahat ng oras kailangan namin ng resbak, kahit babae kami ay kaya naming lumaban mag-isa."
"Why would you fight alone when I can fight with you?" Trist insisted. "You're only saying that because it isn't the time yet, believe me, no matter how strong you are, you will always need someone beside you."
"Hindi ko sinabing hindi, hindi naman iyon ang point ko, Tristan." Nakakunot nuo ko siyang tinignan.
He shrugged his shoulders and rolled his eyes, I chuckled in his childish response. Nightfall came and we go home, Tristan dropped Aliston in the bus station since we had different roads. Then Tristan drove me to my apartment, he left an hour after.
Wala naman masyadong ganap pagsapit ng weekend, bumisita ulit ako kina papa at umuwi rin nang linggo ng gabi. Parang ang bilis ng oras dahil paggising ko lunes na naman at kailangan ko na naman pumasok. Hindi ko na hinintay na sunduin pa ako ni Tristan dahil malayo pa ang bahay nila sa apartment ko.
Ang labas tuloy ay pinagalitan niya ako, well, slightly. Bakit daw hindi ko siya hinintay at nauna ako, bakit daw nag-bus ako kung pwede namang hintayin ko siya.
"Ano pa bang pinuputok mo eh nandito na naman ako, safe and sound. Buo at walang kulang," ungot ko habang papunta sa library dahil kailangan ko maglinis.
Habang siya ay nakasunod sa'kin, nakapamulsa at nakasimangot umagang-umaga. Tinaasan niya ako ng kilay at supladong umirap na ikinatawa ko na lang.
"Wala naman, naisip ko lang bakit kaya mas pinili mo mag-bus? May kasabay ka?"
"Malamang, ang dami kayang pasahero ng bus."
"Hindi 'yon," ungot niya at umaktong sasampalin ako. "H'wag kang pilosopo kung hindi paduduguin ko bibig mo."
"Aba talaga? Sasampalin mo na ako? Galit ka na talaga? Ayaw mo na magpapigil?" Pang-hahamon ko dahil alam ko namang hindi niya gagawin.
Nagbibiro lang naman siya at puro banta.
"Pangit mo naman kabonding," aniya at pinisil ang pisngi ko.
Natigil ako sa paglalakad para tabigin ang kamay dahil masakit.
"Tristan Xander Immerson! It hurts."
"Really? Hindi ko nga 'yon nilakasan. Dapat yata tinudo ko na."
"Tangin..."
Tinignan niya ako ng masama nang akmang mamumura ako kaya ngingisi-ngisi akong lumayo sa kaniya.
"Tangina," mura ko nang nakalayo na sa kaniya.
Mas sumama ang tingin niya sa'kin.
"Ulitin mo nga 'yon."
"Sabi ko, tangina."
"Talagang inulit mo? Jedah Caizen Fidelin Immerson, that's not what I meant!" Maktol niya. "When I say ulitin mo, sarkastiko 'yon."
"Alam ko," natatawa kong sagot.
Saktong nakarating na kami sa library kaya ngingisi-ngisi akong pumasok at kinawayan siya. Akala ko ay aalis na siya agad pero pumasok din siya at tinulungan ako. Natapos din ako kaagad kaya hindi ako na-late sa unang klase. Tatlong subject bago ako nakaramdam ng gutom kaya palihim kong tinext si Trist na padalhan ako ng burger, fries at milk tea.
I was just joking but...I just saw Aliston knocking on our classroom's door with three small plastic bags on his hand. My eyes widened in shock and astonishment and a suppressed smile badly wanted to break through my resistance. Good thing our math instructor excused me for how many minutes to face him.
Paglabas ko ng classroom ay kagat-kagat ko ang labing nilapitan siya habang nakadaop sa likuran ang mga kamay. Pakiramdam ko nanlalamig ako sa hindi maipaliwanag na excitement, gusto ko ring bumulalas ng tawa.
Oh my gosh, Tristan. Hindi ka na ba mabiro ngayon?
"Ali, hi..." I was like an introvert trying to make an awkward conversation with my crush. "Sa'kin 'yan?"
Too obvious, wala naman yata siyang ibang pupuntahan dito kundi ako. Pero wala akong masabi, e. Nakasuot na naman siya ng long sleeves polo na nakatupi hanggang siko, lantad na lantad ang maugat niyang braso na nalalatagan ng manipis at maitim na balahibo.
Dinilaan niya muna ang labi bago bahagyang ngumisi at tumango sa'kin, hindi nakatakas sa mapagmatyag kong mata ang pagbaba ng mga mata niya suot kong uniform na hindi umabot hanggang tuhod. Kahit ang suot kong sapatos dinaanan ng mata niya bago ito bumalik sa mukha ko.
"Yeah, of course. You're not expecting me to call someone else, are you?" Naningkit ang mata niya at lalong lumawak ang ngisi. "Well, these are your snacks. Have fun eating after the class, Jedah."
"Thank you, pero bakit ikaw?" Tanong ko bago kinuha sa kaniya ang mga pagkain.
Napakunot siya ng nuo at bahagyang tinagilid ang ulo habang nakatingin sa'kin ng diritso. Tulad dati ay nandiyan na naman ang kakaibang paraan niya kung tumingin. Kung makatingin kasi siya parang tagos pati sa kaluluwa ko. Ni hindi siya kumukurap o nahihiya.
"What do you mean why me? Why not me?" He asked in confusion that, also made me confused.
"Because Tristan is my brother and he was the one I texted?" Patanong kong sagot. "Inabala ka pa kasi niya, 'yon ang iniisip ko."
"Oh?" Napasinghap siya at umayos ng tayo, kinagat niya ang labi para itago ang ngiti. "Yeah, you texted him. He sent me because he's busy with the report, that's it."
"Oh, well I was just joking." I prodded my lips.
"It's alright," he whispered but I still heard it. "Go back inside, your class is still on."
"Sige, pasok na ako."
Mabagal siyang tumango ng hindi man lang inaalis ang mata sa'kin. Tumalikod na ako para bumalik sa klase pero sinadya kong bagalan ang lakad at doon nilabas ang nagkakawalang ngiti. Hindi ko na ulit nilingon si Ali, pinilit ko na ring magseryuso bago pumasok.
Pagkatapos ng klase ay hindi na muna ako nagligpit, kumain na lang ako sa upuan ko habang nakatingin sa notes kung saan nakasulat ang requirements sa thesis namin. Mukhang kailangan ko na naman tumambay sa library para gawin ang thesis ko.
Tahimik lang akong kumakain ng burger nang lumapit ang isang kaklase kong babae. Unti-unti akong natigil sa pagnguya at tumingala sa kaniya. Nakatayo lang 'to at nakadungaw sa'kin habang nakataas ang mga kilay.
"Linda, h'wag mo na ituloy, baka tayo naman ang ma-kick out," bulong ng kasama nito at sinubukan siyang hilahin paalis pero nagmatigas siya.
"Shut up, I'm not doing anything yet. And I'm not gonna do anything," Linda remarked as she averted her gaze to her friend, then to me. "Hey there, Jedah. Pwede magtanong?"
"What is it?"
"Kaibigan mo ba si...Ali?" Napabuntong-hininga siya at saglit huminto. "I mean, are you close with him? Or something like that?"
Naisip ko agad kung bakit niya tinatanong. Then I remembered talking with Ali earlier, maybe she likes him, too. Just like Rowen. Sana lang hindi niya ako awayin tulad ni Rowen.
"We're not close, just friends? Well, we know each other."
"Okay, sige thank you."
Eh? I thought she will warn me not to steal him, looks like she's not as low as Rowen. Nagpasalamat pa nga. Sinundan ko siya ng tingin pero ganun pa rin ang ekspresyon niya. Nakasunod naman sa kaniya si Alde, kaibigan niyang kaklase rin namin.
Napangiwi na lang ako sabay sipsip sa milk tea, bakit ba ako napapaligiran ng mga gwapong lalaki na maraming fan girls? At bakit naman ako ang pinag-iinitan ng fan girls nila? Hays, baka kapag nakipag-close rin ako kina Edcharl at Quin ay may sumugod na naman sa'kin. Kasalanan ko bang kilala ko sila?
Pagkatapos ng klase ko sa umaga ay sinundo na naman ako Trist sa classroom namin. We headed to the canteen to have lunch then, I teased him for the milk tea and burger.
"Ha? What milk tea and burger? Wala naman akong pinadala sa'yo ah?" But he's clueless of it. "May text ka ba? Wait, hiniram ni Edcharl ang cellphone ko kanina, e. Nasa library kami kasi naghahanda kami sa report namin."
Dahan-dahan akong napatigil sa pagkain at kunot-nuo siyang tinignan, what the hell? Akmang ikukwento ko sa kaniya ang tungkol sa paghatid ni Ali ng snacks sa'kin nang makita ko itong palapit sa'min kasama si Quin. Natahimik ako at tinitigang mabuti si Aliston. May sinasabi ito kay Quin at nang maramdaman ang titig ko ay napatigil siya sa pagsasalita at tinitigan ako pabalik. Walang bahid ng ngiti sa labi at seryusong-seryuso na naman siya.
"Jedah, ano nga iyong tungkol doon sa milk tea? Wala naman akong natatandaan, e." Niyugyog ako ni Trist kaya naputol ang tinginan namin ni Aliston.
Mabuti na lang din niyugyog niya ako dahil pakiramdam ko, habang nakatingin ako kay Ali ay mas lalo kong nakikita kung gaano siya kaperpekto. Matured, mabait at matalino. Mapino kumilos at malakas ang dating. If being ridiculously handsome is a crime, he'll really be guilty.
Umiling ako kay Trist at kumain na lang. "Wala."
If it's not him then, was it Ali who saw my text? Eh bakit hindi niya ako tinama kanina?
"Immerson, how's your report?" Quin asked as soon as he slammed on one of the seats. I forgot to mention that he's in a different class.
"It was easy, of course. What do you expect?" Said my brother.
"Wala naman, medyo strikto kasi si Morayla. Baka ibagsak kami n'on, ang pangit pa naman ng report namin."
"Ibagsak pa nga," hirit ni Edcharl.
"Ayos lang naman bumagsak sa reporting, hindi ka naman scholar. Wala kang masasayang na scholarship," Ali joked.
"Kahit na, ang baba na siguro ng grades ko."
"Oy, grade conscious si Castillo," tumatawang sabi ni Trist. "Kailan ka pa nagkagan'yan? Diba dati wala ka namang pakialam sa grades mo?"
"Baka may girlfriend na'to kaya grade conscious," dugtong pa ni Edcharl. "Are you impressing a girl, Castillo? Why all of a sudden? Who's the girl?"
"Nagbibinata na talaga," Ali seconded.
Gusto ko ng matawa sa mukha ni Quin, halatang naasar siya pero hindi niya pinapahalata. Without knowing na halatang-halata talaga. Inakbayan pa siya ni Trist at binulungan, na rinig naman namin.
"Sabihin mo lang kapag bagsak ka, nandito kami para pekehin ang report card mo. Hindi pwedeng bumagsak ka, paano naman 'yong babae? Baka ma-turn off—"
"Stop it, you guys are hallucinating!" Eksaheradong saad ni Quin at tinanggal ang braso ng kapatid ko. "Walang gano'n, ayuko lang grumaduate na may axe sa report card ko."
"Axe?" Edcharl raised his brows.
"Sosyal, ayaw pansibak. Axe talaga!" Tawang-tawa naman si Tristan.
Habang si Aliston at ako ay tahimik na tumatawa, inirapan sila ni Quin at walang pasabi nitong kinuha ang pizza sa gitna ng mesa. Hindi pa namin 'yon nababawasan ni Tristan.
"I have a deal with mom, she's pressuring me."
"Oh? Ano dapat? Gusto niya bang maging top one ka sa buong third year?" Tristan asked, grimacing.
"Not that, she wants me to marry my childhood friend," Quin explained problematically. "But I don't want to be tied that early, hell, I don't wanna be tied to anyone."
"Ayaw mo mag-asawa?" Tanong ko.
"No, not that, too. At least not now, I'm still young and I want to enjoy my life."
"At hindi niya pa nakikilala ang babaeng seseryusuhin niya. Kawawa naman ang childhood friend nito," dugtong ni Aliston at ngumiwi.
"She wants me to marry her unless, she can see that I'm doing good at school. No failures, no low grades, heck she even wants me to find a long lasting girlfriend."
"Aww, your mom is so sweet."
Pagkasabi ko n'on, agad natuon sa'kin ang mga mata niya. Hindi siya makapaniwalang gano'n ang reaksyon ko.
"Sweet? Jedah, she's pressuring her son! Sweet?"
"You don't get it, do you?" Agad na wika ni Ali. "Your mom wants you to stop playing with girls and instead, she wants you to have a better future. She's worried that you won't find yourself a faithful wipe because you yourself is unfaithful."
"Excuse me? Aliston ah, mali-mali ka. Hindi ako maluluko, anong unfaithful?" Bwelta niya at binato ng tissue ang kaibigan.
"Enough with your shits, Quin. Gusto kong kumain ng tahimik," suway ni Edcharl.
Buong tanghalian yata ay 'yon lang ang pinag-uusapan namin. Dalawang klase lang ang meron ako sa hapon kaya pagtapos ay pumunta ako sa library para simulan ang thesis. Sa library lang kasi tahimik at walang panggulo.
Nasa pinakagilid ako at nag-iisa nang may lumapit sa'kin, una kong nakita ang sapatos nito kaya sinundan ko ng tingin ang paa nito paakyat. Mabagal ang pag-angat ng paningin ko sa mukha ng lalaki at nang tuluyan ko ng nakilala kong sino 'to ay ilang minuto pa akong natulala.
Standing straight, was Cruise Aliston Monte Grande with his hand on his pockets and his bag hanging loosely on his shoulder. He cracked a small smile and tilted his head, revealing his long neck and shoulder and collarbones.
I gulped, he freaking looks hotter in a black oversized shirt and black jeans, black back pack and a manly scent oozing out.
"Hi, can I share a seat?" Tanong niya at ngumiti lalo.
Tumango ako at niligpit ang ibang libro na binabasa para may space rin siya. Nangmakaupo kaharap sa'kin at nilapag niya ang iPhone sa mesa. I recognized it as the latest model. And I know the price of it, damn, is he that rich?
"What are you doing?" Tanong niya nang mailabas ang isang notebook at fountain pen. s**t, I think the brand is mont blanc?
"Ahm, thesis," tanging nasagot ko dahil sa mangha.
Nang binuklat niya ang notebook ay nakita ko ang napakaganda niyang sulat kamay. Then, I looked at mine. Damn, bakit mas maganda pa ang sulat kamay niya kaysa sa akin? What in the world is this guy doing in his entire childhood for having such a manly and wonderful hand written?
"Oh, so what about your thesis?"
"Ah, hindi pa ako nakakapag-decide kung tungkol saan. Nagbabasa pa ako para makakuha ng idea."
"Hmm, then? Mayroon na?"
Nakangiwi akong umiling, ito ang part ng college na pinaka-ayuko, idagdag pa iyong research at defense. Gusto ko na lang bumalik sa kindergarten.
"Ang hirap pala."
He chuckled sexily as he put aside his own book. He stretched out his hand then.
"Ganiyan talaga sa simula, may I borrow your book?"
"Sure."
Kanina ko pa nga gustong itapon iyong libro, wala naman kasi akong naiintindihan. Nang makuha ay binasa niya ang binabasa ko kanina, napangalumbaba naman ako. Gusto ko sanang sabihin na patulong kaso nakakahiya.
Pinanuod ko siyang basahin ng mabilis ang nada libro, paano ko nasasabing mabilis? Kasi ang bilis ng kilos ng pupils ng mga mata niya. Ang gwapo niya rin talaga tignan habang seryusong nagbabasa. Kailan pa ako nahilig sa gwapo? Hayst.
"Nabasa mo na lahat? Diba, ang hirap, wala nga akong maintindihan. Kanina pa ako paulit-ulit diyan wala namang pumasok sa ulo ko. Sobrang hirap. Bakit ba na-imbento pa 'tong thesis at research?"
"It's easy," maikli niyang tugon.
Muntik na akong mapatayo para salungatin siya. Kasi hindi 'yan madali, para sa kaniya siguro kasi sobrang talino niya. Gusto kong maiyak, bakit nadadalian siya at ako hirap na hirap? Hindi pwedeng ako lang.
"Anong easy? Ang hirap kaya!" I argued but I immediately regret it when he looked at me.
Gusto kong maiyak, magkaiba naman kasi IQ level namin. Pero ngumiti lang siya at tiniklop na ang libro.
"Alright, it's difficult. I'll find you an easier one, then." Nakangisi siyang tumayo at dinilaan ang labi.
"The easy one," dugtong ko at nag-iinit ang mukhang umiwas ng tingin.
"The easiest one, Jedah. I don't want you pressured just because of this," sabi niya pa habang nakangisi pa rin.
Pinalobo ko ang mukha at tumango ng hindi siya tinitignan. The easiest one, Ali. Kahit na inaasar mo ako sa simpling paraan na ito, hindi kita aawayin. Tulungan mo lang ako sa thesis ko.