COLEEN BARETTO NANG NATAPOS KONG mabasa ang nobela na ginawa ni TitaAmor07 na BU at HAY ay hindi ko mapigilan ang sarili na maging emosyonal. Hindi ako makapaniwala sa mga nangyayari. Noon, nakikita ko lang si Tita Amor sa TV at nababasa ang mga likha niya dahil isa siya sa mga sikat na manunulat dito sa bansa. Pero ngayon, gagawa na ako ng pelikula na kasama ang boyfriend ko at siya pa ang napiling magsulat. Ang suwerte lang namin dalawa ni Jack. I promise to myself na gagawin ko talaga ang best ko. Gusto kong patunayan sa kanila na kami ni Jack ang tamang artista para sa project na ito. This is our debut movie, we should make them proud. Especially to our fandom and to our families. “Ano ang masasabi niyo sa istorya?” tanong ng isa sa production. Napangiti naman ako habang nagpupunas

