COLEEN BARETTO Tapos na akong magdrama rito sa loob ng kwarto. Mahinang kinurot ko naman ang sarili ko dahil sa inasta ko. Mukhang napasobra lang ako sa ginawa ko. Kung tutuusin, may malasakit lang naman sana sa akin si Jack. Ang sama ko! Kakausapin ko na lang kaya si Tita. Gusto ko rin humingi ng payo sa kanya kung ano ang maging dapat kung gawin. Lumabas na ako ng kwarto at dumiretso na sa confession room. Pagdating ko, agad akong umupo sa kulay rosas na sofa. Pero bago ako magsasalita, iginiya ko muna ang tingin sa buong kwarto. Ang ganda ng disenyo! Ang sarap lang gawing tambayan. “Good morning po, Tita,” pagbati ko. “Good morning din, Coleen. Bakit ka naparito?” tanong ni Tita. As if hindi niya nakita ang nangyari. “Ang sama-sama ko po,” pag-amin ko. “Bakit mo naman nasabi iya

