CHAPTER 4
SHEINA's POV:
PANANDALIANG SAYA lang naman.
Ito ang masasabi ko sa pagsasama namin ni Travis...
Kung sabagay, para kaming preso na tumatago upang hindi makita ng mga tao. Kaya ano pa nga ba ang aasahan ko? Pinasok ko ang ganitong relasyon kaya nararapat lang na magtiis ako.
Nag-movie marathon lang kami ngayon ni Travis. Alam kong mamaya ay aalis na naman siya dahil kailangan niya pang humarap sa mga tao sa kompanya...
Kaya ang tanging ginawa ko ay yakapin ang binata. Sobra ko rin namang na-appreciate ang pagpunta niya dito dahil gusto niyang suyuin ako. Kabisado na talaga ni Travis ang pag-uugali ko. Kapag kailangan ko ng lambing ay bigla na lang siya susulpot na animo'y alam niya ang tumatakbo sa utak ko. Overthinking kasi ako na tao, na humahantong sa kung ano-anong mga desisyon ang nagagawa ko. Kaya nga nagpapasalamat ako dahil meron akong Travis na nakilala. May boyfriend ako na walang sawa na umintindi sa moody kong ugali. Talagang gumagawa siya ng paraan para lang hindi umabot sa hiwalay ang lahat. Katulad na lamang nang pagpunta niya kahapon dito sa tinutuluyan ko. Ang masasabi ko lang ay napaka-green flag niyang tao. Ang mama niya lang naman ang red flag.
Ayaw niya sa tulad kong dukha. Masyadong mataas ang standard niya sa babaeng magugustuhan ng anak niya. To the point na siya pa itong nagdedesisyon na ipakasal si Travis sa iba. Ganyan kaitim ang budhi ni Mrs. Arellano. Pero kung inaakala niyang susukuan ko ang anak niya, hindi ko gagawin 'yon. Hangga't pinaglalaban ako ni Travis, ipaglalaban ko rin siya.
"Travis, ang lamig... Ayokong maligo," bigkas ko sa aking nobyo na pinipilit akong sumabay sa kanya na maligo sa banyo.
Aalis na kasi siya mamaya upang umuwi sa kanila para makapag-asikaso na rin siya Kompanya. At nais niyang magkaroon kami ng moment na sabay maligo sa banyo. Pero dahil takot ako sa tubig ay tinatanggihan ko ang alok niya. Ang lamig kasi, mahina ang katawan ko sa lamig kaya naman lumalayo ako sa binata. Baka kasi umiral naman ang pagiging isip-bata niya at buhatin ako para lang maipasok sa banyo.
Si Travis, hindi siya boring na nobyo. Kahit na dito lang kami madalas nagdi-date ay hindi ko naramdaman na may pagkukulang siya sa relasyon namin. Magaling siya humandle. Hindi niya hinahayaan na may makasira sa amin.
"Come on love... Join me here. Minsan na nga lang ako magpalambing sa'yo, tinatanggihan mo pa," nakangusong turan niya.
"Anong lambing? Hindi paglalambing ang tawag d'yan Travis... Ang lamig nga eh... Maliligo lang ako kapag nakainit na ako ng tubig," hirit kong saad na ikinatawa niya.
"Ikaw talaga, masyado kang matakutin sa tubig... Tandaan mo na kahit malamig ang tubig, mainit naman ang pagmamahal ko sa'yo, umaalab pa," pagbabanat nito.
"Tigilan mo nga ako Travis... Kailangan ko munang magpakulo ng tubig bago ako sumabay sa'yo dyan," pagtataray ko sa aking boyfriend.
Nang hindi ko na marinig ang boses niya ay dumiretso na ako sa heater upang magpakulo sana ng tubig. Hindi ko kayang maligo nang ganitong oras na walang nilalagay na mainit na tubig. Nakasanayan ko na kasi ito.
Sa palagay ko naman ay hindi na mangungulit pa si Travis, dahil narinig ko na tuloy-tuloy na ang pagbuhos niya ng tubig sa katawan. Kaya tumalikod na ako para simulan ko na ang magpainit.
At dahil sa abala nga ako sa aking ginagawa ay hindi ko namalayan na nasa likuran ko na pala siya. Saka ko lang namalayan 'yon nang maramdaman ko ang braso niya yumapos sa akin at binuhat nga ako.
"TRAVISSS!!! NILALAMIG NGA AKO!" pagsisigaw ko habang buhat-buhat niya na ako na parang laruan lang dahil hindi man lang siya nabibigatan sa akin.
Naipasok niya na ako sa banyo at mabilis niyang nabuksan ang shower hudyat para mabasa na ang aking katawan. Halos tumalon-talon naman ako dahil sa lamig na dulot ng tubig. Nagawa ko pang yumakap nang mahigpit kay Travis, pero ang loko, tuwang-tuwa na tila nasisiyahan siyang inaasar ako.
Happy pill niya ang nakikitang galit ako. Dahil para raw akong palaka na madalas ay kambing.
"Ang lamig... Travis naman eh. Napaka-traydor mo," pagsusuntok ko sa dibdib niya... Natigil lang ako nang mahampas ko ang abs nito na ngayon ay sobrang nakakaakit kung titingnan.
Malaki ang katawan ni Travis, may anim na abs siya na talaga namang kinahuhumalingan ng mga kababaihan. Pero pasensya sila dahil hanggang tingin lang ang kaya nila. Kasi ako lang ang pwedeng humawak nito.
"A-anong tingin 'yan? Ang lagkit ng tingin mo ha? Huwag mong sabihin na gusto mong bendisyunan natin ang banyo?" panghuhulang bigkas ko.
Ewan ko ba kung bakit nagawa kong sambitin ang bagay na ito. Baka isipin niya na binibigyan ko siya ng ideya na gawin namin 'yon. Pero pwede rin naman... Wala namang mawawala sa akin dahil nagawa na namin ang mag-s*x. And it is normal for us to do it. Malakas ang kompyansa at tiwala ko na pananagutan naman ako ni Travis.
"Bakit mo nababasa ang takbo ng isip ko, love?" he smirked.
"Syempre boyfriend kita... Kaya alam ko na mga galawan mo noh," sambit ko naman rito.
Marahan naman niyang hinawakan ang magkabila kong pisngi at mabilis na sinakop nito ang labi ko nang labi niya. Habang nagsisibagsakan ang tubig galing sa shower ay patuloy ang aming halikan ni Travis... Mapupusok pero puno ng pagmamahal ang bawat halik namin. Nanlalaban naman ang aking dila dahilan para mawala na ang lamig na aking naramdaman ngayon sa tubig, dahil napalitan na ito ng init. Umiinit na ang katawan ko. Nadadala na ako sa mga halik ni Travis. Yung halik niya ay napatungo pababa sa aking leeg. Until I found myself moaning and keep on saying his name.
Inalis niya na rin ang suot kong damit kasabay ng aking bra dahilan para makita niya ang kaputian ng dibdib ko.
"I love you, Shiena... Akin ka lang ha," bulong nito.
Sa muling pagkakataon ay sinakop niya na ang aking malalaking papaya.
Kagaya nang nangyari kagabi ay nasasarapan ako sa ginagawa niya. Nakikiliti man ay mas umaapaw naman ang sarap na nararamdaman ng aking katawan.
Matapos niyang pagsawaan ang aking bundok sa dibdib ay hindi na siya nagpaligoy-ligoy pa na lumuhod upang alisin na rin ang pang-ibabang parte na kasuotan ko.
And yes, he's doing his best para lang masatisfied ako. Kinain niya ang p********e ko. Halos mapasigaw naman ako habang hinahawakan ko ang kanyang buhok. I am guiding him to eat me more.
Lalo niya pang ginalingan ang kanyang ginagawa. Kaya noong ako na ang magpapaligaya sa kanya ay ginawa ko rin ang aking makakaya. Ayokong magkulang ako pagdating dito. Alam ko na isa ito sa hinahanap ng lalaki, yung mahusay magpaligaya.
Sa mga oras na ito, may nangyari nga sa amin sa loob ng banyo. Isa ito sa tatatak sa memories naming dalawa. Sino bang mag-aakala na makakagawa kami ng milagro sa banyo?
Kaya duda na talaga ako kay Travis, lalo na sa mga salita niyang 'Join me'.
"Alis na ako love... Thank you sa pabaon. Nakaka-gana pumasok sa Kompanya kapag naka-isa," pakwela nitong sambit.
"Loko! Pero ingat ka... Mamaya ay papasok na rin ako," ani ko na lamang.
Hindi kami pwedeng magsabay na pumasok dahil baka pagdudahan pa kami ni Mrs. Arellano at gawan pa kami ng maraming issue sa loob ng Kompanya ng ibang mga naroon. So I need to adjust. Magtitiis lang muna ako at darating ang araw, makakaalis din ako sa ganitong sitwasyon.