HINDI mapakali si Marissa sa narinig mula kay Mama Betty. Nasa kusina na siya at naghahanda ng meryenda para kay Keith. Kakatapos lang silang i-checkup ni Keith kanina nang biglang tumawag ang police station. Nais daw ng mga itong imbitahan siya para makuhanan ng statement tungkol sa aksidente. Pero ayaw niyang pumunta! Sino ba namang bubwit ang gustong pumasok sa bahay ng mga leon? Natatakot siya na kapag tumapak siya sa presinto ay makikilala siya ng mga pulis. Siguradong may picture ito ng wanted na si Marissa Oliver. Baka hindi siya makakalabas pa kapag nangyari iyon. Pero paano naman ang palusot na gagawin niya kay Mama Betty ngayon? Wala na siyang pwedeng idahilan pa. Mabuti na ang pakiramdam niya. Hindi na siya tulad noong nasa ospital pa siy

