Chapter 15

777 คำ
"What does it profit, my brethren, if someone says he has faith but does not have works? Can faith save him? If a brother or a sister is naked and destitute of daily food, And one of you says to them, 'Depart in peace, be warmed and filled,' but you do not give them the things which are needed for the body, what does it profit?" James 2:14-16 ~ Hindi ko alam kung anong sasabihin sa kaniya. Nakakatulala. Nakakawala ng gana. Nagpakamatay si Lola dahil nawala siya, naghirap si Mama nang mawala siya, at nangulila ako sa kaniya. Nag-alala kami kung anong nangyari sa kaniya, ni hindi siya tumawag para sabihing nasa maayos lang siya. Suminghot ako at pinahid ang basang pisngi. "Angela, pasensya na sa ginawa ko." "Si Ate Fey, nasa'n siya? Saka 'yong kapatid niya?" "Nasa Badian sila. Kasama si Mama." Marahas akong napalingon sa kaniya. "A-Ano?" Huminga siya nang malalim. "Pinakuha ko si Mama mula sa Mantalongon. Dinala ko siya sa Badian, kung saan walang kaso ng VV para sa kaligtasan niya." "Tapos... i-iniwan mo ako roon, Kuya?" Nanlabo na naman ang paningin ko at makailang beses ko nang nakagat ang ibabang labi. Nagbaba siya ng tingin. "Sabi ni Xavier, wala ka nang kinuha niya si Mama. Hindi na rin siya nakapasok nang sinara nang tuluyan ng militar ang Mantalongon. Pero nagpapasalamat ako na nakalabas ka ng Mantalongon." Napatingin ako sa kulay kahel na kalangitan. "Hindi mo alam kung anong hirap ang dinanas ko Kuya para lang makalabas. Nandoon na ako sa puntong hindi ko na kaya. Kuya... anong laban ko sa mga militar na 'yon? Kuya, nanginig ako sa takot. Halos lumuwa na ang mata ko kakahanap sa daan para lang makatakas sa kanila. Kuya, hindi mo alam..." "Angela..." Lumuhod siya at niyakap ako. "Alam mo bang pinagdasal ko na sana nandoon ka? Sa panahong humalik ang mukha ko sa lupa, kinaladkad, nasuntok sa sikmura, halos magahasa. Ansakit, Kuya. Gusto ko silang pagbayarin pero ayaw kong magkasala sa Kaniya. Pinasa-Diyos ko na lang Kuya 'yong sakit." Marahan niyang hinagod ang likod ko. Binaon ko ang mukha sa dibdib niya at doon umiyak. Naging tahimik lang siya. Matapos ang ilang minuto ay nahismasan na ako. Tinulungan niya akong tumayo at iginiya pabalik sa asul na tent malapit sa bangin. Pumasok kami sa loob at nakita ko roon si Ruben na tinitingnan ang isang de-kalibreng baril. Nang makita niya si Kuya ay umayos siya ng tayo at sumaludo. Sumaludo rin si Kuya. "Chief, maayos ang mga baril. Naayos na rin ang nasirang radar. Nalagay na rin sa labas ng bakod ang mga sensor na pinaakyat mo mula sa lower outpost." "Good." Inalayan ako ni Kuya na maupo sa isang monoblock chair. "Kumusta ang South Lanaya?" "Maayos, Chief. Under control ni Commander ang lahat ng infected. Nakakalabas na rin sila at tini-test pa rin kong hindi na sila bumabahing sa gamot." Napantig ang tainga ko sa narinig. "Anong infected?" Napatingin si Ruben sa akin, pati na si Kuya at 'yong lalaking sumalubong sa amin kanina. Lumunok ako at umikhim. "May infected sa bundok?" "Wag kang mag-alala, Angela. Nasa maayos ang lahat." "Hindi, Kuya. Anong infected? Saka bakit tini-test? At bumabahing sa gamot?" Nagkatinginan sina Kuya at Ruben. Umikhim si Kuya at bumaling sa akin. "May minomonitor ang outpost na limang infected. Sila ang binibigyan ng gamot mula sa mga siyentipiko ng Pinas. Ang pagbahing ang isang side effect ng ChloroPhine." "Gamot?" Pagak akong natawa. "Teka, Kuya. Hindi ko maintindihan. Bakit ang outpost? Bakit hindi laboratory?" Bumuntong-hinga si Kuya. "Binigyan kami ng kapangyarihan ng DOH para mag-test sa mga patient ng VV virus. Binabiyahe ang newly infected sa Alegria paakyat dito sa Lanaya para sa kanila i-test ang eksperimentong gamot ng siyentipiko ng bansa." Nangunot ang noo ko at napatayo. "Outpost?" Bumaling ako kay Ruben. "Yong outpost, may infected doon?" Tumango siya. Sumeryoso ang mukha ko. "Ipaliwanag mo sa akin, Ruben." Napalunok siya at nag-iwas ng tingin. "Walang order para sabihin sa 'yo ---" "Kuya! Anong meron sa outpost? Kuya sabihin mo sa akin!" Bumuntonga-hinga si Kuya. "Wala talagang Civilian dahil sila ang mga taong militar na idineploy rito sa Alegria. Hinati sila sa tatlong magkakaibang outpost o grupo na mangangalaga sa tiglilimang infected. Isang outpost sa South Lanaya, isa sa North Lanaya, at isa sa Lower Lanaya na nasa ibaba ng bangin." "Pero bakit sa bundok? B-Bakit sa bundok itini-test ang mga infected?" Seryosong tumitig si Kuya Arnel sa akin. Napalunok ako. May hula na ako pero ayaw kong isipin. "Kapag hindi umaayon sa katawan ng infected ang gamot, binabaril ito. Sa bundok tini-test para madaling maghukay ng libingan." Sa puntong iyon, napaluhod ako sa lupa.
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม