CHAPTER 17
PAGKATAPOS ng duty, hinawakan na ni Colin ang kamay ni Cassandra upang hatakin papasok sa sasakyan niya.
"Saan ba talaga tayo pupunta?"
"Basta! Samahan mo na muna akong magpalit ng damit."
Wala ng imik at sumunod si Cassandra kay Colin until they reached Madonna's Salon. Halos makaladkad na si Cassandra nang mga artist at kung ano-ano ang inilagay sa buhok niya.
"Saan nga kasi tayo pupunta?"
"Dr. Floyd's birthday! Pupunta tayo sa Lightbulb bar para sa live performance niya."
"Really? Eh hanggang alas otso lang dapat ako."
"Naku naman! Ihahatid naman kita pauwi!"
Pinagsuot ng contact lens, hair extension at fitted sleeveless dress si Cassandra. Halos hindi niya makilala ang sarili dahil sa kapal ng kolorete.
"Colin naman, bakit ganito?"
"Huwag ka na ngang maging manang! Diyos ginoo, Major General ang may gusto sa'yo, sugurado at maraming sexy girls na nakapalibot sa kanya. You should be sexy too! Halika na!"
Ilang oras ang nakalipas at alas otso na ng gabi nang tumapak sila sa LightBulb bar. Nandito si Head Nurse Jas at iba
pang nurses pati na si Dr. Buenaventura na halos lumuwa ang mata nang makita si Cassandra.
"You look so gorgeous," bati ng Doctor at tumabi kay Cassandra.
"Salamat."
Cassandra habang ang mga kasamahan niya sa ospital ay nag-iinuman.
"Happy Birthday po pala, Doc."
"Oh, thanks. Glad that you came here. Medyo mailap ka kasi pagdating sa mga gatherings."
"Ayoko lang ng ginagabi."
"By the way, I am going to perform on stage, can you go with me there?"
"Ha? Huwag na po," tugon ni Cassandra pero huli na ang lahat dahil hinatak na siya ni Dr. Floyd.
Naghihiyawan ang mga kasamahan niya at tuluyan siyang pinaupo sa harapan.
"I'd like to dedicate this song to this beautiful woman in front of me. I hope you like it, Cassy."
He started playing guitar at ang himig nito ay bumalot sa loob ng bar. He is singing Prinsesa by the Teeth. Mula sa hindi kalayuan na pwesto, nagmamasid lang si Tristan at nakatitig kung paano haranahin ng Doctor ang nobya ni Vito.
Tila ninenerbyos si Tristan sa kahihinatnan ng Doctor kapag nagselos si Vito.
"Nako Doc, baka ikaw ang maging pasyente ng Carmelite. You fall in love with the wrong woman," bulong ni Tristan at ni-report lahat kay Vito. "I need to do my job correctly, pasensya ka na Ms. Cordova," saad ni Tristan at ipinadala ang litrato.
Mula sa loob ng opisina, halos mabalibag ni Vito ang hawak na bote dahil sa tamis ng ngiti ni Cassandra. Hindi lang iyon, dahil para bang aakyat ang dugo niya sa suot nito. Dinampot ni Vito ang jacket at mabilis na lumabas upang sunduin ang nobya.
Nang matapos ang pagkanta ni Dr. Floyd, inabutan niya si Cassandra ng ladies drink at sabay silang umupo.
"You like it?"
"Oo, Doc. Nakakahiya lang at ako pa ang dinala mo roon."
"You should be proud. 'Di lahat may ganyang taglay na ganda."
Sa kanilang pag-upo halos pagtambalin na ang dalaga at ipagtulakan si Cassandra sa Doctor. At dahil nakita ito ni Tristan, agad niyang sinunod ang mensahe mula kay Vito. Agad naman sumagot si Vito na sirain ang gulong ni Dr. Buenaventura. Natawa na lang si Tristan sa kung paano magselos ang kanyang boss. Sumunod naman ito at gamit ang baril, pasimple niya itong pinatamaan.
"Damn, professional na talaga ko," bulong ni Tristan habang pasayaw-sayaw na umalis. Sumingaw ang gulong nito sa harap at likod habang siya na gwapong-gwapo sa paglalakad.
Pagdating na pagdating ni Vito sa LightBulb bar, halos gusto na niyang haltakin ang kamay ni Cassandra upang maiuwi. Cassandra is drinking a beer at sobrang saya na nakikipag tawanan. Lalong naghimutok si Vito nang akbayan pa ng Doctor ang kanyang nobya.
"Hindi ba siya magagalit?!" Mas nagalit si Vito. Ilang saglit ay nakakuha siya ng tsempo nang tumayo si Cassandra papunta sa comfort room.
Galit na tumayo si Vito at sinundahan hanggang sa mahawakan niya ang kamay ni Cassandra.
"Go home now!"
"Ay butiki! Vito!"
"Anong oras na?"
"Halika ipapakilala kita sa mga katrabaho ko," masayang sinabi ni Cassandra at hinawakan ang kamay ng nobyo ngunit umiwas si Vito.
"Anong oras ang pinag-usapan natin?! Hindi ba't uuwi ka nang alas otso?!"
"Vito naman, kadarating lang namin ng eight dito."
"Ayoko sa lahat ang bumabali sa pinag-usapan!" Sigaw nito sa kanya at tinalikuran si Cassandra.
"Vito naman, sandali."
Hanggang sa makalabas ng bar ang dalawa, mabilis na sumakay si Cassandra sa kotse ni Vito. She put on her seatbelt dahil napakabilis nitong magmaneho.
"Vito, I am with my friends. Bakit ka ba nagagalit?"
"Sinong hindi magagalit kapag hindi marunong tumupad sa usapan?! You never texted me about this, na kailangan ka pa lang haranahin ng ibang lalaki? Tell me Cassandra, single ka pa rin ba ha?! O nagbibilang ka lang ng lalaki?!"
"No Vito, it's Dr. Floyd's birthday."
"Kahit anong rason mo! Look at you, you look like w***e wearing a cheap type of dress? With a mix of heavy make-up?"
"Bawal ba akong mag-ayos? Wala ba akong karapatan na maging ganito? I never experienced this in my whole life! Ngayon lang lahat!"
Biglang pumreno si Vito sa gilid ng kalsada. "Okay, ibabalik kita ro'n."
"Vito naman, ano ba ang kinakagalit mo? Dahil sa alas otso? Ihahatid ako ni Colin. I can text you to pick me up. Pero itong naghihimutok ka dahil sinamahan ko lang si Dr. Floyd, walang rason para magalit ka," paglalahad ni Cassandra at ayaw tingnan si Vito.
Hindi kumibo si Vito at nag-u-turn para ibalik si Cassandra.
"Huwag mo na akong ibalik. Wala na rin saysay."
"No, you stay with them. I will not disturb your night life. Sorry for being over protective. Bumaba ka na."
Napatingin si Cassandra kay Vito at napansin niyang may sugat ang pisngi nito.
"What happened to you bakit ka may sugat?" Akmang hahawakan niya ang pisngi nito, ngunit tinabig ito ng kanyang nobyo.
"Just go out."
"Vito naman."
"I said go out! Bumaba ka na! Kahit umagahin ka r'yan wala akong pakialam! Get out, now!"
Natahimik si Cassandra at hindi niya nagustohan ang asal ni Vito sa kanya. She doesn't have any idea that Vito has an anger issue kaya ganito ang mga reaksyon nito sa bagay-bagay.
Humikbi na lang si Cassandra at yumuko. "Uuwi na lang tayo."
"Umuwi ka na lang mag-isa. Tsaka mo na lang din akong kausapin kung may isang salita ka na. I left my work para lang mapuntahan ka rito. To know that you are safe, pero heto pala ang madadatnan ko."
"Wala naman akong ginagawang masama ha?"
"Really? You are in a relationship, Cassandra pero wala kang ni isang reaksyon sa tuwing inaak-akbyan ka ng ibang lalaki. Bumaba ka na lang."
"I am sorry. Wala naman kasing malisya iyon. Umuwi na tayo."
Bumuntong-hininga na lang si Vito at sumunod kay Cassandra dahil wala rin mangyayari kahit magalit siya nang magalit.
Umuwi silang dalawa sa bahay nito at hindi na siya inimikan ni Vito. Tahimik lang na pumasok ito sa bahay. Napatigil naman si Cassandra nang makita ang sarili sa salamin.
"His words are like knives. Iba kung makapagsalita."
Akmang papasok si Cassandra ng kwarto ni Vito ngunit sa pagpihit niya ng doorknob, naka-lock ito. Hindi nagpumilit si Cassandra at pumasok sa tinutuluyan niyang kwarto. She took a bath and removed her make-up. Nagpalit din ng pantulog at dumiretso sa kama. She hugged herself at hindi niya alam kung paano lalapitan si Vito.
"Bakit kaya siya may sugat? Saan na naman siya galing?"
Mula sa surveillance monitor, tutok lang si Vito sa kanya habang umiinom ng alak at ang isang kamay niya ay nakatutok sa litrato ni Marissa.
"You act like her, Marissa. Kahawig mo na, pareho pa kayong walang isang salita. Hindi kalaunan din ba ay lolokohin din ako ni Cassandra tulad ng ginawa mo? Saan ba ako nagkulang? I am just protecting her, I protected you. I loved you, I love her."
Para bang binabato ng nakaraan si Vito nang pinikit niya ang mga mata. The bitter past flashes on his mind at kusang lumuha ang mga mata ng binata.
"I was betrayed by the one I love. Bakit ako pa ang mali?"
Sa kabilang dako, sa sobrang inip ni Cassandra, lumabas siya ng kwarto at umupo sa tabi ng pintuan ni Vito. Hinihintay niyang buksan nito ang pintuan hanggang sa mahiga na lang siya sa lapag.
"Sorry Vito. Alam kong may pinanghuhugutan ka kung bakit ka ganito makaasta. I want to understand you pero nahihirapan akong kapain ang ugaling meron ka."
Ilang minuto ang nakalipas at nakuhang makatulog ni Cassandra sa lapag, sa pagbubukas ng pintuan ni Vito, nakita lang niya si Cassandra. Tila nahimasmasan si Vito dahil sa ikinilos. He hate himself from being a rude man kapag nagagalit siya. Binuhat niya si Cassandra at inilapag sa kanyang kama. Iiwan na sana niya ang dalaga ngunit nagising ito at hinawakan ang kanyang mga kamay.
"Sorry. Hindi na ak uulit."
"It's fine. You can enjoy your life, go out with your friends. Pasensya ka na kung pakiramdam mo'y nasasakal ka sa ginagawa ko."
"No, I was wrong. I was so innocent about things. Hindi na iyon mauulit. I promise, Vito."
"I don't trust promises, Cassy. I trust more in action. Matulog ka na."
Hindi nagpaawat si Cassandra at hinagkan si Vito ng napakahigpit.
"I love you, please don't get mad at me."
"Okay. Matulog ka na."
Nagpumilit si Cassandra at mabilis na kumandong kay Vito. "Hindi na ako uulit. Lambingin mo na ako."
Hindi maiwasan ni Vito na lumambot at ngumiti habang nakatitig kay Cassandra. "Okay, little lamb. Don't wear that kind of dress again. Maraming bastos sa paligid, okay?"
"Yes, Major General," she said and left a warm kiss on his lips.