CHAPTER 26 Sa pagdating ni Cassandra sa ospital, naghintay lang siya sa lounge hanggang sa mag-out na ang mga kasamahan. Dinala siya ni Colin sa bahay upang magpalit ng damit at mag-ayos. "Bakit ganyan ang itsura mo?" Bigla na lang umiyak si Cassandra habang nakatingin kay Colin. "Oh, bakit ka umiiyak? Sinaktan ka ba ni Vito?!" Umiling si Cassandra at pinunasan ang luha. "Halika na," saad ni Cassandra at dinampot ang bag niya. "Cassy, anong problema?" "Wala, halika na." Nagpaalam lamang si Colin sa kanyang ina at sumunod na rin ang gwardya nito sa kanila. Hanggang sa pagdating nila sa bar, tulala lang na umiinom si Cassandra. Halos kalahati na rin niya ang whisky ng walang kahit anong chaser. "Cassy, baka malasing ka naman," suway ni Dr. Floyd at akmang kukunin ang isang bote ng a

