Kabanata 7: Come

2018 คำ
Mabilis kong itinagilid ang ulo ko para iwasan ang paglapit niya. Parang may sumindi na naman sa loob ko, at kailangan ko iyon pigilan. "Helena..." Doon ko lang na-realize ang isang bagay. Nagtataka kong hinarap ang lalaki. Dumikit ang ilong niya sa'kin pero hindi ko iyon masyado binigyan ng pansin. Isaac is looking at me intently with hotness and... desire. Pero hindi iyon ang mahalaga. "Paano mo n-nalaman ang pangalan ko?" Sino ba talaga siya? Saglit na dumaan ang gulat sa mukha ni Isaac pero mabilis itong nakabawi. Sa wakas, lumayo siya sakin at tumuwid ng tayo. "Nakita ko ang dala mong ID," maikiling paliwanang niya. As much as I wanted to ask more about it, hindi niya ako binigyan ng chance. "I already towel bathe you last night," iba niya ng usapan. Namula ako at nawala ang iniisip kanina. Bakit niya ako pinunasan? Nakakahiya! "Pero kung nanlalagkit ka pa, you can use the bathroom to shower. I already dried your clothes." Matapos sabihin iyon ay umalis na siya sa harapan ko. My mouth opened in disbelief. Hindi alam ang reaksyon. Maraming umiikot sa utak ko habang naliligo. Why did I let him touch me? Why did I beg for him? Bakit alam niya ang pangalan ko? Why does he act comfortable? Isa pa, kung tawagin niya ako sa pangalan kagabi... ay parang matagal na niya akong kilala. Nagdadalawang isip pa ako kung baba o hindi. Pero, nasa iisang bahay lang kami. Sino ang niloloko ko? Isa pa, kailangan ko ng umuwi dahil malamang, nagtataka na ang mga nag-alaga sa'kin. O hindi kaya ay si Mr. M. Why do Isaac cares so much? Ni hindi nga ako nito kilala at basta na lang inalagaan at pinatulan. Isn't weird? Akala mo ay kilala na niya ako kung maka-akto siya. Bumalik sa'kin ang isang bagay. Paano kung... siya ang halimaw? Hinawakan ko ang aking leeg. I really felt something from him... Like what did the monster did to me. Siya ba ang halimaw? Pero... how can a gorgeous man like him be a monster? Nababaliw na ba ako? How can I say that to a guy who manipulated me last night?! Hindi ko magawang magalit... kay Isaac... Napapikit ako... Nagustuhan ko rin... Kahit masakit sa pagitan ng hita ko. For the first time, aside from fear and hopelessness, I felt something different. "You're finally here," deklara niya. Pagkababa ko pa lang ay binati ako nito. "Let's eat." "D-Dapat nauna ka na lang kumain..." Masama akong tinignan nito. Hindi ko alam kung galit si Isaac or this is his normal face. "Hindi ganon ang ginawa ko." Huminga siya ng malalim. "Now, let's eat." "Thank you," sinunod ko na lang ito. Umupo ako sa tapat niya at doon sinipat ang pagkain. Eggs, bacons. Bread and butter. A white rice and wine. Wine sa umaga? Umiinom siya ng ganito kaaga? "Masakit pa ba ang katawan mo—" Napaubo ako sa tanong nito. Grabe, sa harap talaga ng pagkain? Pinakalma ko ang sarili pero ang alaala kagabi ay bumabalik sa'kin! Tinignan ko si Isaac na nagsasalin ng wine sa kanyang baso. He looks so calm and elegant while staring at the whine. Wearing a white polo, na bukas hanggang dibdib, at bagsak ang buhok niya—mukha itong prinsipe. "Yes, sweetie?" Nilingon ako nito matapos niya masalin sa baso ang pulang likido. "Do you want it?" "H-Hindi ako umiinom ng ganito kaaga..." "That's awful." "Uuwi na ako," deklara ko sakanya. "Okay then..." Gusto ko magreklamo noong mabilis siya pumayag at parang wala itong pakialam. How dare me think that he is the monster? "Don't forget to bring your things," aniya. "Babe—" Laking gulat ko noong may babaeng sumugod papasok sa bahay. Isang maputing babae na may suot na itim na damit ang tumambad sakin. Labas na labas ang dibdib at bilog na hita nito. Kumunot ang noo noong babae. "Sino 'to? Babae mo?!" Duro nito sakin. Napaamang ang labi ko at tinignan si Isaac. Parang may nabasag sakin na hindi ko alam kung paano at bakit. Babae? Babae niya ako? Wala akong boyfriend... Pero siya, hindi ko naitanong! Ang tanga ko! "Sino 'yan Isaac?! Alam mo namang ikakasal na ta—" "Shut up, Clemente!" Suway nito sa babae. "What are you doing here—" "Oh? Is this your new pet?!" Natatawang insulto noong babae at tinignan ako. "Is this your type, Isaac? My goodness! Wala na bang igaganda 'yan!?" She hissed. "May girlfriend ka?" Oh my god... I did somethibg unlawful. "Hindi ko siya girlfriend—" "Kasi I am his fiance!" Sigaw nito. Napaawang ang labi ko at tinignan ang lalaki. Oh my god... Ang nakatalik ko ay may girlfriend!? Mabilis akong tumayo. Saan ako pupunta? Anong gagawin ko!? I clearly did something terrible! "I'm sorry," hingi ko ng tawad sa babae. Naluluha. "Hindi ko naman alam na may girlfriend siya—" "Pero malandi ka pa rin at pinatulan mo siya—" "Enough! I said leave, Clemente! Kung hindi mo gagawin ngayon 'yon ay hindi mo magugustuhan ang gagawin ko!" Galit na sigaw nito sa babae. "Why are you making her leave? She is your fiancé!" I said, frustrated. Kumalma si Isaac noong nagtama ang paningin naming dalawa. "Hindi ko siya fiancé, Helena!" Mariin itong umiling. "And who do you like? This garbage?!" Clemente. "Leave, I said!" Isaac growled. Nakita ko ang paglabas ng ugat niya sa leeg. Hindi ako makapaniwala sa ugali ni Isaac. She is the girlfriend! Pero kung i-trato... ay parang basura lang! Iritado akong tinignan noong Clemente at inirapan bago umalis. Na-konsensya ako. "Ano bang ginagawa mo? Ako na lang ang aalis! Hindi ko alam na may girlfriend ka! You should have told me, Isaac!" I cried on him. Napaamang ang labi nito noong makita akong umiiyak. It's really unfair! Pakiramdam ko ay nanira ako ng isang relasyon... at ang unang... nagparamdam sakin ng kakaiba ay may girlfriend! Hindi lang basta girlfriend! Fiancé! "I don't have a girl, Helena!" "Anong wala? That girl—" "Is not my fiancé too! She is Clemente, a clan friend! She is entitled because our clan is close to hers—" "Anong clan? It's the same, Isaac! You had your girl! You're a manipulative jerk—" "She is not my girl, Helena! Kumalma ka!" Tumaas ang boses nito. "Wag mo akong akusahan ng wala naman!" Hindi ako nagsalita at umalis sa hapag. Mabilis akong nagtungo sa pinto, pero hindi ko mabuksan iyon! "Hindi ka aalis dito hangga't ako ang mali," aniya. Natawa ako. Hinarap ko ang lalaki at tinignan siya ng masama. "Anong gagawin mo? You're going to manipulate me? And what? I am going to give in?" Hamon ko sakanya. It... was disappointing on my part. Umasa ako... Nahiwagaan ako sakanya... He made me feel something—only to find out na may fiancé siya? I am such a disgrace! "Buksan mo 'to! Uuwi na ako!" Sigaw ko at pilit na binubuksan ang doorknob. Bakit ang tigas naman nito?! "Walang uuwi!" He hissed. "Pakawalan mo ako, Isaac! Ni hindi mo nga ako kilala! H-Hindi mo na... kailangan mag-abala o magpaliwanag kasi... P-Pagkakamali ang nangyari sa'tin!" Masakit sa puso na aminin iyon. I am turning twenty-six pero ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong inis. Isa pa, buti ay may girlfriend siya... dahil I am looking forward... for him... to see him. Alam ko, sa dulo ng puso; I want him. Kasi nawawala ako ni Isaac sa mapait kong realidad. Nawawala ang halimaw sa loob ng ulo ko. Kaba at takot—lahat ay naiwala niya. "Why are you crying? She is really not my fiancé!" He hissed. "Sinong hindi iiyak, Isaac? You... touch me! Tapos ay may—" "Wala nga akong girlfriend!" Mariin na tanggi nito. "She is just a family friend, Helena! Kaya matapang iyon mag-deklara!" "Uuwi na ako—" "Hayaan mong ihatid kita," panimula niya. "Don't bother, Isaac—" Mahigpit nitong hinawakan ang kamay ko. Napangiwi ako sa sakit at tinignan siya. "Bitawan mo ako!" My heart pounded. Bakit ayaw niya ako pakawalan ngayon? "Why are you so mad? Are you jealous?" Hamon nito. Napaawang ang labi ko at hindi makapaniwala na tinignan siya. "Mukha ba akong nagseselos, Isaac? I am not..." Iling ko sa lalaki. Saan niya naman nakuha iyon? Ilusyunado ba siya? "Kung hindi ka nagseselos, ihahatid na kita," simula niya. Napailing ako. "Nakakahiya naman sa girlfriend—" "Wala nga akong girlfriend, Helena! Sinasabi ko sayo na hindi ako ganong klaseng lalaki!" Bulyaw nito sakin. "If I will have a girl, of course... I will treat her the only one..." Lumamlam ang mata nito sa'kin habang nakatingin. Napalunok ako at nag-iwas ng tingin. What a lucky girl then. "Ihatid mo na ako. Hinahanap na ako sa'min," I gave up. "Hindi mo ba talaga siya girlfriend?" Mariin itong umiling. "Hindi." "Don't get me wrong. It's morally wrong for me na sumama sa isang lalaki... na may ka-relasyon." Umiling siya at binitawan ang kamay ko. "Rest assured, sweetie. Wala akong ka-relasyon..." Tahimik lang kami na bumyahe ni Isaac pa-manila. Nakasuot na ito ng... normal na outfit. He is wearing a black hoodie and pants. Mukha itong teenager ngayon habang nagd-drive. Maputi at mapanga ang lalaki. Kung nasa Manila siguro si Isaac, tiyak siya ay isang artista. "Why are you looking?" Napatuwid ako ng upo at tinignan ang kalsada. May kakaiba talaga sakanya pag tinitigan mo... "What is it? May gusto ka ba?" Kahit walang emosyon ang tono nito, it didn't failed to string something inside me. "Isaac, h-how old are you?" "Way older than you," mabilis na sagot niya. "Tama ba ang dinadaanan natin?" Tumango lang ako sa pangalawang tanong niya. Pero way older than me? Ilang taon na siya? Hindi naman siya mukhang lagpas sa forty's... "Do I look old?" "N-No... You... look young..." I heard him chuckled. "I am not young. Siguro ay thirty years old ako." Siguro? Hindi siya sigurado? "H-Hindi mo ba alam ang edad mo?" Ilang minuto pa ang lumipas bago ito nagsalita. "I lost count..." Oh... Baka hindi niya alam ang birthday? "Anymore questions?" Udyok nito sa'kin. "Malayo pa tayo..." Marami akong gusto itanong. But is that appropriate? Nagdadalawang isip ako. "Helena..." "Ano..." Tumuwid ang upo ko. "Bakit mo ako tinutulungan kahit hindi mo kilala? Bakit... mo ako hinawakan kahit wala ka pang alam sa'kin? Hindi ka ba natatakot?" Nilingon niya ako. "Anong ikakatakot ko sayo, Helena? Ang ganda-ganda mo." Naramdaman ko ang pamumula sa mukha. "A-Anong klaseng s-sagot 'yan?" "That is the truth though..." Tumawa siya. "Ako dapat ang nagtatanong niyan sa'yo. Hindi ka ba natatakot sa'kin?" Doon ako natigilan. "Don't you feel something wrong about me? Hindi ka ba natatakot—" Nilingon ko si Isaac at matamang tinignan. "Ano ba ang dapat ikatakot ko sayo? You look..." "Did my good face deceived you?" Iling niya. "Sweetie... Don't look at my face. Always look at my eyes instead..." "A-Ano bang ibig mong sabihin? Masama ka bang tao? Bakit... ayaw mo na lang sabihin ng diretso sa'kin?" Umiling siya. "Rest sweetheart... Nagagalit ka na naman." Akmang sisigawan ko pa sana ito pero nakaramdam ako ng biglaang antok. It was... out of the nowhere. Bumigat ang talukap ng mata ko at hindi na alam ang sumunod na nangyari. "Helena," isang baritonong boses ang tumawag sa'kin mula sa pagkatulog. That voice. Mr. M? Noong iminulat ko ang mata ay bumungad sa'kin si Isaac! Akala ko... Si Mr. M ang narinig ko! "Are you alright?" Tinignan ko si Isaac. Iba naman... na ang boses niya ngayon. "Nandito na ba tayo?" Wala sa sariling tinignan ko ang labas ng kotse. Kumunot ang noo ko. "A-Ano 'to?" Lumabas ang luha sa'king mata at tinignan ang pamilyar na gusali sa harapan ko. It was my house where I grew up. Kung saan nagsimula ang buhay ko. Pero bakit ganito? "Helena, I asked your neighbors. Nagkaroon ng sunog... sa bahay na 'yan. Is this... really your house?" Para akong binagsakan ng malamig na tubig sa katawan. Nasunog... ang dating mansyon na tinutuluyan ko. "Paano ka na, Helena? Should I leave you here... or you will come with me?"
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม