Chapter 21 Jake's Pov Limang araw na akong nandito hanggang ngayon hindi ko alam anong gusto nilang mangyari sa'kin. Habang sila nakamasid lang sa'kin. Hindi naman ako nila pababayaan sa pagkain araw-araw naman may pagkain akong natatanggap buhat sa kanila. "Ang lalim ah!" Sabay lapit ni Renz sa akin. Isang ito laging mainit ang ulo sa'kin. "Sorry," sabi ko sa kan'ya. Seryoso niya ako tinitigan. Nagulat na lang ako ng sapakin niya ako at tawanan. "Tangina ito lang ang hinihintay ko buhat sa'yo gago ka. Hirap bang banggitin ang katagang sorry pinahirapan mo pa sarili mo. Marunong ka naman pala mag-sorry sira ulo ka. Pero bago kita mapatawad ng tuluyan kailangan mo sabihin ito ng katagang sorry sa lahat ng mga taong nasaktan mo. Ang dami mo binully na walang kalaban-laban ngayon, oras n

