"Simula ngayon ay ang Black Blood ay hindi na nag-e-exist. Lilipat na ng lugar ang iba, para na rin sa proteksyon ng mga pamilya nila." Napatango si Dash. Naiintindihan niya ang desisyon ng mga ito, at suportado siya sa mga ito. "Huwag kayong mag-aalala. Babalitaan ko kayo sa magiging sagot ni Valentino," saad niya dito. "Dash, hindi ko sana gustong makialam, alam kong may gusto ka kay Raven, halata naman. Pero, alam mo naman ang kundisyon niya, diba?" Alam niya ang sakit nito, alexithymia. Isang kundisyon kung saan ang isang tao ay walang kakayahang makaramdam ng mga emotion. Ganoon na ganoon si Raven. Pero bakit ito tinatanong ni Cale sa kanya? Kahit naman ganoon si Raven ay handa siyang sumugal dito. Napansin nito ang kalituhan sa mukha niya, huminga ng malalim si Cale. Hindi niya

