Chapter 17

1612 คำ
Paglabas niya sa super market ay nakaabang sina Cale na parang kanina pa nabo-bored. Kumunot ang noo niya, iba na kasi ang suot ng mga ito. "Ang tagal mo naman," reklamo ng tukmol, "Tinabunan ka ba ng mga pinamili mo?" "Pasensya na, may kumusyon kasi sa loob," sabi niya, tinignan niya ang mga ito mula ulo hangang paa, "Kailan pa kayo nagpalit ng damit?" "Ha? Anong nagpalit ng damit?" Kinunotan niya ng noo si Cale at nagsimulang maglakad paalis. "Hindi naman yan ang suot niyo kanina. May nangyari ba habang nag-grocery ako?" "Delikado yan, pre magpa-check ka na ng mata. Ito suot namin kanina pa eh! Diba, Raven?" "Hmm..." hum lang ang naging sagot nito. Halatang ayaw makisali sa diskusyon nila. "Nasaan na piercing mo? Bakit mo tinangal?" tukoy niya kay Raven. "Ano ka ba pre, hindi naman nagsuot si Raven ng piercing eh," "Ikaw ba si Raven?" "Sabi ko nga," bulong ni Cale at tumahimik. Kahit sino naman siguro mapapansin ang nag iba sa isang tao lalo na kung sa usapang suot na damit. Hindi siya bulag, malinaw pa sa agila ang mata niya. Alam niya kung anong nakita niya at paninindigan niya iyon. Kanina lang naka-leather jacket itong si Raven, ngayon ay naka t-shirt na ito ng kulay brown at above the knee shorts. Si Cale naman ay naka-uniform pa kanina, ngayon iba na ang suot na damit. Habang naglalakad pauwi sa bahay nila, natigilan si Dash nang may mapagtanto. Humarap siya sa dalawa na nakasunod sa kanyang likuran. "Ang weird..." Nagkatinginan si Raven at Cale. Nababahala si Cale na baka ay nahuli sila ni Dash at mag tanong pa ito ng kung ano-ano sa kanila. "Ilang beses na kayong pasok labas sa bahay namin pero ako ni hindi ko alam saan ang mga bahay ninyo," dugtong ni Dash. Nakahinga ng maluwag si Cale, patawa tawa pa itong umakbay kay Dash. "Akala ko kung ano na eh! Iyon lang pala iniisip mo!" "Bakit? May dapat ba akong alalahanin?" "Wala naman," tumawa si Cale, "Gusto mo bang tumuloy sa bahay nina Raven? Tama, doon nalang tayo dumiretso!" Naisip ni Dash ang pinsan, inalala muna niya kung magiging maayos lang ba ito habang wala siya. Sa bagay, noong nagkaroon nga sila ng biglaang overnight sa beach ay pag-uwi niya buhay na buhay pa ang pinsan niya. Wala naman sigurong mawawala kung maglayag kahit sandali, ano? Kung makapagsalita ng maglayag parang mangigisda siya ah, anong huhulihin niyang isda, tilapia? Napalingon siya sa gilid kung saan nakatayo at naghihintay si Raven na matapos silang mag-usap ni Cale. Mukhang mas masarap ang bangus kesa sa tilapia. "Okay, kila Raven tayo!" deklara ni Cale nang sa wakas ay tumango siya. Lalarga na sana sila para lumihis ng daan ngunit biglang nagsalita si Raven, "Hindi pwede." "Ha?" si Cale. "Bawal." "Bakit naman?" mahihimig ang disappointment sa boses niya. Sa halip na sagutin siya ay tumitig si Raven kay Cale. Nagpalipat lipat ang tingin niya sa dalawa, parang may pinag-uusapan sa pamamagitan ng mata. Doon siya napanganga nang tumago si Cale na parang nakakaintindi. "Change of plans, doon nalang tayo sa inyo, Dash," saad nito. "Ha? Ano? Teka, wala akong maintindihan." Seryosong lumingon si Cale sa kanya, "Bawal pang mag boyfriend si Raven." Naalog ba ang utak niya kanina habang hinaharap iyong mga sumusunod sa kanya? Mali-mali na siya ng naririnig eh, nagde-delusyon ba siya? Anong connect ng boyfriend sa tatambay lang sa bahay nila Raven? Paki-explain kung saan ang connect kasi si Dash wala talagang maintindihan kahit katiting. Kasi hindi naman nagsasalita ang dalawa kanina, parang mga timang na nagtititigan ang mga ito at hindi pa kumukurap. "Anong connect?" "Bastaaa! Halika na nga!" Hinila siya ni Cale tapos ay sumunod si Raven sa kanila. Nagpabigat si Dash, tinapak ang kaliwang paa sa harap ng kanan niyang paa at nakipaghilaan kay Cale. May tinatago ang dalawang ito, sigurado siya. It's none of his business but he still want to know them better. IN THE end, Dash managed to convince them na sa bahay ni Cale tumuloy. Considering how lively this man is, pumasok na sa isip ni Dash na mas magulo ang pamilya ng isang ito. But it's completely the opposite. Dash expected someone to greet them as they enter the house, but as what the outside look, it's completely different from the inside. Kumpara sa labas na parang ang ganda-ganda ng bahay na tila alagang alaga ng isang ilaw ng tahanan, sa loob ay madilim at ramdam ni Dash ang nag-uumapaw na kalungkutan. His mood changes, the mood is so different inside the house. Kaya kasi nasabi niyang tila welcoming ang bahay ay dahil sa labas palang ay may makikita ka kaagad na iba't ibang klaseng bulaklak. He even saw sa rose. Malaki ang bahay at ang kulay ay combination ng white and yellow, kaya kung sino mang dadaan dito ay talagang mapapalingon ito sa bahay. Hindi pa nasama ang exterior design na nakapa-superb talaga. Pang-mansion ang bahay, malawak ang lupain at located pa sa secured at sikat na village. Halatang mayaman si Cale. Mayaman nga pero malungkot naman. The interior design is also breathtaking, the chandelier is like a star twinkling against the ray of light coming from the bulbs. As they enter the house, a grand staircase is waiting for them. Hindi alam ni Dash kung ilang beses nahulog sa marmol na sahig ang kanyang panga at kung ilang litrong laway na ang tumulo mula sa bibig niya. This is unexpected! "Welcome to my humble home," said Cale and smiled slightly. Luminga-linga siya, to the left he saw another elegant door, and the right he saw a doorway and got a glimpse of a kitchen. Wall glass naman ang bawat side ng staircase revealing a pool behind the house. Bahay ba ang pinuntahan nila o hotel? Sure ba silang hindi sila naliligaw? "Lily," tawag ni Cale. May lumabas na babae mula sa kitchen at nakasuot ito ng pang-maid na uniform. Syempre may katulong, mahirap mag-mentain ng ganito kalaking bahay at sa laki ng bahay na ito magugulat talaga siyang hindi afford ni Cale na kumuha ng katulong. "Sir Cale!" Gulat na ani nito, "Welcome home. Hindi naman po kayo nagbigay ng abiso na uuwi pala kayo, nabigyan sana namin kayo ng maayos na pagbati." Cale waved his hand around like a prince and walked towards the staircase, "No need, Lily. Pakikuha niyang dala ng kaibigan ko at ilagay mo sa kusina." "Yes sir," and so, the maid bowed at lumapit sa kanya. Puno ng respetong humingi ito ng permisong kunin ang dala niya kaya natatarantang inilahad niya ang supot dito. Napalingon siya kay Raven na nagsimulang umakyat sa second floor. Mabilis siyang sumunod dito dahil baka kapag nagtagal pa siya doon at maisipan niyang libutin ang bahay ay maligaw siya. "Supply namin iyon sa bahay, huwag mong akuin ah," sabi niya kay Cale nang nasa likod na siya ng mga ito. Humagalpak ito ng tawa sa narinig. Alam niyang sa yaman ni Cale afford naman nitong bumili ng sariling groceries pero naniniguro lang siya ano. "Ang laki ng bahay mo, pero may something." Sinulyapan niya ang mga nadadaanang gamit. Wala siyang nakitang pictures or paintings, puro luxurious things lang ang nakikita niya. "What kind of something?" Huminto sila sa isang pinto na binuksan ni Cale at sininyasan silang pumasok. Sa loob ay may couch at center table, malaki din ang carpet na nag-match sa kulay ng sahig na brown. May dalawang pinto na naman siyang nakita sa loob ng kwarto at isang sliding door kung saan makikita ang balcony. "Something eerie." Natatawang naupo si Cale sa couch. Nakasandal ito at nakalatad ang braso sa sandalan. Umopo naman sa pang-isahang couch si Raven at casual na kumuha ng libro ng ilalim ng center table at nagbasa. Palagi ba si Raven dito? "Nasaan pala ang parents mo, Cale? Nasa trabaho pa rin? Nga naman, sa sobrang yaman niyo marami sigurong inaasikaso ang mg—" "I don't have those," putol ni Cale sa pagsasalita niya. Natigilan si Dash at napatitig dito. Cale is looking outside the balcony, his face is emotionless and distant. Parang in instant may boy version ang katauhan ni Raven ah. At mukhang nahulaan na ni Dash kung ano ang nangyayari dito kaya nanatili siyang tahimik. The best way to deal with people in this situation is to stay silent and wait for them to open up themselves. Dash is not good with words, but he is a good listener. Lumapit siya sa sliding door at tumanaw din sa labas mula doon. A moment of silence has passed, but it is not awkward, well at least for Dash. Wala na sa aklat ang pansin ni Raven kundi sa dalawang lalaking nanatiling tahimik. Cale is unusually quiet, and she expected it. While Dash, wala namang bago dito, magsasalita lang kung kailangan at kung may gustong itanong. Raven is thinking kung sasabihin ba ni Cale kay Dash ang lahat, but revealing yourself to someone is not easy. She think Dash will understand Cale if he'll remain silent. Kibit balikat na muling binalik niya ang pansin sa libro. It is not her business anyway. DASH was silent but his mind was so active. Doon niya na-realise na wala siyang kaalam-alam sa buhay nina Raven at Cale maliban sa mga gangsters ang mga ito. It's been a week since they met, siguro naman okay na ang mga panahong iyon para pagkatiwalaan siya ng mga ito? But deep inside he prayed. He prayed that they would never open up. Cause if they did, it will be over.
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม