Chapter 13

1191 คำ
The night is still young but stars are now shining proudly in the sky. Pagkatapos nilang kumain ay bumalik ang iba sa dagat para maligo. Parang mga isdang hindi magkamayaw sa paglangoy ang mga kasama nila. It is weird that they are all boys and only one person is a girl. At ang tinutukoy niyang iyon ay naka skinny black jeans at loose t-shirt na gray. Parang walang planong maligo si Raven sa ayos niya, at tila namamasyal lang ito sa mall. Napangiwi siya. Hindi akma ang suot nito sa lugar at scenery. He low-key expects her to wear a swimsuit but got disappointed when he saw her outfit. Mas gugustuhin pa niya ang school uniform na suot nito kanina. Umiling siya at muling tumingala sa kalangitan. Stop thingking about that woman, Dash! Bakit ba siya ang iniisip mo? Don't tell me, crush mo ang tomboy na iyon?! Tinuktok niya ang ulo. Nababaliw na siya, kinakausap niya ang sarili niya dahil sa babaeng iyon! Humiga na lamang siya sa sand dahil nawala na siya sa mood na maligo. It is amazing that stars showed up despite the unending air pollution in Metro Manila. "What do you think shines brightest the most, the sun or the moon?" tanong ni Raven na biglang sumulpot ang pagmumukha sa harap niya. Making her blocking the beautiful view his looking. "Ano ba, nangugulat ka naman!" napabalikwas siya ng bangon. "Para kang kabuti, kung saan saan nalang sumusulpot," Umopo ito sa tabi niya ignoring what he said, "Just answer the question, Gregorio," Seryoso ba siya? Napakamot siya sa kanyang pisngi, parang tanga lang Dash? Kahit pa basahin niya ang expression nito ay hindi niya malalaman. "For me it's the moon," sagot niya sa tanong nito para matapos na. "Why?" "What? Bakit may pahabol pang 'why'?" Kibit balikat lang ang naging tugon ni Raven. Dash sighed and lay down on the sand again while using his arms as his pillow. "The moon shines the brightest because it gave us light during night time. The world around us is dark, but because of the presence of the moon the dark failed to consume us," ani niya, "Unlike the sun, it is accompanied by light and it gives us high temperature which I hate," "Hmm, I see," "Technically speaking, the sun shines the most, but it's my own perspective and I didn't based it on facts so..." "I understand," Nilingon niya ang likod ni Raven. Nakita niyang nakatingala ito sa langit. Hindi niya nakikita ang mukha nito but he can imagine that she is peacefully closing her eyes as the cold breeze of sea wind brushes her face and swayed her long hair. All of a sudden, Dash couldn't hear anything but his own heartbeat. It is fast and unsteady. Na parang tumakbo siya nang ilang milya ng walang pahinga. Dugdug.dugdug.dugdug. Hiningal siya bigla. Ano yun?! Para saan ang pagbilis ng t***k ng puso niya?! "We all have our own opinions, and I respect yours," ani Raven na nagpabalik sa kanya sa reyalidad. Tumagilid siya patalikod dito para hindi niya makita ang likod ng babae. Hindi niya alam pero sa tingin niya ay kailangan na niya itong iwasan, now na! "Bakit mo pala iyon natanong?" Ano kayang pumasok sa utak nito para magtanong ng ganoon sa kanya. It's all of the sudden, and the question low-key caught him off guard. "You we're looking intently at the sky, your eyes are twinkling like you saw something magical. You didn't even noticed me approaching because you were so engrossed at the scenery," sagot nito. Napatango siya. Wala siyang masabi. Mahabang katahimikan ang naghari sa pagitan nila but Dash never felt awkwardness. Muli siyang humarap kay Raven pero laking gulat niya dahil nakatitig na pala ito sa kanya! Eek! Na-awkward tuloy siya. "Ikaw?!" Natatarantang sabi niya, hindi niya namalayang napalakas ang boses niya. Tumikhim siya, "Ano sa tingin mo ang mas matingkad?" "They both shine brightly, and both are useful in their own ways," Hmm, neutral. Tumango siya, naiintindihan niya ito. May point din naman kasi ang dalaga. Lumalalim na ang gabi, the others decided to change comfortable clothes for the cold night. May mga nag set ng tent, hinila siya ni Cale para patulungin sa pagse-set ng tent. Hindi na niya nakita si Raven pagkatapos. Nakahiga na sila sa loob ng tent at tulog na tulog na ang mga kasama niya. Kunot noong inalis niya ang braso ni Cale na bigla nalang pumulupot sa kanya. Kahit tulog ang kulit pa rin ng lalaking ito. Pagod na pagod ang lahat, sino ba namang hindi kung wala silang ibang ginawa kundi magpakalunod sa dagat. Ang akala niya magbo-bonfire sila, pero ito tumba lahat ng kasama niya. "Matulog ka na, Dash. Huwag mong alalahanin si Raven, ikinuha ko na iyon ng room dito," antok na saad ni Cale at tumalikod na sa kanya. Sasagot pa sana siya para sabihing hindi naman siya nag-aalala sa babaeng iyon pero naisip niyang wala namang point kung makikipagsagutan pa siya para lang doon. Buntong hiningang pumikit siya para matulog. He decided that it's a waste of time thinking nonsense. Walang pasok kinabukasan pero maaga pa ring umuwi si Dash. Pagdating niya sa bahay binungangaan siya ni Latina. Galit na galit dahil buong gabi pala itong naghintay sa kanya. "Ang tanda tanda mo na, hindi mo pa alam ang salitang 'paalam'! Nakakasakit ba sa ego ang magpaalam sa mas bata sa iyo?! Dito na ako sa sala nakatulog kakahintay sa pinsan kong pasaway! Ilang taon ka ba ha?! Hoy, hindi ka na teenager kaya mag mature ka!" Sinamaan niya ito ng tingin, "Shut your mouth, Latina. Hindi ko kailangan niyan kaya pwede ba? Stop acting like a matured lady because you are not!" Natahimik si Latina. Gulat na gulat sa biglaang pagbabago ng atmosphere sa paligid. Nararamdaman niyang seryoso ang pinsan niya. "Matutulog ako, huwag mo akong iisturbohin," saad nito at nagmartsa patungo sa kwarto. Bumaksak si Latina sa sofa at pinunasan ang pawis na namuo sa noo niya. Anong nangyari doon? Bad mood? Bakit? Eh good mood pa ito kahapon ah, kaya nga siya nagkaroon ng lakas ng loob na pagsabihan ito. She must have crossed the boundary, what is she even thingking?! Kinahapunan habang naghahanda ng hapunan narinig ni Latina na may mga tao sa gate nila. Pinatay muna niya ang apoy sa niluluto para hindi ito masunog bago lumabas sa kusina para tignan kung sino ang mga iyon. Mga kaibigan ni Dash. Nakita niya ang pinsan na lumabas sa kwarto nito at kunot noong naglakad palabas ng bahay. Tinignan niya mula sa bintana ang tagpong nangyayari sa labas ng gate nila. Tila bagong katauhan ni Dash ang lumabas, nakangiti ito sa mga kasama pero nararamdaman niyang hindi pa rin nagbabago ang mood nito. Kulang nalang may maitim na usok na lumabas mula sa katawan nito sa sobrang sama ng mood nito. Titig na titig iyong tahimik na babae sa pinsan niya, iyong lalaki naman ay talak ng talak parang manok. Kibit balikat na bumalik siya sa kusina para ituloy ang niluluto. It is none of her business anyway.
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม