CHAPTER 7

2547 คำ
Patuloy ang pag-agos ng luha ko habang nakahiga ako sa malamig na kama. Nakabalot ako ng kumot, pero hindi nito natatabunan ang hubad kong katawan. Namimintig ang sakit sa pagitan ng mga hita ko na nagpaalala ng buong magdamag na ginamit ako ni Ryker. Hindi ko na maalala kung ilang ulit at kung anu-anong posisyon ang pinagdaanan ko. Ang tanging naaalala ko lang ay kung gaano ko pinagdasal na matapos ang gabing iyon. “You can stay here until tomorrow,” wika ni Ryker habang nagsusuot ng damit. Wala akong imik sa sinabi niya. “There will be food delivered. Eat before you leave,” dagdag niya. Matalim ko siyang tinitigan. Gwapo si Ryker at maamo ang mukha. Siguradong maraming babae ang may gusto sa kanya. Ngunit ang hindi alam ng iba ay may ugali siyang demonyo. Hayop ka. Binaboy mo ako! Gusto kong sabihin sa kanya iyon. Gusto ko siyang suntukin at sampalin dahil sa ginawa niya, pero wala akong karapatan na gawin iyon. He frowned. “What? Do you want another round?” he said, laughing. Kuyom ang kamao ko habang nakatingin sa kanya. “N-nabayaran ko na ba ang binayad mo sa akin?” sabay tulong muli ng luha ko. Ngumisi siya. “I didn’t really enjoy what you did last night. You seemed like you were just pretending you didn’t know anything.” “Ito na ang huli nating pagkikita. Huwag mo na akong guguluhin,” sabi ko. He looked at me. “I have no plans of seeing you again. I already got what I wanted.” He turned his back and walked out of the room. Nang tuluyan na siyang nakaalis, humagulgol ako. Binuhos ko ang sakit at awa sa sarili ko. Nagpahinga ako ng ilang minuto bago naligo. Nakita ko sa salamin ang mga kissmark na iniwan niya. May ilan sa leeg ko at halatang-halata. “Hayop ka,” bulong ko. My whole body was in pain. And no matter how much I scrubbed, it still felt like his lips were on my skin like he was still touching me. “s**t… s**t…” muli akong umiyak. “Wala akong ibang masisisi kundi ang sarili ko,” bulong ko. Halos wala ako sa sarili nang lumabas ng silid at sumakay ng taxi. *** “Jillian!” gulat na gulat si Lora nang makita niya ako sa harap ng pintuan ng inuupahan niyang apartment. Pilit akong ngumiti. “L-Lora… puwede bang magpalipas ng oras dito? Magtataka kasi ang magulang ko kapag umuwi ako agad.” Inakbayan niya ako. “Hindi mo na kailangan sabihin ’yan. Bakit ganyan ang hitsura mo? Kumusta ang lakad mo kagabi?” tanong niya habang inaakay ako papasok. Umupo ako sa mesa habang siya ay nagtimpla ng kape. “Kumain ka muna ng almusal bago umuwi,” aniya. “Salamat.” Hinigop ko ang kape. Seryoso siyang tumingin. “Anong nangyari sa’yo?” Huminga ako nang malalim. “B-binenta ko na ang puri ko.” Kusang tumulo ang luha ko. Lumapit siya at niyakap ako nang mahigpit. “Hindi ko puwedeng sabihing okay lang, dahil para sa tatay mo mo kaya mo ginawa ’yon. Pero tandaan mo, nandito lang ako para sa’yo.” “S-salamat.” “Jillian… anong klaseng tao ang kasama mo kagabi?” tanong ni Lora. Mapait akong ngumiti. “Isang demonyong nagtatago sa maamong mukha.” “As in demonyo? Binaboy ka ba niya?” Tumango ako, sabay hagulgol. “Ang dumi-dumi ko na…” Muli niya akong niyakap. “Sshhh… huwag mong isipin ’yan. Kalimutan mo na muna para hindi mahalata ng magulang mo kung ano ang nangyari.” “T-tama… h-hindi dapat malaman ng magulang ko.” “Ubusin mo ang pagkain mo at magpahinga ka muna. Sabihin mo na lang na traffic kaya hindi ka agad nakauwi,” wika ni Lora. Tumango ako sabay higop ng kape. Habang naglalakad ako pauwi, bumibilis ang kabog ng dibdib ko. Hindi ko maipaliwanag ang kaba, lalo na’t makikita ko si Nanay, na laging maaga nagigising para magluto at maglinis ng bahay. “Bahala na,” bulong ko. Mas lalo akong kinabahan nang makita ko siyang nagwawalis ng bakuran. Pilit akong ngumiti habang maingat kong tinatakpan ng buhok ko ang banda aid sa leeg ko. “Nay!” Huminto siya at tumingin. “Jillian, bakit ngayon ka lang?” tanong niya habang binubuksan ang gate. “Hinintay ko pang magising ang pasyente ko para uminom ng gamot. Ayaw niya kasing uminom kapag hindi ako ang nagbibigay.” “Ganun ba? Pumasok ka na. Nagluto ako ng almusal.” Tumango ako. “Kumusta si Tatay?” “Okay naman. Nakatulog nang maayos.” “Ininom ba niya ang gamot?” “Oo.” “Sige… kakain muna ako bago ko linisin ang sugat niya.” “Magpalit ka muna ng damit at kumain ka.” Nauna siyang pumasok. “Salamat.” Dumiretso ako sa kuwarto. Umupo ako sa gilid ng kama at tiningnan ang laman ng bank account ko. “Sampung milyon nga ang binayad ng lalaking ’yon…” bulong ko. Ramdam ko pa rin ang sakit ng katawan ko, lalo na sa pagitan ng mga hita. Parang lalagnatin ako sa sobrang hapdi. Pero kailangan kong kumilos nang normal. “Jillian, masama ba pakiramdam mo?” tanong ni Nanay habang kumakain ako. “Hindi po. Pagod lang,” palusot ko. Napakunot ang noo niya. “Anong nangyari sa leeg mo? Bakit may band-aid?” Mabilis kong iniwas ang tingin. “W-wala ’to… may pasyente akong nagwala kagabi at natamaan ang leeg ko nang may ibato siya.” “Sa susunod mag-iingat ka,” sabi ni Nanay. Tumango ako at nagpatuloy sa pagkain. Pagkatapos, dinalaw ko si Tatay para linisin ang sugat niya. “Jillian, anak… maraming salamat,” wika niya. Ngumiti ako. “Wala kayong dapat ipagpasalamat.” “Masaya ako dahil naging nurse ka… pero hindi ko inisip na magiging pasyente mo ako.” Bumuntong-hininga ako. “Tay, hindi kita pasyente. Obligasyon kong alagaan kayo ni Nanay.” “N-nak… salamat,” naluluha niyang sabi. “Wala kayong dapat ipagpasalamat sa akin. Ako nga dapat ang magpasalamat sa ‘yo. Siguro dahil sa sobrang trabaho mo para makatapos ako ng pag-aaral kaya ka nagkasakit.” “Anak, alam naman natin na dahil sa sipag at talino mo kaya ka nakatapos ng pag-aaral. Wala akong naitulong sa pag-aaral mo.” Bumuntong-hininga ako. “Masyado na tayong nagiging ma-drama. Linisin ko na ang sugat mo.” Tumango siya at nagsimula na akong linisin ang sugat niya. Tahimik naman siyang pinapanood ako hanggang sa matapos. “Tapos ko ng linisin ang sugat mo. Magpahinga ka na,” sabi ko. Tumango siya at ngumiti. Dumiretso ako sa kuwarto upang magpalit ng damit. Pagkatapos ay humiga ako sa kama. “Kailangan kong kalimutan ang nangyari at ipagpatuloy ang buhay,” bulong ko. Kinabukan, maaga akong nagising upang pumasok sa trabaho. “Jillian, mabuti na lang at dumating ka na!” wika ni Anna. Isang nurse na naka-duty sa gabi. “Bakit?” “Naku! Yung pasyete sa pedia ward nagwawala.” Kumunot-noo ako. “Si Jayson Baustista?” tanong ko. Tanging ang five years old na batang si Jayson ang nagwawala sa pedia ward. Tumango siya at mapait na ngumiti. “Nakakaawa rin ang bata na ‘yon. Lagi niyang hinahanap ang Mommy niya, hindi naman siya dinadalaw.” “Sige, ako na ang bahala sa kanya.” “Okay,” sabay alis niya. Kinuha ko ang record book ng naka-duty na nurse sa gabi bago ako pumunta sa pedia ward. “Nurse Jillian!” tawag sa akin ng Lola ni Jayson. Lumingon naman ang bata na si Jayson nang marinig niyang tinawag ang pangalan ko. Nakangiti ako sa kanila habang papalapit sa kanila. “Hello, good morning!” sabi ko. “Nurse Jillian, mabuti naman at dumating ka na. Itong apo ko nagwawala na naman, ayaw rin kumain.” Ngumiti ako kay Jayson. “Alam mo bang hindi ka gagaling agad kung hindi ka kakain?” malumanay kong tanong. Sumimangot siya. “Gusto ko si Mommy ang magpapakain sa akin. Miss ko na ang Mommy ko!” sabay iyak niya ng malakas. Tumingin ako sa lola niya upang humingi ng sagot kung bakit hindi dumadalaw ang mommy ni Jayson. “Apo, nasa ibang bansa ang Mommy mo. Hindi siya agad makakauwi ng Pilipinas,” paliwanag ng Lola niya. “Gusto ko makita si Mommy! Gusto ko siya makita!” sigaw niya ng malakas. Bumuntong-hininga ako. “Jayson, kung hindi makakauwi ang Mommy mo, puwede bang ako muna ang maging Mommy mo?” tanong ko. Biglang tumahimik si Jayson. “Nurse ka po.” Marahan kong hinaplos ang buhok niya. “Ayaw mo ba? May nurse ka na, may mommy ka pa?” Tumango siya at yumuko. “Mommy Nurse." Ngumiti ako. “Jayson, kumain ka na para makainom ka ng gamot,” sabi ko. Tumingin siya sa akin. “Puwede mo ba akong subuan, Mommy Nurse?” Tumango ako at ngumiti. “Oo, naman." Kinuha ko ang pagkain na hawak ng lola niya at sinimulan ko siyang pakainin. Ako na rin ang nagpainom ng gamot sa kanya. “Nurse Jillian, maraming salamat,” wika ng lola ni Jayson matapos kong painum siya ng gamot. Ngumiti ako. “Walang anuman. Tawag lang po kayo kung may kailangan kayo.” Bago ako lumabas ay nagpaalam muna ako kay Jayson. Naging abala naman ako sa mga sumunod na oras kung kaya’t hindi ko namalayan ang oras. Alauna na ako ng hapon pumunta ng canteen para kumain ng lunch. “Jillian, dito!” sigaw ni Lora sa akin. Nakaupo na siya sa bakanteng mesa kasama ang head nurse namin. “Kumusta ang bata na pasyente mo?” tanong sa akin ni Lora. “Kumain na siya at uminom ng gamot,” sabi ko habang sinisimulan kong kumain. “Mabuti naman. Nakaawa talaga ang bata na ‘yon. Hindi na dinalaw ng Nanay dahil may iba ng asawa.” “Paano mo nalaman?” tanong ko nang hindi man lang siya nilingon. “Halos lahat ng nurse na naka-duty sa pedia ward ay sinabihan ng lola ng bata. Hirap na hirap kasi ang lola na patigilin ang bata sa kakaiyak.” “Gano’n ba?” “Pero alam mo, may bumisita kagabi na lalaki sa bata.” “Baka tatay ng bata ang bumisita,” tugon ko. Umiling si Lora. “Uncle ng bata. Sinabi sa akin ng naka-duty na nurse kagabi. Guwapo at macho raw.” Kilig na kilig niyang sabi. “Okay.” “Hindi ka ba natuwa?” Seryoso akong tumingin. “Natutuwa ako dahil may dumalaw sa bata.” “Okay… wala ka pa lang interes sa mga lalaki.” Bigla akong huminto sa pagsubo ng pagkain. Muli ko na naman naalala ang lalaking nakakuha ng p********e ko kagabi. “Nurse Jillian, okay ka lang?” tanong ni Lora. “O-okay lang ako!” “Umiiyak ka.” Tumalikod ako at mabilis na pinunasan ang luha ko sa pisngi. Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang luha ko. “Nurse Lora, huwag mo kasing istorbohin si Nurse Jillian. Kumain na lang tayo,” wika ng head nurse namin. “Sorry, Ma’am.” Pinagpatuloy niya ang pagkain. Wala na kaming imik habang kumakain hanggang sa bumalik kami sa ward. Sa mga sumunod na oras ay naging abala ako sa mga pasyente ko. “Hays! Natapos din ang buong araw,” bulong ko. Inunat ko ang katawan ko habang nakatayo sa harap ng locker. “Off duty ka na?” tanong ng isang nurse. Tumango ako at ngumiti. “Night shift ka ‘di ba?” “Oo, ingat!” “Thank you,” tugon ko. Kinuha ko ang gamit sa loob ng locker. Pagkatapos, dumiretso ako sa banyo para magpalit ng damit. Pagkalabas ko ng banyo ay sinalubong naman ako ni Lora. “Akala ko nakauwi ka na,” sabi niya. “Bakit?” takang tanong ko. Ngumiti siya. “Straight over time ka raw.” “Sige, magpapalit lang ako.” Tatalikod na sana ako, ngunit pinigilan ako ni Lora. “Uy, Joke lang!” “Akala ko totoo.” “Hindi ka man lang tumanggi kung sakaling straight overtime ka?” Umiling ako. “Kailangan ko ng pera.” “Joke lang ‘yon. Hinahanap ka ni Dr. Briones.” “Naka-duty siya ngayon?” “Oo, late lang siya dumating. Gusto ka niya makausap, tungkol yata sa tatay mo.” “Sige, salamat.” “Sabay na tayo umuwi.” “Mauna ka na baka matagalan ang pag-uusap namin.” “Hintayin na kita.” “Sigurado ka?” Ngumiti siya. “Hindi ako susunduin ng boyfriend ko ngayon kaya sabay na tayong umuwi.” “Salamat.” Dumiretso ako sa silid ni Dr. Briones. Dahan-dahan akong kumatok sa pinto bago pumasok sa loob. Pagpasok ko ay nakita kong may kausap siyang pasyente. “Good evening, Dok!” sabi ko. Ngumiti siya. “Nurse Jillian.” “Tawag n’yo raw po ako?” Tumango siya. “Sandali lang at tatapusin ko lang ito.” Tumango ako at umupo sa gilid habang hinihintay siyang matapos sa isang pasyente niya. “Nurse Jillian, may importante akong sasabihin sa’yo,” sabi niya. “Ano po ‘yon, Dok?” “Tungkol ito sa Tatay mo.” Bigla akong kinabahan. “May nakalimutan ba kayong sabihin sa amin?” Umiling siya. “Nabanggit mo na gusto mong ipagamot ang tatay mo sa ibang bansa.” Tumango ako. “Kaya lang mahal yata ang gagastusin ko.” “Well, kaya ko naman gamutin ang tatay mo, at hindi na kita sisingilin ng doctor’s fee. Pero alam mo naman dito sa atin. Limitado lang ang mga gamot at gamit para sa mga ganyang sakit. Kung gusto mo talaga na sa ibang bansa magpagamot ay tutulungan kita.” “Talaga po?” Tumango siya. “Irerefer kita sa pinakamagaling na oncologist sa Singapore na kilala ko.” “Salamat.” “Simulan mo ng ayusin ang mga dukumento n’yo para makaalis na kayo. May pinsan ako sa Singapore at pumayag siyang doon muna kayo tumuloy habang nagpapagamot ang Tatay mo.” Tumulo ang luha ko. “Salamat, Dok.” Ngumiti siya. “Hindi na ako magdo-donate sa fun raising para sa tatay mo. Tutulungan na lang kitang humingi ng tulong sa mga kakilala ko para malibre ang first chemo ng tatay mo sa ibang bansa.” “Fun raising?” takang tanong ko. “Hindi mo ba alam na may fun raising ma ginawa ang mga kapwa mo nurse. Hindi mo ba nakita sa online?” Umiling ako. “Hindi ako nagbukas ng social media account ko.” “Okay. May fun raising sila para sa Tatay mo.” Tuluyan ng tumulo ang luha ko. Hindi ko alam na tutulungan ako ng mga katrabaho. “Maraming salamat sa inyo.” “Huwag ka ng umiyak mas lalo kang papangit,” biro niya. Pilit akong tumawa. “Pangit naman talaga ako.” “Alam ko,” sabay tawa ni Dr. Briones. Sobrang saya ng puso ko dahil sa tulong na binigay nila sa akin. Bagamat, may pera ako para sa gamutan ni Tatay, hindi naman ito sasapat kung sa ibang bansa ko siya ipapagamot.
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม