KAAGAD na bumalik si Alejandro sa banyo nang paglabas niya ro'n ay nagisnan niya si Angel na nagsasayaw at kumakanta sa harap ng kalan. Lihim na pinagmasdan lang niya ang babae. Mula nang makita ni Angel na nakabili siya ng maliit na kalan, do'n na 'to nagluluto. Isang linggo na rin at tatlong araw si Alejandro sa apartment na 'yon, gano'n din ka- consistent si Angel sa pagdadala sa kaniya ng pagkain. At ngayon nga ay pagluluto para sa kaniya. Gano'n din 'to kakulit sa pagpipilit sa kaniya na pumasok sa school. "You are my sunshine... my only sunshine..." Pagkanta ni Angel ng wala sa tono. Lihim na natawa siya. Paano ay hindi naman sinasayaw ang kanta na 'yon pero heto at may sariling bersyon si Angel niyon. Ginawan nito ng sariling bersyon ang kanta na kung alam lang sana nito na na

