"ALAM mo, Doc Harvey--" "Hindi pa." Angel chuckled. Kahit na punong-puno ang bibig nito ng kasalukuyan na kinakain na ito mismo ang nagluto. "Well, sasabihin ko na nga ngayon sa'yo, hindi mo naman kasalanan na nawala si Pyro." Okay, hindi napaghandaan ni Harvey ang sinabing 'yon ni Angel. Kung paano nito nalaman ang rason ng pagmumukmok niya ay isa lang ang masasabi niya: humanda sa kaniya ang matabil niyang assistant bukas! "Listen, Doc Harvey, sa buhay, may mga bagay talaga na hindi na naaayos pa. Dahil nakatakda na 'yon na hindi maayos. Simple as that. Even the repair man ay may hindi kayang ayusin, ano ka ba! Sabi nga, kahit nakatakda na hindi 'yon maayos, nakatakda naman na dalhin natin. At 'yon ang nararamdaman mo ngayon. Dinadala mo. Kaya okay lang 'yan. Hindi naman gano'n ka

