Panandaliang nagkahinang ang kanilang pumupungay na mga mata. Sa tulong ng mahinang tanglaw ng liwanag mula sa loob ng kabahayan ay mababanaag ang labis na pagnanasang nakapaloob sa kanilang mga titig sa bawat isa. Nakangiting niyakap ni Damian ang dalagang si Gucci na labis nang namumula ang kanyang buong mukha. Ilang saglit pa ay walang kahirap-hirap na binuhat ng makisig nitong mga braso ang dalagang kaagad na napakislot. Walang hiyang ikinunyapit ni Gucci ang kanyang dalawang kamay sa pinagpapawisang leeg ni Damian. Muli nilang dinugtungan ang naputol na halikan habang humahakbang ito papasok ng tahanan at walang kahirap-hirap na karga ang kanyang hindi masyadong mabigat na pangangatawan. “Do you like it, Gucci?” namamalat ang boses na tanong ni Damian sa dalaga nang tanggalin niya

