Malungkot na pinagmasdan ni Chanel ang larawan nilang dalawang ng kanyang fiancee na si Giordano, naka-hang iyon sa wall sa sala ng kanyang unit. Malapit ng mag-isang taon nang maglaho ito at hindi nag-iwan ng kahit kaunting bakas upang mahanap nila kung nasaan ito. Mababanaag sa kanyang mga mata ang labis na pananabik nito sa kasintahang nawawala. Matagal-tagal na panahon na ang lumipas pero hindi pa rin niya iyon lubusang matanggap. “Hon, it’s almost a year.” mahinang saad niya habang namumuo na ang kanyang mga luha. “Hindi ka pa rin bumabalik, naghihintay pa rin ako sa’yo araw-araw. Bumalik ka na, Hon.” Kasabay ng pagbagsak ng kanyang mga luha ay nilagok niya ang wine na nakalagay sa kanyang hawak na baso, prenting nakaupo siya paharap sa larawan ng binata na malawak na nakang

