Pag-uwi ay nagkagulo sa bahay. Inatake ako ng maraming tanong ni tita at Edcharl. Paano raw ba nangyaring naayusan ako bigla at may bago akong damit. Kinabukasan, tulala sa'kin ang lahat. Kahit si Yula at mga kaklase namin. Hiyang-hiya ako, ewan pero imbis magmalaki ay hiya ang naramdaman ko. "Oh my goodness..." Gulat na bulalas ni Yula. "Noong byernes lang may issue ka, tapos ngayon sobrang..." Napatili na siya at hinampas-hampas ako sa braso. Gusto ko siyang sigawan pero dahil tutuk sa'kin ang lahat, ugh! Hiyang-hiya ako. Nakasuot ako pumps, tulip skirt at halter. Pinatungan ng maong na jacket para matabunan ang balikat. Kagabi ay ti-next ako ni Atticus, sinabing isuot ko raw ang pinamili namin dahil may ipapagawa siya sa'kin mamaya. No choice ako, gago, tangna ng langya. "Ikaw pa

