"Sige na please kuya, ngayon lang naman eh."
"Hindi nga pwede, maggagabi na."
"Pag pumayag ka, ako maghuhugas ng pinggan buong buwan."
Agad siyang natigil sa sinabi ko at nagbuntong-hininga ng sobrang lalim. Para bang mabigat sa loob niya na harapin ako at pandilatan.
"Ano? O baka gusto mo maghugas ng pinggan sa birthday ko? Sabi pa naman ni Tita magpapa-party siya sa birthday ko," ngingisi-ngising sabi ko sa kaniya.
Naiirita siyang umirap sa'kin bago sumagot.
"Dalawang buwan, ikaw maghuhugas ng pinggan. Sige, layas na, uwi pag-alas diyes——"
"YES!"
"YEAH!"
Sabay kaming tumalon ni Yula sa tuwa bago nagkukumahog na tumakbo sa kwarto ko para magbihis.
It was seven in the evening when we arrived in the penthouse. Maraming tao sa loob, malamang, Eve.
Yung iba nga lasing na kahit kasisimula pa lang ng gabi. Isa sa classmates namin ang nagdala sa'min sa isang private room kung saan doon nakatambay ang mga invited sa birthday party.
First time kong makapunta sa ganitong lugar kaya nalilito ako sa mga hallway-hallway, malakas ang music at ilang beses ako muntik maligaw.
"HAPPY BIRTHDAY, TERRENCE!"
Saktong pagpasok namin ay sumabog ang makululay na confetti at ang hiyawan ng invited guests. Para tuloy surprise party ang labas at kami ang may birthday.
"Tara, batiin natin si Terrence! Makipag-close tayo sa kaniya, ang sikat pa naman nun! Dali!"
Si Yula at hinila ako papunta sa lalaking matangkad, gwapo, naka-polo at isang black shorts. Bahagya pang nakaluwa yung dibdib habang may hawak-hawak na bote ng inumin.
Ayuko sana pero wala naman akong choice. Like bruuh, nakiki-party lang ako.
"Hello, Terrence! Happy birthday pala sa'yo!" Masiglang bati ni Yula at kumaway sa kaharap na lalaki.
"Oy, Yula, good thing you came. Thanks for coming," Terrence also beamed happily.
Ilang minuto pa silang nag-usap hanggang sa nabaling sila sa'kin. Wow, kanina pa kaya ako rito.
"Evergreen, right?" Si Terrence at inabutan ako ng isang baso na may lamang alcohol.
Seriously? Hindi ako umiinom! Hindi ko alam kung dapat ko bang tanggapin o tanggihan. Birthday niya at inimbita pa kami kahit hindi kami magkakilala.
How kind of him. However, my kidneys never tasted alcohol. Baka 'pag tinanggap ko, mawalan ako ng malay bigla.
"Oo. Good evening! Happy birthday!" Awkward kong bati sa malakas na boses dahil maingay.
Malakas ang music at ang iingay ng mga tao. Pinandilatan ako ni Yula kaya nahihiya kong tinanggap ang baso.
Terrence's smile widened as he held his bottle up. "Thanks, Eve! Cheers?!"
"Cheers!"
"Cheers!"
Nakisabay na ang lahat kaya wala akong nagawa kundi uminom din. Diritso lunok na ako para hindi ko malasahan ang pait pero langya! Maanghang at pangit talaga ang lasa.
"Uhmm!"
Napahaplos ako sa lalamunan ko at nanginig ng kaunti. Ang init bigla ng lalamunan ko at napa-whoah! na lang ako.
Terrence laughed when he saw my reaction, the evil Yula did, too and believe me, I saw red.
Putik! Sarap sakalin nitong babaeng 'to.
"Is this your first time drinking?" Si Terrence na lumapit sa'kin ng kaunti para mas marinig ko siya.
"Yeah, also my first time going in this kind of place. Kinda unusual," napa-english ako.
Terrence is an English man, so talking to him in his favorite dialect is kinda hard. Lalo na pagbobo ka sa english, talagang mangangapa ka at mapapa-english tomato.
"Nice, you're distinct. Most of us grew in this kind of place. You're sort of a new spice here, ingat sa mga predators."
"Predators?"
"Men." He chuckled sexily and damn, he's hot.
Indeed a predator, too.
"Ganun? Wala naman diyan."
"We're not sure," he uttered while smiling hotly, then he shot me a seductive stare. "You are after all, a beautiful lady."
Awkward akong napatawa at pasimpling hinanap si Yula. Pero ang malantod, nowhere to be found na agad.
Ano nga ulit yung sinabi niya kay Ed na hindi kami maghihiwalay?
"Where province again?"
"Neq."
"I'm sorry?"
Kita mo'to, hindi alam yun. Tss, palibhasa rich kid.
"Negros, sa Visayas yun." In case you don't know.
He just smirked and handed me another glass of alcohol. Literal yatang nanlaki ang mata ko at gusto ko na lang siya ewan.
Bakit ba sa dinami-rami ng bisita niya, ako pa itong pinagkaka-abalahan niya? Eh marami namang nagpapa-pansin sa kaniya.
"Hmm, too far."
"Not really," sagot ko at uminom ulit.
And damn, can I just vomit? I feel so hot already!
"Know what, you're more beautiful when you let your hair down," he muttered suggestively and touched my hair.
Kumalabog ang dibdib ko nang maramdaman ko ang daliri niya sa hubad kong likuran.
I am wearing a spaghetti strapped formal dress with a hair tied in a half pony.
I felt discomfort when his hand fell on my waist and he moved closer.
Napalunok ako sa kaba.
Hindi nawala ang ngisi niya na makalaglag…panga. Shutaness! Parang gusto ko na lang umalis at uminom sa isang tabi.
I'd rather want that.
"Malamig kasi, hindi ako sanay eh."
"Well, you looked gorgeous anyway. I find you cute," he added.
Naku, ang landi ng lalaking 'to.
"Thanks."
"Sure, here. Another shot." Nakangiti niyang inabot sa'kin ang isa pang baso.
Napalunok na ako ng laway. Heto na naman. Marami ng napapatingin sa'min at may iba ng umaya sa kaniya pero tumanggi siya.
I swallowed it all and immediately put the glass down in the table. He only laughed and motioned the couch.
Naupo kami at nagkwentuhan pa, akala ko makakaalis ako agad pero umikot na ang paningin ko, hindi pa siya umaalis para i-entertain ang ibang kaibigan.
"Terrence, bagong-bago ah! Dali na naman!" Sabi ng isang dumaan.
Terrence just shook his head while laughing.
"Terrence, usap naman tayo oh!"
"Terrence, sa table naman namin! Kanina ka pa riyan eh!"
"Bro, gandang birthday gift ah!"
Marami ng dumaan sa kaniya pero hindi siya sumama. Nakasandal na ako sa backrest ng couch dahil umiikot na ang paningin ko.
Kanina ko pa rin hinahanap si Yula at syempre, si Aliston. Sabi ni Yula pupunta? O sa'n na yun? Mapipiktusan ko talaga itong si Yula bukas.
"Ayuko na, lasing na yata ako, Terrence," sabi ko nang may inabot pa siyang beer.
"Do you want to rest a little? You know, I've rented another private room, in case I'll need it. Pwede ka roon, tulog ka muna sandali?"
"Salamat, pero hahanapin ko pa si Yula eh."
Tinulungan niya akong tumayo kaya hindi maiwasang lumapat ng kamay niya sa balikat at bewang ko.
I almost dropped when my knees just wobbled. Thankfully, he was there to hold me up.
"Yawa, nakakahiya 'to," tawa ko.
"Not really, come on, you can do it. The room is just near," natatawa niya ring sabi.
He guided me to walk in a steady pace. May mga nakasalubong kaming kumantyaw sa'min at nang-asar.
"Terrence, ano 'yan? Minor pa yata 'yan!"
"Shut it, Mike," tumatawang puna ni Terrence at inalalayan na ako.
Honestly, I am still so aware of my surrounding. Just that, my head is spinning, reason why I couldn't balance myself. But reality, I'm still in myself.
"Terrence, yung kaibigan ko."
"Oo, hahanapin ko tapos papupuntahin ko sa kwarto, okay? Hindi pala dapat kita pinainom ng marami."
Malawak ang private room na nirentahan niya. May malaking kama at iilang mga gamit din.
Agad akong nahiga sa kama para mahimasmasan. Narinig kong sumarado ang pinto at may naglalakad palapit sa'kin.
Must be Terrence? But he can leave me now. He should find Yula so I can go home already.
"Terrence, si Yula?" Pikit-mata kong tanong.
"A minute, okay? Kumutan muna kita bago ako umalis, sorry I'll have to leave you alone."
I felt the comforter in my waist. Napamulat ako at nakita siyang maingat na inaayos ang kumot para sa'kin.
"I'll be back, Eve."
"Thanks…"
"I'll get you someone to guard you while I'll go look for Yula, okay?"
"Hmm…"
Minutes after he left...I heard a click. I was in between sleeping and waking up when I heard someone's faint chuckles.
Teka, saan nga ako ulit? Sa party pa ba ako ni Terrence?
"Nice, nice, what a good mems."
Gising na ako pero hindi muna ako dumilat, may narinig talaga akong tumawa at ngayon sigurado na akong may kasama akong iba sa kwarto.
The sound isn't Terrence's, but it's a male voice.
Potaena! Don't tell me someone sneaked in here and laughed at me?
"Tsk, gandang mems ah? Not bad, sleeping beauty," sabi pa ng boses lalaki.
Mahigpit kong hinawakan ang unan at nagbilang ng ilang segundo. Bago pa siya makapagsalita ulit ay dumilat na ako at huling-huli ko ang isang lalaki na kinukuhanan ako ng picture!
"What the f**k?!"
"What the hell?!"
Sabay naming sigaw. Agad ko siyang hinampas ng unan habang siya ay gulat na gulat nang nakita akong gising.
"Walang hiya kang manyak ka! Ano'ng ginagawa mo rito?! Bakit mo'ko kinukunan ng picture?!"
Dumagundong ang boses ko habang pinaghahampas siya. Siya naman ay malutong na nagmumura habang kunot nuong sinasalag ang hampas ko.
How dare he do this to me?! He's a creep!
Ano'ng balak niya gawin sa'kin? May plano ba siyang gahasain ako? Oh my God! I should kill this bastard!
"What the—f*****g stop it, will yah?! I'm not doing anything!" He fired back.
But the flame of being molested, deceived and anger won within me. I won't let this jerk get away.
"Not doing anything mukha mo! You we're caught in the act! Gago, walang hiya, potaena! Private room ko 'to!"
"Private room mo? Bakit ikaw ba nagbayad?" Bwelta niya.
Aba, tignan mo 'tong mokong, mukha lang akong mahirap pero mahirap talaga ako.
"Ba't sa'kin ka nagtatanong? Ako ba may-ari—ay yawa! Bakit ka nandito?! Where's Terrence?!"
"f*****g stop it. Or I'll drag you out of here!"
"Ako pa? Eh ikaw nga trespassing!" Bulyaw ko rin.
He looked at me flatly, as if he couldn't believe that I'm hitting him.
"Seriously? I'd never been treated this way."
"That's what you got for being a maniac!"
"Maniac?!"
He exclaimed. Pero pinalipad ko na ang comforter sa mukha niya at malakas siyang sinipa sa tiyan.
Malutong siyang napamura at bumagsak sa sahig. Butt first as his phone dropped farthest from him.
"Bingo!"
Ngising tagumpay kong tinakbo ang cellphone at binuksan. Balak kong burahin ang mga picture kong gagawin pa yata niyang mems!
Lintik na lalaki!
Pero kinain ako ng inis nang may Facelock na lumabas. Like, seriously? Yung mukha ng lalaki na pangit, gagawin pang lock? Anyare sa mundo?
"How dare you, woman!"
Galit niyang sigaw nang makabawi. He's all red and really really pissed. Just by the face he's showing, it's like he can eat me whole. Alive.
"I'll f*****g bury you alive if I'll caught you!"
Gritting his teeth, he walked fast near me. My heart took a sudden leap when I saw his mad eyes.
Pero galit din ako. Siya ang nauna kaya may karapatan akong magalit at manakit. But, what if he's a serial killer?
"Bummer!"
"I'll freaking bite you in the neck!"
Palapit na siya nang binato ko ang mamahalin niyang cellphone sa pader ng sobrang lakas.
His jaw dropped and his eyes widened. Sa huling pagkakataon, kahit nasa kalagitnaan ng problema, nagawa kong tumawa sa pinaghalong inis at takot.
Nawala yata ang kalasingan ko nang makita ko ang hindi makapaniwala niyang mukha habang pinapanuod kung paano nagkahiwa-hiwalay ang parts ng cellphone niya.
Pagkalabas ko ay agad akong tumakbo sa room nina Terrence para hanapin si Yula. Naabutan ko silang nagsasaya pa rin at lasing na.
"Yula, uwi na tayo! Lampas alas dyes na!" Bulyaw ko agad nang makita si Yula'ng nakadunglay sa mesa.
Sina Terrence ay lasing na lasing at mas lalo yata silang dumami. Napabangon ang kaibigan ko at sumisinok na nagsalita kahit wala akong maintindihan dahil sa tindi ng music at ingay ng lahat.
Sobrang gulo. That was my first time coming to a real party of people my age. And apparently, that was a great night. I've experienced one of the things people my age does.
But as they say, after happiness, there's sadness waiting ahead. That one was true.
Dahil pagkauwi ko, 'sang katutak na sermun galing kay Edcharl ang natanggap ko. Galit na galit siya at talagang inabangan ang pag-uwi ko.
Yung tipong may tasa ng kape siya habang seryusong nakabantay sa terrace.
"Ed——"
"Sa susunod, hinding-hindi ka na aalis ng gabi! Hinding-hindi na kita papayagan ulit at kung kailangan lumpuhin kitang tang'na ka, gagawin ko hindi ka lang makagala!"
Bulyaw niya agad sabay duro sa'kin. Napapikit ako sa gulat at kaba nang makitang sobrang pagtitimpi na ang ginagawa niya pero hindi pa rin kaya.
Si Tita nasa pintuan na at nanunuod lang sa'min. Sana naman hindi na niya ako pagalitan, kay Ed pa lang, tapos na ako.
"I've been calling you, dumbass! Ano'ng silbi ng cellphone mo kung hindi mo ako sasagutin, Evergreen?! I've been so worried! Akala ko matatagpuan ka na lang namin sa imbornal! Alas dyes ang usapan, pota! Alas dose na ng gabi oh!"
Dugtong niya at tinulak ang rocking chair na inuupuan niya kanina. Napasapo ako sa ulo ko nang sumakit yun. Mabuti at hindi ganun kalapit ang mga kapitbahay namin kung hindi nagising na mga yun.
"And you drank?!"
Napamulagat ako nang lumapit siya sa'kin sabay bulyaw. Bahagya niya pala akong inamoy.
"Ed, let me explain, okay?" I tried to break his momentum. But he immediately shut me up.
"No need, Evergreen Tulips Saldivar! Because you're grounded for a week!"
Pagdadamog niya at tinalikuran ako. Si Tita hindi naka-imik sa kapatid at napatingin lang sa'kin.
"Hindi ko na dadagdagan, Evergreen, sapat na si Edcharl sa'yo," naiiling niyang sabi at natawa.
I pouted and walked inside in an unsteady pace. When I reached my room, I immediately took a half-bath and wore my pajamas as I laid down the bed.
--
Kinabukasan, nagkukumahog akong bumaba sa kusina para uminom ng tubig at mag-tooth brush, habang nagsusuklay at nag-aayos ng uniform.
Putspa!
Sinasabi ko na eh, mag-aala-ninja na naman ako.
"Oh, hindi ka kakain?"
"Hindi na po, tita! May schedule po ako ng seven!"
Sigaw ko habang pababa na ng hagdan dahil late na akong nagising.
"Seven? Eh, seven ten na, Eve! Late ka na naman?"
"Ganiyan po talaga 'pag hokage!"
Natatawa kong sagot kahit malayo na. Nadatnan ko si Ed na nag-aayos ng kotse sa garahe at obvious naman na kotse niya ang may sira.
Walang isang gulong at nakakalat ang pyesa sa floormat.
"Ed, ihatid mo ako sa school! May sched ako ng seven!"
Nagkukumahog kong bulyaw sa kaniya nang makarating. Agad siyang napatayo at napa-pamewang sa harapan ko.
"Bulag ka ba? Can't you see I'm fixing the car? Mag-taxi ka, ungas!"
Bwelta niya at tinalikuran ako para mag-ayos ulit ng gulong. Napapadyak ako sa inis.
"Ang mahal ng pamasahe, Ed."
"Oh edi maghintay ka."
"But I'll be late!"
"Late ka na, tanga! Mag-absent ka na lang, naglasing ka kasi kaya 'yan nangyari."
"I'll be super late, Ed! Late rin ako noong martes, I can't be late twice in a week!" Gagad ko.
He shot me a glare and just shook his head.
"Okay lang 'yan, noong highschool at senior high nga ako late ako everyday eh," sagot niya.
Suminghap ako sa inis at pagkataranta.
"This isn't high school!"
"H'wag mo 'kong sigawan, bwisit ka! May sched din ako ng seven thirty kaya 'wag mo 'kong sturbohin!"
Did you see that?
"Pareho naman na kayong late, 'wag na muna kayong pumasok, aalis ako para mag-grocery, labhan niyo muna ang mga kumot dahil ang babantot na ng amoy." Biglang sumulpot si tita at binilinan kami.
As if on cue, Edcharl and I exchanged glances. Then, we both stood up and fixed ourselves as we readied to go.
"Taxi na lang tayo, Eve. May quiz kami ngayon."
"May recitation kami sa Philosophy. Tita, mauna na po kami!"
"What? Wait, at ang mga kumot?"
"Pa-laundry niyo Ate!"
Sabay kaming kumaripas ng takbo ni Ed at nag-abang ng taxi. Pagkasakay, nagkatinginan kaming dalawa at sabay na natawa.
"Bwisit, late na naman," natatawa niyang sabi.
"Hindi na ako iinom ulit, masakit pa ulo ko."
"Talagang hindi na, kapag nahuli pa kitang uminom, ipapa-inom ko sa'yo lahat ng alak sa mundo."
"Pero ikaw pwede?"
"I'm a male, it's normal you dumbass."
"So it's double standard again, Ed? Dahil lalaki pwede uminom, 'pag babae hindi?"
Sinamaan niya ako ng tingin. "Hindi ka pwede kasi pamangkin kita, kung hindi, wala akong pakialam kung magpakalunod ka sa alak."
Tumawa ako sa kaniya, yung driver nakikinig lang sa'min at walang imik.
"Mahal mo talaga ako, Tito. Don't yah worry, I love my uncle too——"
"That's just gross, Eve. Shut up will yah?"
Mas lalo akong natawa, he sounds like Levi. Suddenly, I felt a hole in my chest. It's been months and I heard nothing about my siblings. Ayaw nila akong kausapin sa tawag o video chat. Aaminin kong nagtatampo na ako pero ano ba aasahan ko sa dalawang yun?
Eh mga yawa yun eh!
As expected as it was, I was late again and got scolded by my instructor.
Hindi na ako sumagot dahil mali ko naman talaga, pero agad kong binatukan si Yula nang makaupo. Nakadunglay pa siya sa arm chair niya nang madatnan ko.
Palihim kaming nagpalitan ng matatalim na tingin hanggang sa matapos ang lahat ng schedule namin.
"Liar, you said Aliston was coming. Bakit hindi ko siya nakita kahapon?" Sumbat ko agad nang magka-time kami.
"Hindi mo nakita kasi tumba ka na, ako nakita ko," pagmamayabang niya sa'kin.
"Bakit mo kasi 'ko iniwan kay Terrence! He gave me countless shots!"
She looked at me flatly, para bang ang bobo ko sa sinabi ko. "Malamang, Terrence yun eh. He's known for making people drunk whenever they're in bars, clubs or parties. Akala ko alam mo eh."
Kita mo'to, wala talagang kwenta.
"Look at me and tell me that I do know he's like that," inis kong sabi.
Umirap siya sa'kin at napatingin sa likuran ko.
"Aliston was with someone last night, they were making out," malungkot niyang wika at may nginuso sa likuran ko.
"What?!"
"Sa likod mo, tanga!"
Nag-irapan kaming dalawa bago sabay na tumingin sa likuran ko at muntik na akong mapatili nang makita si Aliston na naglalakad sa hallway ng engineering building kasama ang mga kaibigan niya.
**