Nanggigigil kong kiniskis ang mga palad habang nangingiting nakatanaw sa veranda. Kanina pa ako rito sa kusina, nagbabaka sakaling muling bumalik si Aliston.
Pero langya, naubos ko na lahat wala pa rin ni anino niya.
"Sabi na, e. Naghihintay ka talaga rito sa crush mo."
Para akong binagsakan ng mundo nang si Edcharl ang pumasok at hindi si Aliston. Sa laki ng ngisi niya agad akong naasar at napabuga ng hangin.
His grin widened when he saw my annoyed face. Tawang-tawa talaga siya na mabuking ako. Kung bakit kasi naghintay ako rito at nagbakasakali ay hindi ko na matandaan kung bakit.
"I'm just eating," pagdadahilan ko.
Na halata namang walang effect dahil kitang-kita ang kanina pang ligtpit na mga pinggan.
He laughed loudly as he sat across me.
"He'd left already. Kanina pa, Eve," nang-aasar at nakangisi niyang sabi.
"Oh, tapos? Tinanong ko ba?"
"Hindi na kailangan, halata namang naghihintay ka."
"Hindi nga, tss!"
Sabay kaming umirap. Nagusot ang mukha ko at nang marinig ulit siyang tumawa, ay asar na asar ko siyang binalingan.
"Bakit ka ba nandito?! Bumalik ka na nga ro'n sa mga kaibigan mo!"
"Umalis na sila, tanga."
Hindi ko na siya pinansin at sumubsob na lang. Nightfall came and tita arrived. Sabay kaming tatlong kumain at nanuod ng television hanggang sa kinaumagahan, sabay kaming pumasok ni Edcharl.
Sa lobby pa lang ay pansin ko na ang tingin sa akin ng lahat. Para bang kinikilatis ako ng mabuti at may kung ano akong naramdaman.
May dumuro sa'kin habang natatawa at pabalik-balik ang tingin sa hawak na gadget.
"Eve, hatid na kita. Tara na," nahimigan ko ang awtoridad sa boses ng Ed.
Nang tignan ay seryusong-seryuso siya habang nagtatagis ang bagang. Nagtaka tuloy ako, bakit parang may mali.
Bakit parang pinagmamadali niya akong maglakad? Ramdam ko ang kaba, may kung ano akong naramdaman sa tiyan ko sa sobrang seryuso niya.
"Bakit sila nakatingin?" Tanong ko. "Bakit natatawa? Edcharl, kinakabahan ako."
"Ba't naman? Para kang sabog alam mo yun?" Bwelta niya kaya napaungot ako.
"Edcharl kasi…."
"Walk faster, dumbass! You're late."
He pushed me towards the hallway. Pero ang humahangos na si Yula ang sumalubong sa'min.
"Eve!"
"What's wrong?"
"Bakit?"
Halos sabay naming sagot. Muntik na akong mapatili nang muntik na siyang madapa katatakbo palapit sa'kin. Putlang-putla siya at namamawis.
Magkasunod siyang lumunok at sabay namin siyang dinaluhan ni Edcharl. At halos maiyak ako nang marinig ang bulungan ng mga studyante sa hallway at ng mga dumadaan.
"Damn, what the bloody hell is going on?" Gigil ni Ed. "Bakit ka namumutla at anong meron? Why is everyone looking weirdly at my niece?"
"Kuya, kasi…kasi."
Halos hindi na huminga si Yula nang balingan ako. Ganun na lang din ang panginginig ng laman ko at panlalamig.
"Evergreen——"
"Edcharl!"
Isang matangkad na lalaki ang patakbong lumapit kay Ed at may binulong ito. Base sa reaksyon ng tiyuhin ko, na naging sobrang seryuso at lamig bigla ng itsura ay masamang balita yun.
"Bakit, Ed? A-Anong problema?"
"Bwisit!" He frustratedly massaged his nosebridge as he pushed his glasses up.
Natulala kami ni Yula sa kaniya nang pulang-pula niya kaming balingan. He demanded for Yula's phone and the latter gave it immediately.
Mas lalong nagusot ang mukha niya nang matignan ang kung anomang nandun. Akmang titignan ko nang iiwas niya yun.
"Ano ba yun? Ipakita mo nga!"
"Damn, you have to explain this to me, Evergreen," he said deadly serious.
"Ang alin?"
"This s**t, you dumbass!"
He showed me the phone screen. At parang dun ko lang naintindihan ang reaksyon niya kanina.
My eyes widened and my jaw dropped. I was shocked to the core nang makita ang hubad kong katawan sa picture.
"What the hell?!"
"Yeah, what the f*****g hell, Evergreen. You have to really explain this to me," asik niyang nagagalit. "Kailan 'to? Bakit nakahubad ka riyan?! Pota, at kasama mo pa talaga iyang lalaking 'yan?!"
His voice slightly raised. Agad siyang inawat ng kaibigan at si Yula ay hinagod ang likod ko. Bigla akong naiyak sa nakita at pumasok sa isip ko ang magiging resulta at epekto nito sa'kin.
"Oh my…"
"Let's go, Eve. I'll take you home."
"Edcharl!"
Agad kong protesta nang igiya niya ako pabalik. Inagaw ni Yula ang cellphone kung saan kita ang nagkalat kong picture kasama si Atticus Crusade Monte Grande.
Ni hindi ko nga matandaan kung saan nakuha iyong picture na yun at paano. Parang na-blangko ang utak ko at tanging ang maiyak na lang ang nagawa.
"Eve, calm down. We can solve this!" Si Yula.
Habang dinig na dinig ko ang malulutong na mura ni Edcharl na kausap ang kaibigan. Ang kaninang mga studyante na nakatingin sa'kin ay parang naglaho. Wala na akong pakialam sa kanila.
Isa itong kahihiyan, sa akin at sa school. Pero fake naman yung pictures! Kasi hindi naman totoo yun!
"Evergreen? Nandito ka na pala," isang kaklase ang natatawang lumapit nang makasalubong.
"Thalia…"
"Isang transferee na naman, hay naku, nauto na naman. At ang saklap ay may litrato pa, famous ka na girl!"
"Thalia! Those pictures are freuds!" Yula exclaimed.
Pero natawa lang ang kaklase namin at nanunuya akong tinignan.
"Okay lang naman humanga at bumigay kay Atticus, 'wag lang ipagkalat sa public." Napakuyom ang mga kamao ko. "Ngayon sikat ka na, girl. Tsk, hindi ikaw ang naunang gawin 'to. Mga papansin."
"Thalia!"
Wala na kaming nasabat nang tatawa-tawa siyang umalis. Ang kanina pang nanggigigil na si Yula ay hinila na ako paalis. Si Edcharl ay nagtatagis ang bagang na may katawagan.
"Sa kotse, Eve. Ako na bahala mag-explain sa profs mo ng mga nangyari."
"Edcharl——"
"H'wag matigas ang ulo, Evergreen. Para 'to sa'yo."
Naiiyak ko siyang inirapan at nauna na sa parking lot kung nasaan ang kotse namin. Pero parang sinadya yata ng tadhana na magtagpo ang landas naming dalawa.
Dahil saktong nakalapit kami sa kotse ni Edcharl nang bumaba si Atticus sa mamahaling Audi at mayabang na nagtanggal ng shades.
Hindi ko alam bakit dito siya sa lumang garage nag-park. Pero nang makita ko ang ayos niya, para akong may siga sa init ng ulo ko.
Hindi ko napigilan, natagpuan ko na lang ang sariling sinusugod siya at pinagsasampal.
Tumili si Yula at ang ibang nakakita sa ginawa ko. Hindi naman maipaliwanag ang gulat sa mukha ni Atticus nang masampal ko siya ng ilang beses.
"What the f**k, man?!"
"Anong what the f**k?!"
Bulyaw ko at akmang susugod ulit nang mahawakan ako ni Yula. Pero iyong galit ko na nag-uumapaw, parang tulad ng baha na hindi ko mapigilan kahit subukan ko.
"Evergreen!"
"You freaking jerk! Alam kong ikaw ang may gawa nun, hayop ka! Talagang pi-nost mo online?! Walanghiya! Ganiyan ka ba kababa, ha?!"
"Ha?"
Para akong masisiraan ng bait nang ang tanging sagot niya lang ay isang simpling "ha" at pagkunot ng nuo.
Wait, seriously? This jerk is really something!
"Anong ha?! Iyong post mo, gago! Talagang pinaghirapan mo e-edit at pinakita ang mukha!"
"What?! What the hell are you talking about?!" Para pa siyang mababaliw sa kakaisip kung ano ba'ng tinutukoy ko.
Gusot na gusot ang mukhang napaisip siya at hindi man lang sinalag ang mga hampas ko. Sa galit ay hindi ko na namalayang nakalapit na pala si Edcharl at ang kaibigan niya. Maging ang ilang kaibigan ni Atticus.
"What the hell! Stop now, Evergreen Tulips!" Dumagundong ang boses ni Edcharl na pilit akong pinapatahan.
Naiiyak ko siyang tinignan nang mapagtanto ang nagawa ko. Maraming nanunuod at ang iba, sinubukan pang mag-video kung hindi lang sila galit na inawat ni Trist.
"What the hell is wrong with you, Miss?" Si Atticus na mas lalong nagpaiyak sa'kin.
Ang walanghiya ay yun lang ang reaksyon, na para bang naguguluhan lang at hindi ininda ang sakit ng atake ko at ang tingin ng iba, ay wala lang.
It made me want to hit him more! While he's confused, here I am, crying in embarrassment that he did! He caused me this!
"Pumasok ka na sa kotse, Eve. Kakausapin ko lang 'to."
Ang seryuso na boses ng tiyuhin ko ay mas lalong nagpalumo sa'kin. Inalalayan ako ni Yula at ng kaibigan ni Edcharl para makabalik sa kotse. Nakita ko silang nagkaharap ng maasik na si Atticus.
Ang huli kong nakita bago makapasok ay ang seryuso nilang tinginan at ang pag-iling ni Atticus.
--
"Evergreen, usap tayo."
Ilang oras na ang lumipas mula ng nangyari kanina sa parking lot. Nasa highway kami ngayon, nagpapahangin dahil parang ngayon ko lang napagtanto ang mga ginawa ko kanina.
Nakaupo ako sa hood ng kotse at nakatanaw sa magandang tanawin sa baba.
"Ano raw sabi, Ed?" Mahina kong sabi.
Kunot-nuo niya akong tinignan at malalim na nagbuntong hininga sabay upo sa tabi ko.
"Explain, Eve. Paanong may ganun kayong picture ni Atticus?" Mahinahon man ay ramdam ko ang inis niya.
Ngumuso ako at naiiyak na umiwas kaya agad siyang nagsalita.
"Magsalita ka nga! H'wag kang iiyak lang diyan na para bang aping-api ka!"
"Kasi ako naman talaga ang biktima!" Bwelta ko. "Bakit ba parang ayaw mo maniwala? Bakit parang duda ka pa sa'kin? Kita mo naman yung pictures 'di ba? I was asleep and dead to the world! And he's there, lying beside me without clothes!"
Mas naiyak ako sa pinagsasabi at napapahid ng mata. He sighed heavily, para bang sobrang bigat ng nakadagan sa dibdib niya.
"Kaya nga kita tinatanong, paanong magkatabi kayo nun at natutulog ng walang damit?"
"Malay ko! Basta party yun ni Terrence at nahilo ako, pinagpahinga niya ako sa isang VIP room at paggising ay nahuli ko si Atticus na kinukuhanan ako ng pictures!"
"Oh, required bang maiyak habang nagkukwento?" Pambara niya bigla kaya naaasar ko siyang tinignan.
"Edited yata yun, Ed. Kasi may damit kami nun."
"I know, I know."
"Alam mo pala, e!" Sumama ang mukha ko.
"The question is, who edited the pictures and posted it?" His eyes turned into slits.
Eksaherado ko siyang binugahan ng hininga. Talaga bang tinatanong niya pa yun? Malamang ay si Atticus dahil halata naman! Siya lang ang kasama ko nun at hindi ko alam paanong naka-survive pa ang lintik niyang cellphone nang ibato ko yun sa pader.
"Si Atticus, syempre! Siya lang naman kagalit ko at ang kumuha nun!"
"Tanga ka ba?" Bigla niyang lait. "Hindi ka nag-iisip e, no?"
"Bakit na naman?! Kanina lang kakampi kita ngayon naman ayaw mong maniwala sa'kin!"
He heaved deeper and tsk-ed. Hindi ko maintindihan bakit ganun ang reaksyon niya e talaga namang si Atticus ang may sala.
"Paano na ngayon 'yan, tito? Ang scholarship ko, ang pag-aaral ko. Sina mama, magagalit sila sa'kin kapag nalaman nilang…"
Naiiyak akong nanlumo at hindi na malaman ang gagawin. Naramdaman kong tinapik niya ako sa balikat pero nagtatampo ko siyang iniwasan.
"Tanga, huminahon ka nga," aniya. "Required bang maiyak sa problema, Evergreen?"
"Oo!" Balikwas ko. "Bakit kasi inaasar mo pa ako, Edcharl! Ang laki-laki na nga ng problema ko!"
"Bakit kasi pabigla-bigla ka? Alam mo, minsan ang bobo mo para sa isang scholar."
Gusto ko siyang batukan, mas lalo lang akong naiiyak dahil pakiramdam ko pinagkakaitan na naman ako ng kakampi ng langit.
"Bobo na kung bobo!"
"Oo, hindi ka lang bobo, arte-arte mo pa."
"Oo na lang, Elvis."
"Tsk, tingin ko mas babagsak ka pa dahil sa panggugulo mo kay Atticus at hindi dahil sa neud pictures mo."
"Bakit?"
Nginusuan niya lang ako at tumalon na pababa. Sinundan ko siya ng naguguluhang tingin pero sinenyasan niya akong bumaba na.
Nang nasa beyahe pauwi ay saka ako nanghinayang sa klase ko. Shuta, maaga pa akong gumising para hindi ma-late tapos ganito lang? Uuwi lang akong wala man lang napapala sa klase? Pero mukhang mas ayos 'to dahil wala akong mukhang maihaharap sa mga kaklase ko.
"Don't worry, Eve. Everything will be fine, your name will be cleared the same day it's tainted," pahabol ni Edcharl.
Nang makauwi ay nagbihis agad ako at tinawagan si mama, tapos ay si Levi na bigla kong na-miss.
"Hello, sino 'to?" Bungad ni Levi kaya hindi ko naiwasang matawa.
"Renejay 'to!"
"Gusto mo block kita?"
"Ito naman ang seryuso."
"Ate, bakit ka tumawag?" Ang sungit sa boses niya ay ikinatawa ko rin.
Parang mas lalo akong naiyak nang marinig siya, miss ko na sila. Gusto ko lang naman ng lambing pero…
"I miss you Levi! Miss ko na kayo lahat, grabe ang dami kong kwento sa'yo! Alam mo bang——"
"Ate, maya ka na tumawag. May reporting ako, baka magalit si prof," putol niya sa'kin.
Wala akong nagawa kundi ang ibaba ang tawag. Kinaumagahan ay tumulong kami ni Ed sa restaurant. Maaga pang nagsermun si tita nang malaman ang nangyari sa'kin.
"Naku, e anong ginawa mo? Bakit ba pi-nost ng lalaking yun, Eve?!"
Nakapamewang siya at galit na galit, naungkat tuloy ang nangyari sa'kin kaya napapikit ako ng mariin. Ayuko maalala yun dahil nanggigigil lang ako sa galit.
"Edcharl, bantayan mo 'tong mabuti! Tignan mo nga at ano-anong nangyayari sa kaniya!" Si tita sa kapatid.
Edcharl scowled and took the keys of his car.
"Binabantayan ko, ate. It's fine, it will be. Her name's gonna be cleared," he reasoned boredly.
Bagot na bagot ang mukha niya sa sermun ni tita.
"How could you say that, Elvis? Who would do the favor to clean her name?!"
"Ate, kinausap ko na si Atticus, akong bahala. We will clear her name."
Inismiran niya ako nang magtama ang mata namin kaya naiiling ko siyang tinalikuran.
Okay, fine! Maaayos nga ang lahat pero hinding-hindi ko kakalimutan ang pangyayaring yun. That Monte Grande is a curse! He brought nothing but mischief!
Parang nag-iinit ang ulo ko sa isiping sampal lang ang nagawa ko kahapon. Sana pala sinamahan ko na ng tadyak at ng mas satisfying.
"Tara na nga lang, hay naku, next time Evergreen, ayuko ng lumalabas kang mag-isa at hindi kasama ang tito mo."
Napanguso ako kay tita, ano naman ang gusto niya? Isama ko at gawing body guard si Edcharl Elvis? May sarili rin naman siyang buhay na kailangan atupagin, may gusto rin siyang puntahan at gawin. Kapag babantayan niya'ko palagi, hindi ba't unfair yun?
As if on cue, I heard Edcharl heaved a deep breathe. When our eyes met, I saw the fuss on his face, he looked problematic now.
"I'm sorry, Tito," malambing kong wika. "Pero hindi naman kailangan, kaya kong mag-isa."
"Required bang maiyak na naman, Eve?" Nakataas kilay niyang saad kaya imbis umaktong nalulungkot sa sinapit namin pareho ay napabulyaw ako.
"I'm not crying, you jerk!"
"Not crying my ass! Huwag ka kasing hihikbi-hikbi!"
"Hindi naman, ah?!"
"Tssk! Don't look at me with those pitiful eyes! Hindi ka naman lalabas kaya hindi kita kailangan bantayan 24/7!"
And just like that, I hit him hard. Iyong tipo na hindi lang siya naasar kundi kitang-kita ko ang irita at inis niya.
Kulang na lang ay saktan ako para mailabas. Tatawa-tawa akong tumakbo sa kotse.
Nang nasa restaurant, nagtitipa ako sa harap ng computer nang may customer na pumasok at diritsong naupo sa table na kaharap ko.
Parang nahugot ko ang hininga ng magtagpo ang paningin namin. Tila lahat ng inipon kong galit at inis ay muling nabuhay.
"What the hell are you doing here?!" Bulalas ko dahilan para mapatingin sa'kin ang ibang customers.
Napapahiya akong napapikit, idagdag pang nang-aasar na ngumisi sa'kin si Atticus at nang-aakit na dinilaan ang gilid ng labi saka sumipol.
Ang walanghiya! Ang lakas ng loob niyang magpakita pa sa'kin matapos ng ginawa niya.
God knows how much I wanted to hit him, I want to strangle him till death. Lumabas si Edcharl mula sa private room ni tita at laking-gulat ko nang dumiritso siya sa table ni Atticus.
Wait what?!
Naupo sila doon at nag-usap, seryusong-seryuso si Edcharl at ganun din siya. Unang beses ko siyang nakita na ganun kaseryuso.
Nakasuot siya ng plain white shirt at khaki pants, black sneakers at ang itim na buhok ay maayos na nasuklay.
Nang bumaling siya sa'kin ay para akong malulunod sa asar. Ngunit walang pinagbago ang ekspresyon niya. Seryuso at malalim pa rin ang tingin. Animo'y pinag-aaralan akong mabuti.
"Evergreen," rosing to his feet, Edcharl called me. "Come here, Atticus wanna talk to you."
I badly wanted to protest. I felt my feet rooting to where I stand and my face creased.
Hindi ko yata kayang tagalan ang nakakainis na presence ni Atticus. Hindi ko alam kung ano ang pinagusapan nila. Nakatutok lamang silang dalawa sa'kin.
"What?!" Paasik kong tanong.
"Come on, he wants to talk."
"Can't you see I'm busy?"
"Tulips, ngayon na."
The authority at my uncle's voice gave me chills. Truth be admitted, he's sometimes so scary. When he turned serious, all you should do is to follow him otherwise, you're dead.
I saw the wide curve at Atticus' lips when I obliged. Prente siyang nakaupo sa upuan kaharap ko, nakakaasar ngang nagagawa niya akong titigan ng matagal na parang wala lang.
Habang ako ay iba't-iba ang nararamdaman. There's this annoyance and bitterness, and in split second, I would get conscious of my looks. I suddenly felt nervous when we're left alone.
I bit my lower lip when our eyes met. Taray na taray ako habang siya'y may malawak at cool na ngisi.
"Morning," bati niya.
Agad akong sarkastikong napatawa at inis na sinalubong ang tingin niya. Galit lang ako, kaya ganun na lang siguro kabilis ang kabog ng dibdib ko. Pilit kong nilalabanan ang titig niya.
"How thick of your face is, that you'd managed to still show up to me."
Nanunumbat ang tuno ko, galit at alam kong hindi ko kakayaning kontrolin ang bunganga.
But he just raised a brow, as if what I said didn't affected him at all. Ngumisi siya lalo at tuwang-tuwa sa akin.
"Calm down, yesterday was enough," he said. "I'm here not for an another fight, but if you insist, then let's duel through words, honey."
"Kingina mo!" Agad naputol ang litid ng pasensiya ko.
"I came here to settle this mess, and you better cooperate." His voice was demanding.
"Bakit parang ako pa yata ang kailangan sumunod?"
"Ikaw naman talaga, I'm doing you a favor so you better cooperate."
"Anong ako? Baka ikaw? Nakalimutan mo na ba ang ginawa mo ha?!" My voice raised.
But he only smirked, cunningly. And with a voice so sharp, he spoke.
"I did nothing wrong, but you did something terrible. And the only way to settle it is through a deal."