Kung bakit kasi nag-train pa kami at kung bakit kasi may gana pang mag-brown out ng Meralco ay hindi ko na alam. Like, seriously?
"f**k. Maaga pa parang gusto ko na magwala. Lintik na buhay 'to, oh!"
Impit na sigaw ni Edcharl at gusot na gusot ang mukhang napahilamos. Isang oras din ang tinagal ng brown out kaya ang labas tuloy, pareho kaming napagalitan ng guard.
Five minutes before the end of the first subject nang dumating ako. Hiyang-hiya akong pumasok at pikit-matang tinanggap ang pagalit sa'kin ng gurong in charged sa'min.
"Exam na exam, late ka miss Saldivar? Marami rin kaming sinusunod na schedule at marami rin kaming trabaho pero hindi nale-late. Dahil may disiplena kami, 'yan ang kulang sa inyong kabataan…"
That was one hell of a lecture. After I received that lecture and embarrassment, I swore to myself that I'll change that bad habit.
Ang pagiging late. I don't wanna be late forever, maybe I really don't have self-discipline
"Bait ni Miss Corazon, binigyan ka ng extra time sa exam," nakangiting saad ni Yula.
We're now in the campus square, resting in a bench.
"Kinabahan nga ako, akala ko babagsak na talaga ako sa Math. Isipin mo, limang minuto na lang."
"Pinagpala ka. Pero kung ako 'yon, hindi kita pagbibigyan."
I looked at her with furrowed eyebrows. "Gusto mo akong bumagsak 'no? Sa'kin ka na nga nangunguha ng sagot tapos ibabagsak mo pa ako. Langya kang bwesit ka."
"Oo, para magtanda ka. Ikaw na yata ang number one sa pagiging late, Eve. Hindi man ako early bird pero at least hindi ako late."
"O edi ikaw na. Magkaka-ribbon ka ba niyan? Ikagaganda mo ba pagiging early?"
"Well, yes. Ikaw, ikinaganda mo ba pagiging late?" Bwelta niya at umirap.
Malalim akong napabuntong-hininga, tumayo na siya at nakipag-usap sa iba niyang mga kaibigan habang ako naiwang mag-isa.
Grabe, ang lupit talaga ng mundo sa'kin. Malas na nga ako, binigyan pa ng kaibigang peke tapos ang loner ko pa.
"Why is life so hard?"
Naiiyak akong napapikit, nagsibagsakan ang mga luha ko at para akong binibiyak sa sakit.
Chos!
Napasinghot lang ako at lutang na tumitig sa kawalan. Hanggang sa napakunot ako ng nuo, nagahip kasi ng mata ko ang taong pinakahuli kong gustong makita bago ako mamatay.
Like usual, he was surrounded by his friends. A girl with a beautiful blonde hair and red dress was even hugging his waist while another pretty and classy one's clinging in his arm.
Grupo nila ang pinakamaigay kahit malayo pa lang ito. Kagaya ng madalas mangyari, lahat bumaling sa kanila lalo na sa kaniya.
May mga bumati at nakisali sa grupo nila. Habang nanatili akong nakaupo sa bench, sa kaniya ang mga mata at hindi ko mapigilang magtaas ng kilay.
I've known Atticus Crusade Monte Grande since the past months. He's all over the news everyday, iyong tipo na dinaig pa niya ang mga modelo at artista naming kamag-aral sa kasikatan.
Para siyang woman magnet na kahit saan na lang may naaakit siya. Palagi siyang laman ng chismis at kung maglakad sa hallway 'kala mo anak ni mayor.
"Yabang, mukha namang pipitsugin." Maasim akong napa-irap at naglagay ng earphones.
Dito ko na lang hihintayin si Edcharl. Si Yula nakitili na sa mga ibang studyante na para bang nakakita ng celebrity. Like bruhh?
Ano ba'ng meron diyan kay Atticus? I'd rather prefer Aliston than him.
"Girl, tara doon! Makipag-close tayo kay T!"
Tumili si Yula sa tapat ko pero wala akong narinig. Nakita ko lang siya na nangingisay sa kilig.
"Eve, ano?!" Hinampas niya ako sa braso.
"Lintik lubayan mo nga ako!" singhal ko.
Napa-ismid siya sabay irap sa'kin.
"Bahala ka, mag-isa ka rito! You're missing the chance, Eve. Atticus na 'to o, nangangamusta siya roon!"
"O tapos? Bakit tatakbo ba siyang mayor? Mabuti sana kung may ayuda in advance," bara ko sa kaniya.
"Ewan ko sa'yo, Evergreen. Basta ako gagawin ko lahat mapansin lang ni Atticus. Kahit minsan niya lang ako masulyapan, okay na ako ro'n."
Ngumisi siya kaya tamad kong tinanggal ang earphone ko.
"Alam mo ikaw." I pointed her. "Apaka tanga mo!"
"And why?!"
"Tinatanong pa ba 'yan? Tignan mo nga oh."
Tinuro ko ang pinagkakaguluhan ng lahat sa 'di kalayuan. Akala mo naman kagagaling sa live concert kung dumugin ng fans.
"Napakaraming dumadagsa sa kaniya tapos alam mo namang mas malantod pa 'yon sa higad, masasaktan ka lang diyan."
Pinandilatan niya ako ng mata. "You don't understand."
"No, you don't understand. How could you be so pathetic?"
Biglang umasim ang mukha niya sa huli kong sinabi. Doon ko lang napansin na medyo offensive pala 'yon.
But duhh? Truth hurts kaya.
"What did you say?!" She exclaimed.
Napa-ngisi ako at nag-aalangang nag peace sign. "I mean, how could you be so faithful to that man?"
"Pathetic? Look who's talking? Me, pathetic? How about you, habol ka rin naman nang habol kay Aliston ah," banat niya.
"H'wag ka magalit, lukso ng dugo lang 'yon."
"Lukso ng dugo mo mukha mo!"
Duuh? Saka hindi naman ako naghabol kay Aliston, crush ko lang yun pero 'di ko naman dinumog, 'no.
"Sige na, alis ka na. Makipag-close ka na lang doon kay Atticus," pagtataboy ko sa kaniya.
Binato muna niya ako ng masamang tingin bago siya umirap at umalis. Tignan mo nga naman, may sayad na ata siya.
I watched her approach the messy group of Atticus and in no time, she has blended in.
Malalim akong napabuntong-hininga at tumayo, makaalis na nga lang. Nabubwesit ako kapag nakikita ko ang aroganteng ngisi ng taong dinudumog nila.
Like duuhh? Inaya pa ako, e hindi 'yon pasok sa standards ko. Char!
Hinintay ko si Edcharl sa labas ng building nila para makauwi agad kami kapag lumabas na siya.
Saktong malapit lang sila sa engineering building kaya naligaw pa'ko do'n. Pagala-gala ako sa mga floor and guess what, I'm trying to find my destiny!
"Miss, may hinahanap ka?" Tanong sa'kin ng isang gwapong lalaki.
Sa tingin ko mas matanda lang siya ng kunti kay Edcharl.
Pansin kong kanina niya pa ako tinitignan kaya malaki ko siyang nginitian. Crush yata ako.
"Oo e, iyong Mr right ko," bungisngis kong sagot.
"Mr right mo? Bakit, ikaw ba si Ms right?"
"Hindi, wrong ako kuya. Kaya ko siya hinahanap kasi siya ang right sa wrong kong buhay," banat ko kaya napatawa siya bigla.
Parang sira.
"Then you're not compatible, he's right and he couldn't be fated to someone wrong." Aba English.
"You're wrong, kuya. Compatible po kami, because Aliston is the positive charge while I'm the negative. Same charges repel each other and different charges attract each other. So we're compatible po."
Confident pa ako habang nagsasalita pero ang kaharap ko natahimik na. Ilang minuto niya akong tinitigan bago siya unti-unting nagpigil ng tawa.
Eh? Nag-joke ba ako?
"Ba't ka nag-name drop? Nalaman ko tuloy kung sino 'yan," natatawa niyang sabi.
Napakunot ako ng nuo. Name drop? Teka nga, sinabi ko bang—nanlaki ang mata ko nang may napagtanto.
Anak ng tipaklong naman o, yari!
"Oh my God…"
"May pa positive-negative charge ka pa ah."
Nasapo ko ang nuo. Inasar pa ako ng kaharap kong kuwago.
"Sandali, 'wag kang aalis. May papakilala ako sa'yo para matigil ka na kakagala. Kanina pa ako nahihilo sa'yo, e."
Bigla siyang pumasok sa isang classroom na hindi ko alam kung sa anong year.
Wait, sino papakilala niya? Hindi naman ako interesado, e. Sapat na sa'kin si Aliston.
Ilang minuto lang ang binilang at lumabas ulit ang kausap ko kanina pero may kasama na siya.
Ngingisi-ngising lumapit siya sa'kin sabay akbay. Nasiko ko agad siya sa sikmura. Aba't!
"Araay…" napa-atras siya at sinamaan ako ng tingin.
"Akbay agad? Bilis mo kumilos, a. Tsansing?"
"E kung batukan kita, may papakilala nga ako e." Feeling close rin 'to e.
"So required bang mang-akbay?" Bwelta ko.
Agad nagusot ang itsura niya, nag-mukha tuloy siyang panot.
"Arte nito," bulong niya.
Umirap lang ako at tinignan ang lalaking naka-maskara sa harapan namin. Like, seriously? Sino ba 'tong chonggo na 'to at pa-mysterious effect pa?
Wala man lang imik at tahimik kaming pinapanuod.
"Sino 'yan? Gwapo?"
I crossed my arms above my chest. Iyong lalaking katabi ko humalakhak na, habang ang kasama niya ay tumagilid ang ulo.
Napakurap ako. Bakit parang pamilyar ang body built? Matangkad, mestizo, maganda hubog ng katawan at mukhang yayamanin.
Napatingin ako sa lalaking katabi ko na hindi ko naman kilala. Ngumisi siya at minustra ang kamay sa kasama niyang walang imik.
"Kaibigan ko siya. Gwapo, matalino, mabait at malapit ng maging engineer," sabi niya.
"O tapos? Aanhin ko siya? Buti sana kung nakakain 'yang gwapo, matalino at mabait," pabiro kong sagot.
Pero ang totoo ay kanina ko pa ina-alala sa isipin ko kung sino nga ulit ang kahubog niya ng katawan.
Nagkatinginan kami ng ilang segundo bago ako natatarantang nag-iwas. May kakaiba sa titig niya. Bigla na lang akong kinabahan.
Tanging labi at dulo ng ilong niya lang ang kita pero hindi maikaka-ilang gwapo talaga.
"You guess."
"Mukha ba akong manghuhula?" Pambabara ko pa. Nag-iisip kasi ako. Magad!
"Taray, sino ka nga ulit?"
"Evergreen Saldivar."
Tumango siya at pinakilala ako sa lalaking nakamaskara. Lakas ng trip! Iyong maskara pa parang bagong pintura lang. But in all fairness, it was pretty manly.
It suited in his face and narrow jaw.
"Evergreen, my friend, Ali." Then he motioned his hand to me. "Ali, hinahanap ka. Mr right ka raw niyan."
Yari 'to sa'kin mamaya.
"Hindi siya 'yon, ungas!" Bwelta ko pero ngumisi lang siya sa'kin.
"And I'm Trist." And he left.
Napalatak ako at hindi makapaniwala siyang sinundan ng tingin. Wow, ganun na lang 'yon? After everything I've done to you? Iiwan mo rin pala ako sa ere?
Char!
"Hoy Trist! May sira ka ba sa ulo?" Inis akong napapadyak.
Aanhin ko 'tong si Ali?
As if on cue, I glanced at the man in front of me. Still standing like a statue and eyes all over me. I reached only until his adam's apple, kahit naka-three inches heels ako.
Nagtagpo ang mata namin at bigla na naman akong kinabahan. Parang bigla akong nahiya sa inasal ko kanina at awkward na napayuko.
"H-Hi…ahm…Evergreen."
I extended my right hand for a hand shake. I gulped when he just stared at it.
Aba, luko 'to ah. H'wag mo naman ako ipahiya, Ali!
I felt his lingering stares focused on my face and that was one hell of an awkward moment.
Akala ko hindi niya tatanggapin pero nang akmang ibababa ko na ang kamay ko, roon niya pa dali-daling inabot.
When our hands touched, we both jolted back. I felt my knees wobbled and my yes widened.
My heart took a sudden leap.
Nagkatinginan kaming dalawa at sabay napa-awang ang labi. I felt it…the electricity. I thought it's all just in novels but just now, I felt our connection in that brief handshake.
Parang pareho pa yata kaming nagulat at halos sabay napangiti sa isa't-isa.
"Ali…"
His deep baritone voice made me trembled more. He sounded like an angel sent from above. His voice was so manly.
Dahan-dahan niyang tinanggal ang magandang maskara at sinalubong ako ng palakaibigang ngiti.
My jaw literally dropped when I recognized the man in front of me. Suddenly, I wanted to thank Trist.
"Aliston Monte Grande. Nice meeting you, Eve."
And my eyes opened. Darn, I suddenly felt how air left my lungs. I giggled in glee that I threw all of my pillows, sa sobrang kilig.
Magad, Aliston!
--
I woke up early in the morning. I felt real energized and it's all because of what happened yesterday.
You guess what? Akala ko nagluluko lang si Trist at ipapakilala ako sa kung sino. But it turned out that he's an angel.
He introduced me to Aliston without hesitation!
Pero may isa pa akong problema, I have to make sure that he won't tell Aliston about my crush in him!
"Ito pa, tapos 'yan pang mga kaldero at prying pan tapos ang mga sandok."
Nilapag ni Tita ang mga pinaglutuan niya ng agahan namin sa tabi ko.
Marami pang tambak na pinggan na kailangan kong hugasan at sa normal na araw, nagdadabog na ako nito.
But not today, I am genuinely happy and the smile seems to cannot leave my lips.
"Wala na ba, 'yan lang Tita?" Masigla kong tanong.
"Kalma, 'yan pang mesa ligpitin mo tapos linisin mo ang lababo," saad niya pa at nagpunas ng kamay.
Malaki akong ngumiti at nag-hum ng kantang paborito ko. Para akong ewan pero hindi ko talaga mapigilang mangiti.
Hanggang ngayon, kinikilig pa rin ako. Para na akong shunga, hindi na ako high school pero 'di ko mapigilan, e! Ano ba?
"Wala na ba, Tita? Damihan mo naman, pati sa mga kapit-bahay natin huhugasan ko na rin!"
"Aba, aba."
Napa-pamewang siya at tinignan ako ng taas-baba. Her curious eyes turned into slits as she eyed me with doubts.
"Anong meron, Evergreen? Bakit parang mas gusto mo yatang maghugas na lang ng pinggan habambuhay? Dati umaga pa lang nag-tutulakan na kayo ng tito mo kung sino maghuhugas," she added.
I just smiled at her as I continued washing the plates swiftly.
"Ano trip mo? Ba't ka nakangisi? Para kang aso." Aba?
"Wala Tita, happy lang kasi Thursday na ngayon. Tapos bukas free na ako. Alam mo na!"
Bigla niya akong kinurot sa tagiliran kaya napatili ako. Anakng—kelangan ba talaga may kurot?
"Tita?"
"Baka naman dahil sa lalaki 'yan, Evergreen? Naku, makukurot kita. Humaharot ka ba sa school, ha?"
Ano? Ang lawak ng imagination ha. Nilingon ko siya ng bahagya.
"Masaya lang, humaharot na? Hindi pwede ngumiti? Hindi pwede maging masaya ng walang dahilan?" Sagot ko.
"Pwede, pero iba 'yan, Evergreen. Naku umayos ka, bata-bata mo pa humaharot ka na. Magtapos ka muna!"
Napaikot ako ng mata. Ganiyan ba talaga 'pag matandang dalaga? Maliban sa advance ng sampung beses ang utak, conservative masyado?
Am I not allowed to have a crush? She can't just compare me to her! I want to have children and I'm gonna chase my dreams first!
"Nag-aaral ako ng mabuti, Tita. Makikita mo."
"Siguraduhin mo 'yan, kapag hindi naku, makikita mo." Pinandilatan niya ako ng mata kaya napangiwi ako.
She left the kitchen with prodded lips and Edcharl Elvis replaced her. His brows immediately curled when he saw my wide smile. Creasing his forehead, he watched me carefully.
Para bang sinapian ako kung tignan niya. Isa pa 'tong bwesit na 'to, e. Dami kong naipon na sama ng loob dahil sa kaniya.
"Wow. How I wish you're like this everyday," sabi niya agad.
Tignan mo nga, napa-english sa sobrang pagkamangha.
"Para hindi ka na makapag-hugas, ganun? Ngayon lang 'to, ungas!"
"Then lulubus-lubusin ko na." Nakangisi niyang nilapag ang baso na ginamit sa tabi ko.
Tapos ay kumuha siya ng bago at nag-tooth brush ulit. Wow, kita niyo 'yon?
"Edcharl Elvis!" Kulang na lang batuhin ko siya ng baso sa inis.
Habang siya tatawa-tawa na nagmumog at kumuha naman ngayon ng pinggan. Like seriously?!
"Edcharl Elvis Saldivar! Isa pa! Babasagan na talaga kita ng bayag!"
Inis kong bulyaw sa kaniya. Kaka-tooth brush niya lang ta's kakain ulit? Para lang dumami ang huhugasan ko?!
Talaga ba, Elvis? Nagsasaya ka riyan? Masaya?
"Lulubusin ko na, Eve. Kasi mamaya alam kong——"
"Putik! Lumayas ka na kung hindi babalian kita ng tadyang!"
"Kalma. Kakain ako, e."
"Alis na sabi, e!"
Kumuha ako ng tabo na may tubig at akmang babasain siya pero agad na siyang kumaripas ng takbo.
Tawang-tawa pa ang luko. Napabuga ako ng hangin at wala na, sira na naman ang araw ko.
--
"Evergreen, dalian mo naman! Late na tayo para ka pang nagma-march diyan!"
Patakbo akong lumabas ng bahay at agad humabol kag Ed. Maaga pa ako gumising para hindi ma-late pero putspa, paanong late pa rin ako?
"Nandiyan na!"
"Iyong bag mo, tanga!"
Hinagis niya ang bag ko papunta sa'kin dahil pinabitbit ko sa kaniya kanina. Agad ko iyong sinalo at sumakay sa shotgun seat.
"Seatbelt, Eve," paalala niya.
"Oo. Tapos na, tito."
"Umayos ka, bibigwasan kita."
Agad akong lumayo kahit hindi naman kaya kasi saan naman ako uusog? Duuh?
Pinukol niya ako ng masamang tingin pero hanggang tingin na lang siya. Ngumisi ako at inabot ang stereo para sa music.
Pagkarating sa school, hindi na niya ako naihatid dahil male-late na raw siya sa una niyang sched.
Para namang kailangan pa 'yon.
"Wala naman akong sinabi na ihatid mo 'ko. Nag-volunteer ka, remember?"
Maarte kong sabi. Mahina niya 'kong sinampal bago tumalikod ng walang imik. Asar na asar na naman.
"Eve, samahan mo 'ko sa rest room. Masama pakiramdam ko, e."
Patapos na klase namin nang humawak si Yula sa'kin. Nakahawak siya sa tiyan at puson at namumutla.
"May sakit ka ba? Bakit sa restroom, 'di ba dapat sa clinic?" Tanong ko.
Agad siyang pairap na tumingin sa'kin sabay kuha ng bag niya. Suplada at walang emosyon niya akong tinignan.
"May diarrhea ako, tanga. Ano gagawin ko sa clinic? Doon ako magkakalat?"
"Why not try? May restroom sa clinic, tanga!" Banat ko rin.
Sarap itulak habang pababa kami ng hagdan. Nasa likuran pa naman ako.
Hindi na siya nakasabat dahil sa sakit ng tiyan.
"What's wrong with her? Why is she so pale?"
Nakasabay namin si Terrence pababa kaya kitang-kita niya paghihirap ng kasama ko.
"Kinarma siya, manga kasi," sagot ko lang.
Terrence's forehead immediately creased. Tignan mo 'to, ang hina ng pick up. Manga lang, e. Manga-gantsu.
"Manga?"
"Manggagamit," nakangiting sagot ko kaya ang naghihirap na si Yula ay masama akong tinignan.
"May araw ka rin sa'kin, Evergreen. Just you wait—arg! Bwesit na tiyan 'to!"
Bigla siyang tumakbo kaya naiiling na sumunod ako. Mabilis akong nagpa-alam kay Terrence at tumakbo rin.
In the end, we ended up in the clinic because she needed medicine. I was right all along, if only she listened to me right away. Sana hindi na siya naghirap pa.
Pinagpahinga muna siya ng nurse pagkatapos uminom ng gamot at na-excuse na rin siya sa klase.
"Anyare?"
Napasugod din tuloy si Edcharl sa clinic dahil akala niya ako ang dinala.
"Si Yula kasi, tinamaan ng bala sa ulo. Sabog pati utak kaya ayon, nakaratay," pahikbi ko kunwareng sagot kaya napakunot siya ng nuo.
"Ha?"
Loading siyang napatingin sa'kin at wala na namang maintindihan. Hay, Ed. Napakatalino mo!
"Bwesit ka, Tulips. Naririnig kitang lintik ka! Dinadalaw ka na naman ng ka-abnormalan!" Si Yula na natatakpan ng makapal na kurtina.
Edcharl looked at me flatly, sa itsura niya halatang asar na asar na naman kaya ngumisi ako.
He lazily shook his head and pulled the curtains to the side. Bumungad si Yula na nakahiga sa kama at namumutla pa rin.
"How do you feel now? Masakit pa ba tiyan mo?"
Tanong niya sa kaibigan ko sa malambing na boses. Tignan mo 'to, 'pag sa iba ang bait-bait pero 'pag ako ang sungit.