"F*CK! Bakit ba ang dulas ng gag●ng iyon kay kamatayan?! Darn!" Kuyom ang kamaong ngitngit ni Joseph. "Ang sabihin mo ay talagang dumarami na ang handang nagpakaatay alang-ala sa kaniya, pinsan. Sa palagay ko ay kailangan muna nating mag-lay low. Kumbaga let them lower their guard down," saad naman ng isa pang demonyo na si Matthew. "Isa pa iyan sa dahilan kung bakit gustong-gusto ko siyang mawala sa mundo, cousin. Dahil habang tumatagal ay mas dumarami ang alipores ng gag*ng iyon. Hindi mo ba napapansin si Uncle William? Madalas nitong ipagtanggol kina Papa at Uncle Andrew ang lintik na iyon. Ibig sabihin ay naguyo na rin," giit niya. "Imposible iyan, cousin. Alam nating lahat kung gaano kalapit ang mga magulang natin at si Uncle William---" "Pinsan Matt, don't get me wrong in cuttin

