Chapter 5: Her doctor
HINDI ko namalayan na nakaidlip na pala ako. Nagising lamang ako dahil sa malambot na tela na dumadampi sa aking pisngi. Kinusot-kusot ko pa ang mga mata ko dahil nanlalabo pa kasi. May naanigan ako na isang tao sa tabi ko
“How’s your feeling, sweetheart?” Sa boses pa lamang niya ay nakilala ko na kung sino siya. Sa endearment na ginamit niya rin para sa akin.
“H-Hindi ka pa umuuwi?” nagtatakang tanong ko at muli lang dumampi ang malambot na bagay sa pisngi ko. Pinupunasan niya ako ng maaligamgam na tubig.
Nang sinubukan kong bumangon ay napadaing lamang ako. Ang bigat ng katawan ko na parang ngayon ko lang talagang naramdaman ang pananakit nito at masama rin ang pakiramdam ko. Ngayon pa talaga ito nangyari sa akin.
“Huwag ka munang bumangon,” pagpipigil niya sa akin at muli niya lang akong inihiga.
“Nauuhaw ako. Water, please,” ani ko at inalalayan niya muna akong makaupo sa kama. Nilagyan pa niya ng unan ang likuran ko at huminga ako nang malalim.
“Here, sweetheart.”
“Stop calling me that,” ani ko at kinuha ko ang basong tubig. Kahit ang boses ko ay masyadong mahina. Napahilot pa ako sa sentido ko dahil kumikirot ito. Inaapoy nga ako ng lagnat.
“Nagluto ako ng soup mo. You need to eat first para makainom ka na rin ng gamot mo,” sabi niya at tumayo pa siya kaya hinila ko ang laylayan ng suot niyang itim na t-shirt. “Do you want something, Gotchelle?” he asked me. Bakit ba ang lambing ng boses niya?
“Nasaan si Mama? Bakit ikaw ang nagluluto ng soup ko?” tanong ko. I didn’t know that he can cook too.
“Umalis kasi kanina ang Mama mo. Sinabi niya sa akin na magpahinga muna raw ako sa loob ng kuwarto mo at nakatulog naman ako sa tabi mo pero naramdaman ko na lang na mainit na ang katawan mo. Nilalagnat ka nga, sweetheart. Hanggang ngayon ay hindi pa nakababalik ang Mama mo kaya pinakialaman ko na ang kusina ninyo.” Ang haba ng paliwanag niya. Psh.
“Bakit hindi ka pa umuwi?”
“I want to take care of you. Wala kang kasama sa bahay ninyo, eh.”
“Marami kaming kasambahay rito. Sinabihan mo na lang sana sila. Naabala tuloy kita,” ani ko.
“Hindi ka nakaaabala sa akin, Gotchelle. Dito ka na muna. Kukuha muna ako ng soup mo,” paalam niya sa akin at nang bumalik naman siya na may dala ng lugaw ay siya pa ang nagpakain sa akin. Sinubuan niya ako kahit kaya ko naman ang sarili ko.
“Bakit ginagawa mo ito, Joavani?” I asked him dahil sa pabigla-bigla niyang pag-aalaga sa akin. Kahit hindi pa talaga kami magkakilala. Mga pangalan lang naman ang alamat namin.
“Bakit masama ba ang alagaan ko ang mapapangasawa ko, Miss?” nakataas ang kilay na tanong niya sa akin na ikinabuntong-hininga ko.
“Alam mong masasaktan ka lang sa akin,” sabi ko.
“Dahil sa ex-boyfriend mo? Dahil una mo siyang minahal at wala ka pang nararamdaman sa akin?” tanong niya pa na tinanguan ko. “Okay lang. At least ako pa rin ang nakauna sa ’yo kahit hindi naman talaga iyon importante pa sa akin,” sabi niya at kinuha niya mula sa akin ang basong wala ng laman.
“Bakit gusto mo pa rin akong pakasalan kahit may ibang lalaki akong minamahal?” laban ko sa kanya.
“Puwede mong kalimutan ang nararamdaman mo sa kanya, Gotchelle,” seryosong tanong niya sa akin.
“At bakit ko naman gagawin iyon?” malamig na tanong ko sa kanya. Hindi niya ako puwedeng sabihan ng ganoon-ganoon lang. Dahil hindi niya alam na mahirap kalimutan ang nararamdaman mo para sa isang tao.
Hindi ganoon kadali na isuko mo na lamang ang pagmamahal mo sa kanya.
“If he really loves you. Kaya ka niyang ipaglaban from your parents. Kung totoo nga ba talaga ang pagmamahal niya sa ’yo ay hindi ka niya hahayaan na sumama sa ibang lalaki. Pero wala naman siyang nagawa. Hinayaan ka lang naman niya kaya hindi siya worth it na mahalin mo. Ibaling mo na lamang iyan sa akin. I can take care of you, Gotchelle.”
“Pero hindi kita mahal,” mariin na saad ko.
“Kayang turuan ang puso, sweetheart,” giit niya sa akin na inilingan ko.
“Hindi kaya. Akala mo naman ay madali!” sigaw ko sa kanya.
“No, madali lang naman iyon, eh. Subukan mo na akong mahalin, Gotchelle. Dahil iyon na rin ang ginagawa ko para sa ’yo. I want to work this relationship. You’re gonna be my wife soon, my Mrs. Lourdes. Hindi mo na rin puwedeng tanggihan pa iyon. Dahil pananagutan kita. Remember that I already claimed your body. Sa akin ka na rin, Gotchelle Ramirez,” malamig na sabi niya at bayolenteng napalunok ako.
Parang hindi maganda ang galitin siya dahil nakikita ko ang dark aura niya. Ganito pala talaga siya kung magalit. Masyadong malamig at seryoso.
“Paanong nangyari na ikaw na ang kasama ko at hindi na si Marjon?” curious kong tanong sa kanya.
“Someone pushed you at sinalo lang kita dahil baka mawalan ka nang balanse tapos bigla mo rin akong hinila palabas kaya nagpaubaya na rin ako. Umuwi tayong dalawa at dinala kita sa suite ko. The most important thing you did, ikaw mismo ang nagtulak sa akin sa kama at kinubabawan mo pa ako. Kaya naging marupok na ako nang hinalikan mo na ako.” Muli akong napahilot sa sentido ko.
“Bakit ang haba ng paliwanag mo? Sumasakit ang ulo ko sa ’yo,” ani ko.
“Kasi mahaba talaga ang paliwanag,” pilosopong sagot niya sa akin na basta na lamang humiga sa tabi ko.
“Hindi ka ba hinahanap sa inyo, Joavani?” tanong ko.
“Wala pa akong asawa na maghahanap sa akin. Kaya pakasalan mo na ako agad para may maghanap na rin sa akin, sweetheart,” malambing na sabi pa niya at sinapo pa niya ang pisngi ko.
Tinitigan ko ulit ang guwapong mukha niya. Hindi ko talaga maiwasan ang isipin ang mga sinabi niya tungkol kay Marjon at kung totoo ba ang pagmamahal nito sa akin. Dahil na-realize ko na tama naman talaga siya sa puntong iyon.
Kung mahal talaga ako ni Marjon ay ipaglalaban niya ako sa mga magulang ko at hindi niya ako hahayaan na gawin ang nangyari kanina. Ni hindi man lang niya ako pinigilan at hinayaan na sumama na lang ako kay Joavani. Dapat talaga ay may ginawa siya.
“Pero mahal ko talaga siya...” mahinang bulong ko.
“Kaya kong maghintay sa ’yo, Gotchelle. Alam ko na makukuha ko pa rin ang puso mo. Hindi man ngayon but soon,” sabi niya at pinatakan nang marahan na halik ang pisngi ko.
“Bahala ka...”
“Ipakikila muna kita sa mga kaibigan ko,” sabi niya. Nang sipatin ko naman ang digital clock ko ay 7:10 na nang gabi. Talagang mahaba-habang oras ang tulog ko kanina.
“Kumain ka na ba?” mahinang tanong ko at nakita ko pa ang dahan-dahan na pagngiti niya. “Don’t assume too much, Joavani,” I added. Hindi naman puwedeng ako lang ang inaalala niya.
“Mamaya na ako kakain. Patutulugin na muna kita. May sakit ka, eh. Iyak ka nang iyak kanina. Tapos isama mo pa ang over fatigue mo dahil sa seminar ninyo. Then may ginawa pa tayo. Kaya hindi na nakayanan pa ng katawan mo. Ito talaga ang advantage sa pagkakaroon mo ng boyfriend na doctor. May nag-aalaga sa ’yo.”
“Hindi naman kita boyfriend. Pss,” masungit na saad ko sa kanya at hindi ko na siya gaano pa pinansin dahil dinalaw na ulit ako ng antok.
The next morning ay wala na siya. Akala ko nga ay umalis na siya ng hindi man lang nagpapaalam sa akin pero may iniwan siyang sticky note na idinikit pa talaga sa noo ko kaya noong pumunta ako sa banyo ko at manghihilamos na sana nang makita ko iyon.
“I’m leaving now, sweetheart. Bumaba na kasi ang lagnat mo. Take a rest muna. See you later.”
-Joavani Enriquez Lordez
Napanguso ako nang makita ko ang penmanship niya. Sobrang ganda, mas maganda pa yata ang sulat kamay niya kaysa sa akin. Dahil siguro doctor siya pero madalas ay hindi naman talaga ganito ang kagandahan ang hand writing kapag doctor na. May mga ganoon naman talaga, eh.
Napatutop ako sa aking dibdib. Dahil sa lakas nang kabog nito. Napatikhim ako at naligo rin naman ako after that kasi pinagpapawisan na rin ang katawan ko kaya alam kong magaling na rin naman ako.
Pinili ko ang dark blue na office attire ko at mabilis din akong nag-ayos. Nang makababa na ako ay si Mama agad ang sumalubong sa akin.
“Kumusta ang pakiramdam mo, anak? Napagod ka yata kahapon kaya nagkasakit ka,” sabi niya at hinipo pa niya ang noo at leeg ko.
“Okay na po ako, Mama. Saan po ba kayo nagpunta kagabi at bakit si Joavani ang naiwan sa bahay para bantayan ako?” naku-curious kong tanong.
“May pinuntahan lang kami ng iyong ama,” sagot niya.
“Kahit si Eige po ay wala,” usal ko.
“Hayaan mo na iyon, Gotchelle. Ang mahalaga ay kasama mo naman ang fiancé mo. Doctor din siya kaya kampante naman kami na siya ang kasama mo.”
“Pero naabala pa rin po natin siya, `Ma,” ani ko.
“Halika na, nakapaghanda na ako. Kumain na tayo ng agahan, anak.” Nagpahila na lamang ako sa Mama ko sa dining room.
Nandoon na rin sina Papa at ang nakababata kong kapatid. “Oh, Ate. May sakit daw po kayo kagabi? Dahil ba iyan sa seminar ninyo?” tanong sa akin ni Eige.
Ginulo ko lang ang buhok niya at umupo sa kanyang tabi. Pinagsandok ko pa siya ng fried rice sa plato niya.
“Kumain ka na lang diyan, Eige,” ani ko at inilapit naman niya sa akin ang cup of coffee.
“Kasama mo rin daw ang fiancé mo,” he added.
“Just eat, Eige. Good morning, Papa,” baling ko naman kay Papa na tahimik lang nanonood sa amin.
“Morning, anak. Okay na ba ang paki mo?”
“Opo. Medyo maayos na rin po,” sagot ko na sinabayan ko pa nang pagtango.
“Kumusta naman si Joavani? Mukhang nagkakamabutihan na kayo, Gotchelle,” aniya.
“Opo, `Pa,” sagot ko lang. Kasi iyon na nga ang mangyayari pa. Kailangan na maging maayos ang relasyon namin.
Sa tingin ko...hindi naman masama kung pagtutuunan ko na lamang ng pansin si Joavani, ’di ba? Hindi naman siya masamang tao, kasi doctor iyon at nakita ko na rin mismo ang pag-aalaga niya sa akin.
“I will talk to his parents para sa family dinner natin, anak.”
“Sa tingin ko po, Dad. Hindi na po kailangan na nandoon ako. Kahit kayo na lamang po at pag-usapan ninyo na rin po ang engagement party,” ani ko na tinanguan niya lamang.
“Buo na talaga ang pasya mo, Ate? Magpapakasal ka na kay Joavani?” tanong ng aking kapatid.
“Oo. Hindi ko man lubos na kilala si Joavani ay alam kong mabuting tao naman iyon,” sabi ko.
“Mabuti ’yan, anak,” sabat naman ni Mama.
“Kumain na lang po tayo, Mama, Papa,” ani ko.
Pagkatapos naming kumain ng breakfast ay sabay naman kami ni Eige na nagpaalam sa mga magulang namin. Nang nasa labas na nga kami ay nakita namin ang paghinto ng isang pamilyar na sasakyan.
“Si Kuya Joavani yata iyan, Ate Gotchelle.”
“At ano naman kaya ang ginagawa niya rito?” nagtatakang tanong ko.
Bumukas ang pinto sa driver’s seat at ang sumalubong agad sa amin ang matamis niyang ngiti. May dala pa siyang punpon ng bulaklak.
“Good morning,” bati niya sa amin at dahan-dahan naman siyang naglalakad patungo sa aming direksyon. “Hey, Eige. Papasok ka na ba sa university ninyo?” tanong niya.
“Oo, Kuya. Sinusundo ninyo po ba ang ate ko?”
“Yeah. Hindi muna siya papasok ngayon sa trabaho niya dahil baka mabinat siya. Pero isasama ko muna siya sa labas,” sambit niya.
“Ah, sige po. Mauna na ako, Ate. Ingatan mo siya, Kuya.”
“Sure.” Isang mahinang tapik ang ginawa niya sa aking kapatid.
“Ingat ka, Eige.” Kumaway lang siya sa akin bilang tugon at lumipat na ang tingin ko kay Joavani.
Humalik pa siya sa pisngi ko saka niya ibinigay sa akin ang bouquet. Kinuha ko naman iyon at tinanggap. “Hindi ka muna papasok ngayon sa kompanya ninyo.”
Nagsalubong lang ang kilay ko. “Ayoko. Magaling na ako at kailangan kong pumasok ngayon sa company. Marami akong trabaho na naiwan sa opisina namin,” ani ko pero umiling lamang siya sa akin.
“No, no. Hindi puwede, Gotchelle. Sa akin na muna sasama. Let’s go.” Sabay nila niya sa aking kamay.
“Joavani...” Binuksan niya ang pintuan ng sasakyan niya.
“Sige na. Naghihintay na sa atin ang mga kaibigan ko. Gusto ka nilang makilala bago ang kasal, eh,” sabi niya.