Tulala ako kahit nang pumasok ako sa klase. Hindi ko pa rin maproseso sa isip ko na may nangyari na pa lang ganoon sa kumpanya ni Kuenzier habang nagpapakasaya kaming dalawang magkasama. "T-tine..." Ani Vergeire at hinawakan ang kamay ko. Nilingon ko siya at nakita ang pag-aalala sa mga mata niya. "Did you saw the news?" Tanong niya maya-maya na inilingan ko lang. Masyadong maraming umaabala sa isipan ko para manood pa ng balita. 'Ni hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong gawin o kung pwede ba akong makatulong. "Kinasuhan ang FEC dahil sa nangyari sa Makati," Saad niya na nagpatigagal sa akin. Nanghina ang buong katawan ko dahil sa narinig. Salo-salo ang nararamdaman ko ngayon dahil sa problemang kinakaharap nina Kuenzier. Hindi ko alam kung sino ang dapat masisi, ako o sila?

