By Michael Juha getmybox@hotmail.com ------ Sapul. Tumama ang bala ng baril sa dibdib ni Yuni na tumagos sa kanyang puso. Natumba ang prinsipe. Nakahandusay sa damuhan. "Yuniiiiiiii!!!" ang sigaw ni coach nang nakita niya ang pagbagsak ng katawan ng prinsipe! Tarantang nilapitan niya si Yuni. Kinandong niya ito at hinawakan sa kanyang mga bisig ang pang-itaas na katawan ng prinsipe. Habang naghihingalo si Yuni, natumba rin si Hilda at naghingalo. "Iyke... m-masaya ako na nakilala kita at n-nakasama... Ang pagkrus ng ating mga landas ay ang pinakamasayang alaala na babaunin ko…" ang pilit na pagsasalita ng prinsipe habang pilit na inabot ang mukha ni Iyke. Nang naabot na ng kamay niya ang mukha ni Iyke ay hinaplos niya ito. "Ingatan mo ang pulseras na bigay ko. Kahit anong mangyari
ดาวโหลดโดยการสแกนรหัส QR เพื่ออ่านเรื่องราวมากมายฟรี และหนังสือที่ได้รับการอัปเดตทุกวัน


