By Michael Juhagetmybox@hotmail.com ------ Itinuloy nila ang kasiyahan. Nagkainan at nagkuwentuhan. Halos hindi maisalarawan ang tindi ng kasiyahan nadaraama ni Iyke sa sandaling iyon. Ganoon din ang kanyang inay at ang kanyang bunsong kapatid. Subalit, lingid sa kaalaman nilang lahat, may isang taong lihim din na nalungkot. Si Yuni, ang prinsipe. Sumagi sa isip niya na iyon na ang simula ng paghihiwalay ng kanilang landas ni Iyke. Maliban dito ay maaaring iyon na rin ang katapusan ng kanyang pagiging mortal at babalik na siya sa kanilang kaharian. At si Iyke, mabubura na rin sa kanyang alaala ang pagtagpo ng kanilang landas. Hindi na niya maalaala pa ang prinsipe. Hindi na rin niya maranasan pa ang pagiging mortal, ang kakaibang kasiyahan ng pagiging mortal, ang ibang klaseng galit na

