ETHAN DE MERCEDES “MAHAL KO, MAGKITA tayo mamaya sa dating tagpuan. 7 PM.” Natapos kong maipadala ang mensahe sa babaeng mahal ko ay nakaramdam ako ng kasagaan. Akala ko ay hindi ko magagawa iyon. Pero nakayanan ko! Kailangan na namin magpag-usapan ang problema para klaruhin ang lahat sa amin. Aaminin kong hindi ko rin naman gustong makipaghiwalay sa kanya dahil sobrang mahal ko siya. Ang gusto ko lang ay maintindihan niya ako at ang trabaho ko. Maunawaan din niya na minsan hectic talaga ang schedule ko. Kasi hindi biro ang pagiging isang CEO. “Expect me to come, mahal ko. Sorry,” si Winter. Nang nabasa ko ang reply sa akin ng babeng mahal ko ay napabuntonghininga na lang. Kinikilig lang ako na ewan. Hindi ko mapaliwanag ang labis na saya na nararamdaman ko. Ang buong akala ko ay hindi

