Agaw-Tanaw (Pangalawang Bahagi) Sa totoo lamang, komplikado ang mekanismo na nagbubukas at nagsasara sa lihim na lagusan ng pangawan na nasa ilalim ng kutang simbahan. Nagkataon lamang na ang huling nilalang na nagbukas at nagsara nito, bago pa ito natuklasan ni Lea, ay nakalimutang ibalik sa pagkakapihit ang munting larawan ng nagtutunggaliang demonyo at ang Arkanghel MikalAnghelo. Maaaring naibalik sa tamang posisyon ang bahagi ng sahig na inaapakan upang magbukas-sara ang lihim na pinto sa dingding, subalit hindi naibalik sa wastong posisyon ang pintang larawan. Kaya ang henyong lumikha ng mekanismong ito'y may isang paraan upang matiyak niya na sinumang sasamantalahin ang pagkakaawang ng pinto ng lihim na lagusang ito'y tiyak mahuhulog sa patibong na kaniyang ginawa, tulad n nabanggit

