Balik-Simbahan Malapit na ang Orasyon nang makabalik sa kutang bato sina Padre Aquino at Arvin, sakay ang motorsiklo, nakapasok sa pinakasentro nitong patyo sa harapan ng Simbahan ng San Agustin. Sa loob-loob ng pari, “Sino ang kakalembang ng batingaw kung wala naman si Damian?” Mabigat ang kaloobang bumaba si Padre Aquino sa motor pagkatapos na maunang bumaba ang kaniyang angkas na si Arvin. Dahil tumila na rin ang ulan at malapit na ngang mag-ikaanim ng gabi, sinalubong sila ng ilang magsisimba na naghihintay sa pangunahing lagusan ng simbahan, taimtim na naghihintay sa pagbukas ng malaking pinto nito upang makapagdaos na ng karaniwang araw na misa na pang-alas-sais. Subalit malayo pa ang pari sa kanila’y inawat na sila ng kura paroko. “Mga kabaryo, paumanhin po muna ninyo, subalit hin

