Ang Paggising ng Muslak: ang Katawan, ang Kinatawan, at ang Pinangangatawanan Ang kabataan ang pag-asa ng bayan. Ang anak ang pag-asa ng magulang. At kung ang pag-asa na ito ang kumakatawan sa relasyon ng isang anak sa kaniyang magulang, o ng kabataan sa kaniyang magulang, lumalabas lamang na may mabigat na bagay na nakaatang sa mga balikat ng naturang anak, sa mga balikat ng naturang kabataan. Ang pag-asa. Bilang kinatawan ng nasabing relasyon ng isang anak sa kaniyang magulang, ng kabataan sa kaniyang bayan, ano-ano ang katangiang mayroon ang pag-asa? Una, ang katangian na maging mapagpasensiya. Mapagpasensiya ang pag-asa sa dahilang iginagalang nito ang relasyon ng anak at magulang, ng kabataan at bayan; at nagsisimula sa pagpapasensiya at paggalang na ito ang pagiging maunawain

