Habang tila napapasailalim sa isang uri ng gayuma ang asawa ni Arvin na si Lea, tuloy pa rin ang pagbaba nito sa spiral na hagdanan na kaniyang natuklasan na nakapaloob sa likod dingding sa altar ng simbahan, na mayroon palang isang lihim na lagusan. Nang hindi na maabot ng liwanag na nagmumula sa itaas, sa bukas na lagusan na kaniyang natuklasan, inilabas na ni Lea ang kaniyang cellphone at binuksan na ang flashlight na app nito. Pagbukas na pagbukas niya ng flashlight ay bubwit na nagkandarapang tumawid sa tapat ng kaniyang mga paa. Muntik na niyang mabitiwan ang cellphone. Sandali siyang napapikit at napabuntong-hininga nang malalim. Pagkatapos ng tila pag-usal ng isang maikling dasal ay buong lakas siyang sumuong at maingat at dahan-dahang naglakad pababa ng spiral na hagdanan, tungo

