Chapter 4

1373 คำ
Mabilis na naglakad si Steve papunta sa parking lot ng paaralan. Agad siyang pumasok sa kotse nang makita niya si Rj na nakasandal sa labas ng dala niyang kotse. "Tara na" pinagpapawisang sabi niya dahilan kung bakit nagkatinginan sina Rj at Jake . Tuluyan silang pumasok sa kotse. Si Rj ang nag drive sa kotse at kasama niya si Jake sa harapan habang nasa likuran naman si Steve na ngayon ay walang tigil sa pagdungaw sa bintana. "Anong nangyayari sayo Steve? Para kang may tinatakasan" mabilis na napaayos sa pagkakaupo si Steve nang tanungin siya ni Jake na ngayon ay nakatingin sa front mirror. "H-Hah? What?" "Para kang nakakita ng multo dahil sa pamumutla mo" sabi naman ni Rj na kinatikhim ni Steve. "H-Hindi ko alam ang sinasabi niyo" tanggi niya at seryosong napatingin sa harapan. Napakibit balikat ang dalawa at hindi na kinausap si Steve. Samantala, nakangiting tumatakbo si Lucy habang sinusundan ang kotseng sinasakyan ni Steve. Sa bilis ng kanyang takbo ay para na siyang lumilipad dahil nasasabayan niya ang mga kotse. Hindi alam ni Steve na palihim siyang nasundan ni Lucy hanggang sa huminto sila sa harapan ng isang malaking gate at sa loob nito ay isang napakalawak na hardin. Agad na nabuksan ang gate ng bumosina si Rj. Palihim paring nakasunod si Lucy at imbes na dumaan sa gate ay tumagos siya pader para hindi siya makita ni Steve. Natanaw kaagad ni Lucy ang malaking mansyon na nasa dulo ng hardin na ito. "Mayaman pala siya" nakangising sabi niya at nauna na siyang pumunta sa kinaroroonan ng mansyon. Pagdating niya sa loob ay sumalubong sa kanya ang kumikinang na mga kagamitan. "Gawa ba sa ginto ang mansyon niya?" kunot-noong tanong niya at sinubukan na kagatin ang malaking vase na nasa gilid ng pintuan. Wala siyang naramdaman sa pagkagat dito kaya hinayaan nalang niya ang mga nakikita niyang kumikinang na mga bagay. "Nandito na si Sir Steve!" malakas na anunsyo ng mayordoma ng mga katulong. Mabilis namang nagsilinyahan ang mga katulong sa gilid ng pintuan dahilan kung bakit nagtaka si Lucy kung anong ginagawa nila. Natanaw niya sa labas na papasok na sina Steve at ng dalawa niyang kasama kaya dali 'din siyang tumabi sa mga katulong na nakalinya. "Welcome back Sir Steve!" sabay nilang sabi at yumuko. Napayuko din si Lucy para hindi siya mahalata ni Steve. "Wow sosyal" bulong niya. Palihim niyang binigyan ng tingin si Steve habang nakayuko parin siya. Diretso lang naglalakad si Steve hanggang sa umakyat siya sa hagdanan. Isa-isa namang nagsi-alisan ang mga katulong sa pagkakalinya kaya umalis na din siya at sinundan si Steve. Hindi parin siya nakikita ni Steve dahil nakatalikod siya sa kanya. Nakita niyang pumasok siya sa isang kwarto kaya agad siyang tumagos sa pintuan pagkasarado ni Steve dito. Akmang magsasalita na siya nang mapatigil siya nang mabilis na naghubad ng damit si Steve dahilan kung bakit nalaglag ang panga niya at hindi napigilan na mapasigaw. "WAHHHHH!" Muntik ng mawalan ng balanse si Steve nang marinig niya ang sigaw na ito. Nanlalaking matang binalingan niya ng tingin si Lucy na nasa gilid ng pintuan ng kwarto niya. "AHHH!" siya naman ang napasigaw sa gulat at mabilis na dinukot ang bagay na nasa taas ng drawer niya. "Bakit ka sumigaw?!" gulat na tanong sa kanya ni Lucy at inalis ang pagkakatakip sa mga mata niya. Napalunok naman siya ng laway nang mabaling ang tingin niya sa h***d na katawan ni Steve. Nakasuot pa naman siya ng pants kaya hindi naman niya kita ang lahat. "Wow may abs ka?" mabilis niyang tinakpan ang bibig niya nang malakas niyang nailabas ang tanong na dapat ay sa isipan lang niya. Napatikhim naman si Steve at mabilis na nabaling ang tingin nilang dalawa sa labas ng pintuan nang marinig nilang may kumatok. "Steve! Anong nangyari?" tanong ni Rj sa labas ng kanyang pintuan. Nagkatinginan ang dalawa bago nagmadaling binuksan ni Steve ang pintuan. "Hah? W-Wala" Napakunot ng noo si Rj at nilibot ang tingin sa loob ng kwarto ni Steve. "Anong wala? Bakit ka sumigaw?" tanong muli ni Rj na nakatingin na sa hawak ni Steve na ruler. Mabilis naman itong binitawan ni Steve pagkatapos ay napakamot sa ulo. "Palaka" Napakunot ng noo si Steve nang marinig niyang nagsalita si Lucy. "Sabihin mo may palaka" sabi pa niya. "Steve-" "Palaka. Yeah, palaka" mabilis na sabi ni Steve kay Rj. Nagsalubong ang kilay ni Rj at muling binigyan ng tingin ang loob ng kwarto ni Steve. "May palaka sa kwarto mo? Saan?" Tuluyan siyang pumasok sa kwarto at hinanap ang palakang tinutukoy ni Steve pero wala siyang nakitang palaka. "W-Wala na. Pinalabas ko na" "Ganon ba?" Mabilis na napaatras si Lucy palayo kay Rj nang makalapit siya sa tabi niya. "Tatagos din naman" bulong ni Steve at napatingin sa kanya ang dalawa. "Ang sabi ko pwede ka ng lumabas. Magbibihis pa ako" pag-iiba niya at tinulak palabas ng kwarto niya si Rj. "Okay?" Pagkasarado niya sa pintuan ay mabilis siyang kumuha ng bagong damit at sinuot ito. "What are you doing here?" baling niya kay Lucy na ngayon ay abala sa paglibot sa kanyang kwarto. "Laki ng kwarto mo" sabi niya at binaling ang tingin kay Steve na ngayon ay magkasalubong ang kilay. "Tinatanong kita" matigas na sabi sa kanya ni Steve na kinaiwas niya ng tingin. "Tulungan mo ako" amin niya. "Saan?" Umupo si Steve sa kanyang kama at sinuot muli ang kanyang antipara para maklaro ang hitsura ng multo. "Tungkol sa memorya ko. Gusto kong maalala" malungkot niyang sabi. Patuloy parin siya sa paglibot sa kwarto habang sinusundan naman siya ng tingin ni Steve. "Bakit ako? Walang akong kakayahan para ibalik ang memorya mo" seryosong sabi sa kanya ni Steve. "Alam ko naman yon pero ikaw lang kasi ang nakakakita saakin" mahinang sabi ni Lucy. Natigilan si Steve at mabilis na napaiwas ng tingin sa kanya nang makita niya ang malungkot na mukha niya. "Hindi ko din alam kung bakit nakikita kita samantalang wala naman akong third eye para makakita ng katulad mo. Ngayon lamang ako nakakita ng multo" "Hah? Ibig sabihin ay first time mong nakakita ng multo?" takang tanong ni Lucy at mabilis na lumapit kay Steve. Napaatras naman palayo si Steve sa kanya nang ilapit sa kanya ni Lucy ang mukha niya. "Tss. Kasasabi ko lang" tanging sagot lamang ni Steve dahilan kung bakit nakaramdam ng pagkatuwa ang multo. "Kung first time mo nga ay tulungan mo ako!" masiglang sabi niya dahilan kung bakit bumalik ang tingin sa kanya ni Steve. "Sira ka ba? First time ko nga kaya hindi ako expert sa mga ganyan. Hindi ako detective o ano para tulungan ka tss" "First time mong makakita ng multo at first time 'ding may nakakita sa akin na tao. Ibig sabihin ay hindi coincidence ang pagkikita natin! T'saka wala naman sa expertan ng tao nababase ang pagtulong e! " masayang sabi niya na kinatikhim ni Steve. "Ibig mo bang sabihin ay kaya tayo nagkita dahil ako ang tutulong sayo na maalala mo ang memorya mo para tuluyan kang manahimik sa mundong ito?" nakakunot noong tanong ni Steve. Mabilis namang napatango si Lucy at napa thumbs up sa kanya. "Tss. Hindi ka nga sigurado kung memorya mo ba talaga ang dahilan kaya hindi pa kinukuha ang kaluluwa mo" napapailing na sabi ni Steve nang maalala ang sinabi ni Lucy kanina sa library.  Napasimangot naman si Lucy. "Basta kailangan mo akong tulungan!" malakas niyang sabi na mas lalong kinailing ni Steve at tumayo sa pagkakaupo. "Kung tama ka nga ng hula na hindi coincidence ang pagkikita natin ay hindi parin kita matutulungan." mahinang sabi niya at dumungaw sa bintana. "Bakit?" napatayo na din si Lucy sa pagkakaupo at nilapitan si Steve. Sabay na silang nakadungaw sa bintana. "Hindi ako pwedeng lumabas sa mansyong ito. Wala akong kalayaan" baling sa kanya ni Steve. Natigilan naman si Lucy nang makita ang emosyong pinapakita ng lalaki. Nagsasabi siya ng totoo. "Kapag sinabi kong kaya kitang palayain, tutulungan mo ba ako?" nakipagpalitan siya ng tingin sa lalaki. Unang umiwas si Steve ng tingin pagkatapos ay tumikhim. "Why not?" "Then tulungan mo ako" ngising sabi ni Lucy at hinuli ang tingin ni Steve. Napalunok naman ng laway si Steve nang makita ang ngisi ni Lucy. "Deal "
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม