Walang tigil na kinakamot ni Lucy ang kanyang buhok habang naghihintay na bigyan siya ng baraha ng batang may hawak sa mga baraha.
Isa-isang binigyan ng bata ang mga kalaro niya ng baraha. Umabot na sa lima ang barahang nabigay niya sa mga kalaro niya pero hindi parin niya binibigyan ng baraha ang kanina pang naghihintay na si Lucy.
Tuluyang nanlinsik ang mga mata ng dalaga at tumayo sa pagkakaupo. "Napakasama mo! Bakit hindi mo pa ako binibigyan!" malakas na sabi niya sa batang namimigay ng mga baraha na ngayon ay natapos na. Nagsimula na silang maglaro na para bang wala silang naririnig na nagrereklamo sa gilid nila.
"Aba! Talagang iniignore niyo ako hah?" nakapamewang na tanong ni Lucy sabay nilibot ang tingin sa tatlong batang naglalaro.
Napapadyak na siya sa inis nang wala paring pumapansin sa kanya.
"Tss" dahil sa inis na nararamdaman ay mabilis niyang kinuha ang natirang mga baraha at tinapon sa tatlong bata.
"Ano ba! Sinong may gawa 'non?!" inis na tanong ng batang babae.
"Hindi ako! Baka si Sebastian!" baling naman ng batang lalaki kay Sebastian na siyang namigay ng baraha kanina. Napakunot naman ng noo si Sebastian at mabilis na napailing. "Bakit ako? Nananahimik na nga lang ako dito!" malakas na sabi niya at napatayo na.
"Ikaw ang tumapon sa baraha dahil alam nating tatlo na matatalo ka na naman!" napatayo na din ang dalawa at pinalibutan si Sebastian.
Samantala, habang sila ay nagpapalitan ng salita ay hindi naman matapos sa kakatawa si Lucy habang nilalabas ang dila niya sa batang si Sebastian. "Buti nga sayo haha" patuloy parin siyang tumatawa hanggang sa nagkasakitan na ang mga bata. Umalis lang siya nang dumating ang mga magulang nila para awatin sila.
"Haysst! Buhay--patay na pala" mabilis niyang pag-iiba ng sasabihin niya nang maalala na wala na siyang buhay.
Simula ng magising siya sa gitna ng kalsada ay ilang beses na niyang sinaktan ang katawan niya kung nananaginip parin ba siya hanggang sa mapagtanto niya na hindi siya nananaginip kundi patay na siya. Kaya hindi siya nakakaramdam ng sakit, t***k ng puso, at tumatagos ang katawan niya sa tuwing may nakakabangga siyang tao o bagay dahil sa isa na siyang multo. Multong walang maalala sa kanyang sarili noong nabubuhay pa siya.
Tanging ang pangalang Lucy lang ang natatandaan niya dahil ito ang una at huling narinig niyang salita na nanggaling sa isang boses bago siya nagising noon sa gitna ng kalsada.
"Isa na nga akong multong walang maalala. Wala pang nakakakita at nakakaramdam saakin kahit ilang beses na akong nagparamdam. Ano pa ba ang kailangan ko sa mundong ito? Bakit hindi niyo pa ako kinukuha?" nakabusangot na sabi at tanong niya habang nakatingin sa kalangitan.
Tulad ng sabi niya ay walang nakakakita sa kanya. Hindi niya alam kung sinasadya ba ng mga taong nakakakita ng mga multo na hindi siya pansinin dahil ilang beses na niyang sinubukan na lapitan ang mga taong may pangatlong mata na nahanap niya sa pamamagitan ng pagkuha niya ng impormasyon sa mga kapwa niyang multo.
Hindi siya pinapansin ng mga taong ito kahit ilang beses na siyang nagparamdam na palagi nilang binibigyan ng ibang kahulugan na hindi umabot sa punto na naisip nilang may nagpaparamdam sa kanilang multo.
"Saan kaya pwedeng magtambay?" patuloy lang niyang kinakausap ang sarili niya habang naglalakad sa gitna ng mga tao.
"Kyahh! Nasa school na naman daw si Steve!"
"Talaga? Kasama din ba niya sina RJ, Jake at Leon?"
"Oo! Wahh! Ang gwapo talaga nilaaaa"
Nabaling ang tingin niya sa mga estudyanteng nagkukumpulan habang walang tigil sa pagtili at pagbanggit sa pangalan ng apat na tao.
"Kabataan nga naman" napapailing na sabi niya at pumagitna sa kanila. "I-kung hilahin ko kaya ang buhok mo?" napapangising tanong niya sa isa mga estudyante na walang tigil sa pagsuklay. Pati ang mga kasama niya ay abala na sa paglagay ng palamuti sa kanilang mga mukha. Hindi manlang nila pansin na may katabi silang multo na ngayon ay may kalokohan na namang binabalak.
Bago pa tuluyang mahila ni Lucy ang buhok ng estudyante ay humakbang siya paharap. "Tara na!!!"
Mabilis na naglakad palayo sa kanya ang mga estudyante dahilan kung bakit nawala ang ngisi niya sa kanyang labi.
"Tsk! Sino ba kasi ang Steve na yan at kapangalan pa niya ang taong pinaasa ako?!" gigil niyang tanong habang sinusundan ang mga estudyante.
"Akala ko ay nakita niya ako dahil sabay na nanlaki ang mga mata namin ng magtama ang tingin namin. Plus naramdaman ko talagang dumikit ang katawan niya saakin nang hindi manlang lumalagpas!" nakabusangot niyang sabi habang inaalala ang lalaking nakabangga niya sa Park kahapon.
" 'Yon pala ay kaya nanlaki ang mga mata niya dahil may palaka sa dinadapuan ko. Bakla yata siya e. Takot sa palaka pssh" patuloy lang siyang sa pagsasalita habang sinusundan parin ang mga estudyante na tuluyan ng nakapasok sa malaking paaralan.
"Pero talagang naramdaman ko ang katawan niyang bumangga sa akin e. Nakakapagtaka"
"Ayon siya!"
"Wala ang tatlo. Siya lang ang nandito"
Napatigil sa paglalakad si Lucy nang tumigil ang mga estudyante sa isang bookshelf na nandito sa library habang nakasilip sila sa isang lalaki na mag-isang nakaupo sa mahabang upuan habang natatakpan ang kalahating mukha niya ng binabasa niyang libro.
"Hala malalate na tayo!"
"Lumiban muna tayo. Minsan lang natin siyang makita dito"
"Oo nga-" "Sinong liliban?"
Napatigil sa pagbubulungan ang mga estudyante nang lumapit sa kanila ang librarian. Lahat sila ay natigilan at napalunok ng mga laway. "W-Wala po"
"Pumunta na kayo sa mga klase niyo!" dali-dali namang lumabas sa library ang limang estudyante. Muntik na silang madapa dahil sa pagmamadali. "Kabataan nga naman" napapailing na sabi ng librarian.
"Hahaha!" muli na namang tumawa ng malakas si Lucy dahil sa nasaksihan. Hindi 'man niya natuloy ang paghila sa buhok ng isa sa mga babae pero bawing bawi naman ito ng librarian.
Natatawang naglakad si Lucy palapit sa lalaking pinagkakaguluhan kanina ng limang 'yon.
"Ano bang mayroon sayo kaya ka pinagkakaguluhan ng mga batang 'yon?" tanong niya sa lalaki at umupo siya sa harapan niya. Pinaggigitnaan sila ng lamesa.
Patuloy parin siya sa pagtawa hanggang sa natigilan siya nang magtama ang mata nila ng lalaking nasa harapan niya.
"Ikaw?!"