“Wala naman. Pakiramdam ko kasi ay magagamit natin si Joel kung sakaling yumaman na si Linda tapso ay hindi tayo bigyan o balatuan ng pera.” Natatawang sabi ni Sisa ay Kitkat. Napasimangot naman si Kitkat, “Ganun? Akala ko ay type mo lang din siyang tikman!” “Well, wapo pa rin naman si Joel. Huwag mo sabihin kay Linda na kasama natin ang lalake na ‘yun ha?” sabi pa ni Sisa. “Bahala ka basta wala ako diyan kapag nagalit si Linda.” Sabi naman ni Kitkat. Tumango naman si Sisa pero may malalim na iniisip. Bumalik naman na si Joel at inilapag ang mga pinamili. Naghanda naman ng baso si Kitkat at lihim na nilagyan ng maliit na tablet ang isang baso saka ito sinalinan ng softdrink. “Joel, inom ka muna. Alam ko pagod ka sa byahe mo kanina papunta rito.” Nakangiting sabi ni Sisa. Agad nama

