Tikom ang bibig at nakakuyom ang mga palad ni Ursula, habang walang tigil sa pagdurugo ang kanang leeg niya ay hindi pa rin siya nagsasalita. Pumunta sa harapan niya si Sam at nakangising itinaas ang kamay na may hawak ng kutsilyo. Marahang muling lumapit sa kaniya at yumuko para magpantay sa kaniyang mukha. At unti-unting inilalapit ang dulo ng kutsilyo sa kaniyang nanlalaking kaliwang mata. “Ano, sasabihin mo na ba, o… itutuloy ko ito?” gahibla na lang ang layo nang matulis na kutsilyo kaya napapaatras ang ulo ni Ursula. “Tsk! Matigas din kasi ang ulo mo. Hmmm… nasa bahay n’yo ba?” at nanggigil na lalong inilapit nito ang hawak. Imbis na sumagot, dinuraan ni Ursula ang mukha ni Sam. Nagulat ang huli kaya pabigla niyang sinampal si Ursula habang hawak pa rin ang kutsilyo. Napaigik ang d

