Nakita ni Stacey na tumayo si Viena at kasunod niyon si Leandro. Naningkit ang mga mata niya sa inis kaya't napatayo siya at hinila ang kamay ni Marcus para gumitna din at sumayaw kasama ng iba pang magkakapares sa bar na iyon. Ang mga ka-teammate ni Leandro ay naghiyawan at kinantyawan ang kasintahan at si Viena at nakita niya ang kasiyahan sa kaibigan na lalo niyang ikinaselos. Itinuon niya ang atensyon kay Marcus saka nakita na titig na titig ito sa kanya. "Nagseselos ka sa kaibigan mo?" halos pabulong na wika nito sa tainga niya. Muling umahon ang inis sa katapat na dalawang nagsasayaw na tila walang pakialam na naroon siya. "Hindi ah!" "Nagseselos ka," ulit nitong sabi saka ngumiti na tila nang-iinis pa. "Gago siya kung ipagpapalit ka niya sa kaibigan mo. 'Di hamak naman na lama

