Four years later. . . "Hi, gwapo!" Isang ngiti ang sumilay sa labi niya nang marinig ang boses ni Caroline. Agad siyang lumingon at tinanaw ito habang papalapit sa kaniya. "Anong mabuting hangin ang nagdala sa 'yo dito?" nakangiti niyang tanong. Kasalukuyan siyang nag-iinspeksyon ng mga butil ng palay na malapit nang itanim. Tinanggal niya ang sumbrero nang tuluyang makalapit ang dalaga. Ang sasakyan nito'y nakaparada lang sa driveway. "Dinala ko lang itong invitation sa dadaluhan nating convention sa isang araw. Kasama nating luluwas si Joey dahil may stag party na pupuntahan, kung okay lang sa 'yo," paalam nito na ikinangiti niya. "Oo naman, walang problema sa akin dahil mabuti ko ring kaibigan si Joey. Matagal ko nang tinanggap na siya ang pinili mo kaysa sa akin," biro ni

