Naestatwa si Marcus sa kinatatayuan kung sino ang mapagsino ang nasa bakuran niya ngayon. Mula nang umuwi siya mula sa seminar anim na bwang mahigit na mula ngayon ay hindi nawala sa isip niya kahit isang saglit ang babaeng hindi rin nawala sa puso niya. Pero tulad ng ipinangako niya kay Stacey na hindi niya ito gagambalain pa, hindi na siya naglakas ng loob na alamin pa kung ano ang nangyari dito at kay Leandro. Hindi niya na hinangad na umasa pa. At ngayong nasa harapan niya ito ngayon ay hindi matapos-tapos ang kabang nararamdaman. Mabilis na rumehistro sa utak niya ang dahilan ng pagpunta nito sa kanya nang masuri ang kabuuan nito. Agad siyang lumapit at niyakap ito. "I'm glad you're here," bulong niya sa dalaga na agad siyang itinulak para ilayo ang katawan. "You must know why I ca

