Maagang dumating sa San Fabian si Stacey nang sumunod na buwan. Sa dami ng trabaho niya sa opisina ay hindi niya nagawang makaalis pagkatapos makalabas sa ospital ng anak. Nang dumating siya ngayon ay naka-pajama pa ito pero bakas na ang pagpayat dahil marahil sa pinagdaanang pagkaka-ospital. "Hey, sweetie," bati niya sa anak saka ito hinalikan. Si Marcus ay agad tinapos ang kape at bahagya lang na tumango sa kanya. Si Nana Rosa na ang nagpapakain kay Athena. Umakyat si Marcus sa silid at nang bumaba ito'y nakapagbihis na. Sumikdo ang dibdib niya nang magtama ang kanilang paningin. But Marcus looked away in an instant. Lumapit ito sa anak saka humalik sa ulo at hinaplos ang buhok nito bago nagpaalam. "Yuan is coming to play with you," nakangiting wika ni Marcus sa anak na wala siyang id

