Tahimik na nakatayo lang ako sa tabi ni Kyle habang pinapakinggan ang mga yabag, tumingin ako sa mga bata at sinenyasan sila na huwag maingay. Mahigpit kong hinawakan ang dalawang baril na nakaipit sa pantalon ko. Nang senyasan ako ni Kyle ay sumunod ako palabas sa kanya, hindi pwedeng dito kami maglaban sa harap ng mga bata dahil baka madamay sila. Pagkalabas na pagkalabas namin ay sunod-sunod na putok ng baril ang pumunta sa gawi namin, mabilis akong hinawakan ni Kyle sa ulo at tinulak pababa. Nagtago kami sa likod ng mga upuan habang hindi natatapos ang mga pagputok. Lumingon sa’kin si Kyle at pinagmasdan ang katawan ko. “Are you alright?” Tumango ako habang mabigat na humihinga. That was freaking terrifying! Maswerte kami na hindi kami natamaan! Mabuti na lang ay mabilis ang reflex

