Pagkadilat ko ng mata ay mukha agad ni Kyle ang nakita ko, pumikit ulit ako ng mariin saglit bago tuluyang dinilat ang mata ko. Nilibot ko ang tingin sa paligid at hindi na nagulat na nasa ospital ako. “Are you alright?” tanong ni Kyle. Tumango ako at umupo. “I’m okay..” “You fainted because of over fatigue, and hunger..” paliwanag niya at nagbuntong-hininga habang hinihimas ang mukha. “We haven’t eaten since this morning, and we did a lot of things the whole day.” Totoo nga iyon, hindi pa kami kumakain dahil sabi ko ay mamaya na kami kumain pagkatapos namin i-rescue ang mga bata. “Are the kid’s safe?” tanong ko. “The police took over, so don’t worry.” Tumayo siya at kinuha ang mga pagkain na nasa may lamesa, nilapit niya iyon sa’kin kaya’t naamoy ko agad ang amoy ng beef pares. “Now

