fifty five

1958 คำ
LV. "Bakit lagi kang wala?" Bungad sa'kin ni ate Agnes pagkauwi ko. Alas onse na ng gabi at ngayon lang ako umuwi galing sa isang park. Doon ako nagpalipas ng buong araw pagkatapos ng klase. Simula nang malaman ni Gael ang sikreto namin ni Kyle, lagpas isang linggo na ang nakakaraan ay ganito na ako. Halos ilagan ko silang lahat, aalis ako ng umagang-umaga kapag tulog pa si ate Agnes tapos magpapalipas ako ng oras kung saan. Mag-iikot sa mall, bibili ng maraming libro para may mapaglibangan. Pupunta sa parks, pupunta sa massage parlor, sa arcade. At kung saan saan pa na lilipas ng mabilis ang oras. Ilang araw nang nakapatay ang phone ko at iniiwan ko lang sa kwarto ko para hindi ako ma-contact. Iniiwasan ko rin si Gael sa school, pupunta lang ako do'n kapag oras na talaga ng klase ko at aalis pagkatapos na pagkatapos. Kapag nakikita ko siya ay nag-iiba na agad ako ng direksyon. Hindi ko pa rin alam kung bakit hindi niya ako sinusumbong kahit kanino. Kahit si Kyle ay hindi ko na nakikita. I miss him so much, though. Pero hindi ko alam kung kaya kong makipagkita sa kanya ngayon. Hindi ko maintindihan ang sarili ko, pwede bang maglaho na lang ako? "Busy ako sa mission, tatlong araw na lang ay deadline na.." Pagdadahilan ko kay ate Agnes kaya kumunot ang noo niya. "Ayos lang naman na hindi ikaw ang makakuha sa kanya. Wag mong i-pressure ang sarili mo." Sermon niya habang nakapamewang. "I'm.. okay." Mahinang sagot ko at umakyat na sa hagdan. "May problema ka ba, Vana?" Tanong niya kaya napatigil ako sa paghakbang. Lumingon ako sa kanya bago ngumiti at umiling. "Wala, noh! Busy lang talaga ako sa mission, parang hindi ko kasi matanggap na matatapos ang isang buwan na hindi natin nahuhuli ang Vergara na 'yon.." Nakangiting sabi ko at bahagyang tumawa kaya napailing na lang siya at umirap sa kawalan. She didn't buy my excuses. "Bukas may pupuntahan tayo, kung sakali man na ikaw ang makakuha kay Vergara ay alam mo kung saan mo siya dadalhin.." Aniya at nagkibit balikat. "Hindi natin siya pwedeng dalhin sa HQ kaya sa ibang lugar natin siya i-iinterogate." Huminga ako ng malalim at tumango. Umakyat na ako sa kwarto ko, naligo para makapagpalit ng damit. Pahiga na ako sa higaan ko nang makita sa bedside table ang phone ko na lagpas isang linggo nang hindi nabubuksan. Kinuha ko 'yon at binuksan. Sunod sunod na text messages ang dumating galing kila Gael at kila Monique. Pero ang pinakamarami ay kay Kyle, lagpas kalahati yata nito ay sa kanya lang. Kinagat ko ang labi ko at pinatay ulit 'yung phone ko. Kyle must be worried so much, ano bang ginagawa ko? Kinabukasan matapos ng klase ko ay sinundo ako ni ate Agnes. Halos magdidilim na rin dahil hapon ang klase ko ngayon, ngayon kami pupunta doon sa lugar na pagdadalhan daw kay Kyle kapag nahuli ito. Dalawang araw na lang ang natitira, posible ba na mahuli pa siya? Dumating kami sa isang factory. Factory na walang laman ang loob, sobrang lawak ng loob na nagmukha na itong isang parking lot. "Abandoned na 'to?" Tanong ko habang nililibot ng tingin ang loob. Maraming bantay na puro nakaitim sa labas, meron din dito sa loob pero mas konti. "Nope, vacant lang." Ani ate Agnes. "Sa'tin ang lupang ito, binili para sa mga ganitong bagay." Tumango-tango ako at nilingon ang isang agent na nakaupo sa isang mahabang sofa sa gitna. May bilog na ilaw sa tapat nito na nakatapat sa isang pang-isahan na upuan. "Goodevening, ma'am Agnes." Bati ng isang agent kay ate Agnes, ako naman ay nginitian lang. "Parang masyadong konti ang security sa labas." Seryosong sabi ni ate Agnes. "I-inform mo sila Hana na magpadala pa dito." "Yes, ma'am.." Agad na sagot nito at ngumiwi. "Pero, ma'am Agnes.. Posible pa bang mahuli si Vergara? Dalawang araw na lang ang natitira--" "Don't you trust our agents?" Iritadong tanong ni ate Agnes kaya napayuko ito. "S-sorry po.." Napailing na lang si ate Agnes at nilingon ako. "I have a meeting with a client, sasabay ka na ba sa'kin?" Umiling ako. "I'm okay, magta-taxi na lang ako pauwi.." Tumango siya at nagpaalam. Umupo ako sa sofa at huminga ng malalim, nakakatamad bumyahe ng bumyahe. Maya-maya na lang ako uuwi. "Vana." Pagtawag sa'kin ng isang agent. His name is Renz. Medyo baguhan lang siya kaya wala pang masyadong experience, but he's reliable. "Why?" "Kamusta na 'yung mission niyo?" Tanong niya kaya kumunot ang noo ko. "It's fine, mahirap." Sagot ko at ngumiwi. Kahit hindi ko naman talaga ginagawa ang mission na 'to, i can always see Kyle! Baka nga kapag sinabi ko sa kanyang magpahuli siya sa'kin ay gagawin niya, i know he would do it for me. "Ah.." Ngumiwi rin siya at lumapit ng konti para bumulong. "Alam mo bang parang kayo lang ni sir Gael ang mukhang nagseseryoso sa mission na 'to?" Tumaas ang kilay ko. "Huh?" "Kasi.." Tumingin muna siya sa paligid bago ibalik ang tingin sa'kin. "Maraming agents na nagsasabi na nakikita lang daw nila lagi si ma'am Janine na may kasamang lalake, parang hindi daw niya ginagawa ang mission.." "Lalake? Sino?" Kinuha niya 'yung phone niya at may pinindot na picture doon. Nanlaki ang mata ko nang makita si Janine at ang isang lalake sa isang picture, nakahawak sa bewang niya ang lalake na nakatalikod sa camera. Tanging mukha lang ni Janine ang nakikita at nakangiti ito. Shit. Si Kieran Domingo ang lalakeng ito! Kahit nakatalikod ay kilala ko si Kieran dahil sa tindig at hugis ng katawan niya. Are they dating? Hindi na nagagawa ni Janine ang mission na 'to dahil sa pakikipagkita niya kay Kieran? So.. si Gael na lang pala talaga ang gumagawa ng mission na 'to. "Sino kaya 'yan?" Tanong pa ni Renz. "Sabi nila Dianne ay napaka gwapo daw at halatang mayaman. Hindi nga daw sila makapaniwala nung nakita nila." "Baka kaibigan lang.." Naiilang na sagot ko kaya bahagya siyang umiling. Kahit sino naman siguro ay iisipin na hindi lang magkaibigan ang dalawang 'yon. Ang sweet nila sa picture. Pero kilala ko si Kieran, hindi siya kailanman nagseryoso sa isang babae. Bigla kaming nakarinig ng ingay sa labas kaya sabay kaming napalingon doon. Bumukas na lang ang malaking pinto nitong factory at may pumasok, pinasingkit ko ang mata ko at nakita ang isang parang walang malay na lalake na hinahawakan ng dalawang security sa magkabilang braso. "Sino 'yan?" Tanong ni Renz. Mabilis akong napatayo at agad na nanlamig ang buong katawan ko nang makilala ang inaalalayan na lalake. "K-kyle.." Walang boses na sabi ko habang papalapit sila ng papalapit. Napahawak ako sa bibig ko nang makita ng malinaw ang mukha niya nang malapit lapit na sila. Nakadilat siya. He is directly looking at me. Putok ang gilid ng labi niya, may sugat ang pisnge niya, may pasa ang kanang mata niya at puro dugo ang uniform na suot niya. Magulo ang buhok niya at iika-ika ang kanyang lakad kaya halos kaladkarin na siya ng mga may hawak sa kanya. Nag-igting ang panga ko. Pabagsak siyang iniupo sa upuan na may nakatapat na ilaw. Diretso pa rin ang tingin sa'kin. Kyle.. What are you doing here? Bakit ka nandito? Sinong nakahuli sayo? Bakit ka nagpahuli? Anong ginawa mo? Bakit ang dami mong sugat? Bakit hinayaan mong magkaganyan ka? Kinakagat ko na ng madiin ang labi ko para pigilan ang pag-iyak. Halos malasahan ko na ang dugo. Nakakuyom ang kamao ko at parang may nakabara sa lalamunan ko. "S-sinong nakahuli sa kanya?" Nanginginig ang boses ko. Napatingin sa'kin ang mga nagdala dito kay Kyle, sasagot pa dapat sila pero nakita ko na ang isa pang lalake na naglalakad na papunta dito. Gael.. Puro dugo rin ang suot niya, may malaking hiwa sa kanang braso niya at may tumutulong dugo mula sa ulo niya. Punit ang longsleeves na suot niya na puro dugo rin, mabagal siyang naglalakad papunta dito at halatang nahihirapan din sa paglalakad. I've never seen him like this before. Nahirapan siya ng sobra kay Kyle. "Pwede na kayong lumabas." Malamig na sabi niya sa mga security kaya agad na naglabasan ito. Lumingon siya kay Renz kaya natatarantang umayos ito ng tayo. "Tawagan mo si Janine." Utos ni Gael dito kaya tumango agad ito. "Yes, sir Gael.." Sabi nito at nagmamadaling lumabas. Hindi ko na napigilan ang paghikbi nang kami na lang tatlo ang tao dito. Nakatayo si Gael sa isang gilid, nakapamulsa at tinitignan ang sahig. Si Kyle naman ay nakasandal sa upuan at nasa likod ang dalawang kamay na nakatali, nakatutok ang mata sa'kin. "K-kyle.." Nanginginig na lumapit ako sa kanya habang humihikbi. "A-anong ginagawa mo d-dito?" Nagdilim ang mata niya. My Kyle is hurting, nasasaktan siyang nakikita akong umiiyak ng ganito. Lumuhod ako sa harap niya at hinaplos ang mukha niyang punong-puno ng sugat. Hindi ko na napigilan na mapahagulgol habang tinitignan ang balikat niyang nagdudugo dahil sa sugat. Parang paulit-ulit na sinasaksak ang dibdib ko habang pinagmamasdan siya. Hindi ko akalain na makikita ko siya na ganito ang itsura. Puro sugat ang buong katawan niya pero hindi ko siya makitaan ng konting pag ngiwi o daing, para bang hindi niya nararamdaman ang lahat. Napayuko na ako dahil hindi ko siya kayang tignan, napahigpit ang hawak ko sa uniform na suot niya habang patuloy sa pag-iyak. "K-kyle.." Nauutal na sabi ko habang nababasa ng luha ko ang pantalon na suot niya. "I-it must be hurt so m-much.." "Bebe ko.." Nanginginig ang boses niya. Mabilis akong nag-angat ng tingin at nakita ang madilim niyang mata, nanginginig ng konti ang labi niya kaya umiling-iling ako. "Don't talk, please.." Humikbi ako. "You'll hurt y-yourself--" "I missed you.." Malambing na sabi niya kaya natigilan ako. "Why aren't you answering my calls? Don't you have any idea how worried i am?" Pumikit ako nang marinig ang nag-aalala at malambing niyang boses. Gustong-gusto ko siyang yakapin pero natatakot ako na masaktan siya kapag ginawa ko iyon dahil may mga sugat ang katawan niya. Pinatong ko ang noo ko sa tuhod niya habang pinipigilan ang pag-iyak. Naramdaman ko na pilit niyang kinakalas ang pagkakatali sa kamay niya. Alam kong gusto niya akong yakapin para patigilin ako sa pag-iyak pero hindi niya iyon magawa dahil nakatali ang kamay niya. Naririnig ko ang mahihina niyang mura kaya pinunasan ko ang luha ko. Gusto ko na lang siyang itakas dito, pero paano ko magagawa 'yon ng ako lang mag-isa? "A-anong gagawin ko?" Humahagulgol pa rin ako at parang batang nagsusumbong sa kanya. "A-anong gagawin ko, K-kyle? I want to p-protect you but i'm.. too weak. I'm so useless! H-hindi ko kaya ang lahat ng bagay na n-nagagawa mo para sa'kin. P-para sa'tin dalawa.." Lalo niyang pinilit tanggalin ang pagkakalas ng tali sa kamay niya. Nakita ko sa gilid ng mata ko na nakatayo pa rin si Gael sa hindi kalayuan sa'min, hindi gumagalaw at nanatiling nakatingin sa kung saan. "Savanna, stop crying please.." Halata sa boses niya na nahihirapan siya kaya huminga ako ng malalim para pigilan ang pag-iyak, pinunasan ko ang luha ko at pinaglaruan ang mga daliri kong nakapatong sa hita niya. "Trust me, alright." He said, trying to make me calm. Kinagat ko ang labi ko at parang bata na tumango ng maraming beses. I trust you, Kyle. Bigla akong hinila patayo ni Gael at hinila palayo kay Kyle. Papalag pa sana ako pero nakita ko nang bumukas ang malaking pinto at pumasok si Janine. Yumuko at inayos ang sarili. Come on, Savanna. Calm yourself. You need to trust Kyle. ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม